Trevor Nagising ako nang maramdaman ko na may mabigat na nakadagan sa akin. Napalinga ako sa paligid at saka ko napagtanto na nasa kuweba nga pala ako. Tinignan ko naman ang nakadagan sa akin. "Misaki?" Gising ko sa kaniya pero hindi siya nagising. Narinig ko pa siyang humihilik ng mahina. Tinignan ko ang sugat ko sa braso at nakita ito na may nakatapal na halamang gamot. Napatingin naman ako sa katawan ko na walang damit. Dahan-dahan kong inialis sa akin si Misaki para hindi siya magising at nagulat ako nang makita siyang nakatube lang kaya agad-agad kong isinuot sa kaniya ng maayos ang dress niya at inihiga siya ng maayos pero malikot siya matulog kaya hinayaan ko na lang. Napangiti pa ako sa itsura niya bago ako tumayo. Humanap ako ng makinis na bato at saka ko ito ikiniskis para