Nagulat naman ako nang hawakan ni Trevor ang manibela at inapakan ang inaapakan ko at saka inihinto ito sa bandang gilid. "Trevor bakit?" Naguguluhan kong tanong. "Marami pa sila at paniguradong haharangin tayo sa harap kaya kumilos ka na at bumaba!" Nagmamadaling sabi niya at saka mabilis kaming bumaba at naglakad pababa sa gubat. Medyo maliwanag na kaya kitang kita na namin ang daan sa gubat. Nasa unahan ko si Trevor at mabilis kaming naglalakad. "Saan ba tayo pupunta?" "Maghahanap ng daan." "Ha? Eh teka paano sila Miyuki?" "Okay lang sila pero tayo hindi" sagot niya. Napatigil naman ako sa paglalakad at ganoon din siya. "Ano ba ang nangyayari?" Tanong ko sa kaniya. "Wala tayong oras pag-usapan ito. Ang kailangan natin ay makahanap ng lugar para makalabas sa gubat na ito naiinti