46: Pretend nothing happened

2118 Words

Napanguso na lang ako at sumunod na sa kaniya habang naglalakad sa kalsada. Kung saan-saan pa kami naglakad at nagulat ako nang makita ko ang sasakyan niya na kung saan namin iniwan kahapon. Pumunta naman kami kaagad doon at tinignan niya muna ang loob. Nang matapos niyang i-check ito ay kinuha niya ang cellphone niya at saka may tinawagan. Kung anong ayos nito kahapon ay gan'on pa rin ang ayos nito ngayon. May kaunting basag lang dahil sa bala. Mayamaya lang ay nagsalita siya. "Pupunta pa rin tayo sa resort para matuloy pa rin ang bakasyon natin," nakangiting sabi niya sa akin at saka binuksan ang likod ng kotse niya at nagsalita. "Magbihis ka na para maayos ang itsura natin papunta roon," utos pa niya. Kumuha naman ako ng mga damit at saka pumasok sa loob ng kotse niya at nagbihis.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD