13: Japanese words

2043 Words
Trevor Lumabas ako sa clinic nang may pagtataka. Anong problema ng babaeng iyon? Kahit may sakit siya para pa rin siyang baliw. Dumaan muna ako sa office ni Dad at nakita ko rin doon si Timothy. Nag-uusap sila at nang makita nila ako ay binati nila ako. "Oh son, anong mayroon?" tanong ni Dad. "Magpapaalam lang sana ako kasi bibili ako ng sanitary pad" sabi ko habang kinukuha ang susi at wallet ko sa jacket na nakasabit sa upuan ko. Napatingin naman ako sa kanila nang hindi sila umimik at bakas sa kanila ang pagtataka pero natatawa. Ano bang mayroon? para silang si Misaki may mga saltik. "Para kanino?" kagat labi na tanong ni Timothy. "Kay Takishima may sakit siya ngayon" seryosong sagot ko sa kaniya. Bigla naman silang nagtawanang dalawa habang ako ay seryoso pa rin. "Ano ba problema niyo? Wala akong gusto sa batang iyon okay?" inis na sabi ko sa kanila, pero natawa pa rin sila. Tss! Pumunta na ako sa parking lot at saka sumakay sa motor at pinaandar ito at pumunta sa malapit na Mercury Drug dito sa School. Pagkapasok ko pa lang binati na kaagad ako ng ilan pero hindi ko sila pinansin dahil dumiretso kaagad ako medical section. Gamot ba iyon? Pero sabi pad daw ibig sabihin parang benda or what? Bakit ba hindi ko naitanong kay Misaki. Hmmn. Halos limang minuto akong nakatingin sa mga products dito na nasa harap ko pero wala akong makita na sanitary pad at halatang pinagtitinginan na ako ng mga Staff. Lumapit sa akin ang isang Staff na hindi na makatiis. "Ahm sir? Ano po ba ang hanap niyo?" tanong ng babae. "Mayroon ba kayong sanitary pad?" seryosong tanong ko sa kanila at tinitigan ko pa sila isa-isa. Nakita ko naman ang reaction nila na katulad ng kay Misaki, Dad at Timothy yung iba ay natawa pa pero sinagi naman ng katabi. Ano bang mayroon sa sanitary pad na yan? "Ahm sir? Nasa likod niyo po" Sabi nang Staff kanina napalingon naman ako at saka nakita ang mga sandamakmak na sanitary pad daw. Ito ba itsura n'on? Kumuha ako ng isa at saka binasa. Halos mabitawan ko ang hawak ko nang makita ko ang procedure kung paano ito gamitin. Sh*t! Naisahan ako ng babaeng iyon. Ngayon alam ko na kung bakit ganon ang mga reaksiyon nila. "Sir? Ano po bang brand ang gamit ng Girlfriend niyo?" Tinignan ko siya ng masama bago sumagot. "Hindi ko siya Girlfriend and she will never be my Girlfriend!" sabi ko na may diin sa bawat salitang binitiwan at saka ibinalik ang tingin sa mga pad. Ang dami nga ng uri nito. "Bigyan mo ako ng tig-iisang klase" sabi ko. Napalingon ako sa salamin at nakita kong pulang pula ang mukha ko. Pagkapunta ko sa counter ay binayaran ko kaagad ito at saka nagmamadaling lumabas. Lagot ka sa akin Misaki! Pinaandar ko ang motor ko at saka bumalik na sa school. Pagkababa ko sa motor ko ay mabilis akong naglakad papunta sa clinic pero may humarang sa akin. "Rui? Bakit ka nandito?" tanong ko sa kaniya. "Wala, bumisita lang sa dating school natin at saka nandoon sa office sila Ulyssis at Seth hinihintay ka" paliwanag pa niya. Napatango na lang ako at pupunta na sana ako sa office nang pigilan niya ulit ako. "Pre bakit namumula ka? Saka ano iyang dala mo? Pagkain ba iyan?" tanong pa niya. Nakalimutan ko naman na bitbit ko pa ito kaya kaagad ko itong iniabot sa kaniya at saka nagsalita. "Ikaw na ang mag-abot niyan sa clinic sabihin mo ibigay kay Takishima" sabi ko at saka naglakad pero pinigilan niya nanaman ako. "Ano 'to napkin?" natatawa niyang sabi at saka tumingin sa akin. Binatukan ko naman siya at saka naglakad na palayo, bw*sit! Pagkarating ko sa office ay rinig na rinig ko na ang tawanan nila pero kaagad ding nawala nang makita ako. Napa-ayos naman sila ng upo at saka tumitig sa akin. "Yow pre, saan ka galing?" maang na tanong ni Ulyssis sa akin, tss if I know kuwinento na nila Dad sa kanila "Bakit ba kayo nandito? Ano kailangan niyo?" seryoso kong tanong sa kanila. "Wala lang binisita lang namin si Timothy dahil nandito na pala" sabi naman ni Seth "Ano? Inistorbo niyo lang ako para diyan?" inis na tanong ko habang nakaturo kay Timothy na tumatawa lang. Kaasar! Hindi man lamang ako nakaganti kay Misaki ngayong araw. "Bakit ba? May lakad ka ba?" tanong ni Timothy. Sasagot pa lang sana ako pero biglang pumasok si Rui. "Siya kasi dapat ang magbibigay ng napkin dun sa babaeng hapon" natatawa niyang asar sa akin at nagsimula nanaman silang tumawa kasama si Dad na kanina pa nanunuod sa amin. Bw*sit! Lumabas ako sa labas ng office para magpahangin nang maisip ko yung sinabi sa akin ni Misaki na hapon. Pumasok kaagad ako sa office at hinarap si Rui. Isa siyang Japanese at paniguradong matutulungan niya ako. "Rui may sinabi sa akin si Misaki kanina na japanese word" sabi ko sa kaniya at nagsalita rin si Timothy bago pa makapagsalita si Rui. "Ah sa akin din mabuti pinaalala mo bro" sabi ni Timothy. "Ano raw?" tanong ni Rui kay Timothy. "Hindi ko masiyadong mabanggit eh." "Paano ba pagkakasabi?" "Galit siya" sabi ni Timothy at lahat kami ay nakatingin lang sa kanilang dalawa. "Anong natandaan mo sa sinabi niya?" tanong ni Rui. "Watashi ni lang ang natandaan ko tas haranaide basta ang expression niya iniiwasan niya ako at saka ayaw niya yata ako kausap" paliwanag pa ni Timothy. Napaisip naman si Rui at saka nagsalita. "Watashi ni hanashikakenaide?" Sabi ni Rui at kaagad namang napa-oo si Timothy. "Oo ganiyan yung tunog ng pagkakasabi niya" sabi pa niya. "Don't talk to me ang meaning n'on" paliwanag naman ni Rui kaya napa 'ah' na lang kami. "Ano naman ang bakayarou?" tanong ko sa kaniya at napatawa naman siya. "Idiot" sabi niya. "Ano?" tanong ko sa kaniya. "Asshole" sabi pa niya. "Ano ba Yamada!" inis na sabi ko sa kaniya. "Pre yun ang meaning n'on" sabi niya at saka sila nagtawanan. Ano? Ako asshole? Idiot? "Ano pa sinabi sayo hahahaha" tanong pa ni Rui. Inisip ko naman ang isa pang sinabi niya. "Nakangiti siya nung sinabi niya sa akin yun eh" sabi ko pa habang nag-iisip. Natawa naman sila at naiisip din nila na inuto ako ng babaeng iyon. "May baka rin tapos sumon tapos runda ni hay basta bahala siya sa buhay niya" hirap na hirap kong pag-alala sa sinabi ng babaeng iyon. Ang sakit sa ulo kahit hapon si Mikasa hindi niya ako ginanyan. "Hahaha baka ni shitsumon ga arunda?" tawang tawa na sabi ni Rui habang kami ay nakatingin lang sa kaniya. "Oo iyan nga" sagot ko sa kaniya. "Hula ko ang sunod niyang sinabi ay baka iuna" natatawa pa rin niyang sabi kaya napakunot kami sa kaniya. "Oo paano mo nalaman? Ah st*pid! hapon ka nga pala" Sabi ko sa kaniya. "Ano ba meaning nun Rui?" tanong ni Dad na halatang interesado. "Yung una is 'I have a stupid question' and the second one is 'don't be stupid'" sabi niya saka tumawa kaya natawa na rin ang iba samantalang ako ay hindi na maipinta ang mukha. Ang hilig talaga akong pag-trip-an ng batang iyon! Inis na sabi ko sa sarili ko. May araw din sa akin ang babaeng iyon. "Grabe na-i-imagine ko tuloy yung mukha ng babaeng iyon habang nakangiti kay Trevor at sinasabi 'yon" pang-aasar pa ni Ulyssis. Hindi ko na lamang sila pinansin at umalis na lang para kumustahin ang mga clients ko. ****** Misaki Nakadapa ako sa kama ko habang tinititigan ang mga napkin na binili sa akin ni Trevor kanina. Ano kayang itsura niya habang binibili ito? Natawa naman ako sa naisip ko. Heto ako, ganito lang ako buong magdamag kahit sa van kanina para akong timang na tawa ng tawa kaya iniisip na nila Miyuki na baliw na talaga ako. Matutulog na sana ako ng pumasok nanaman sa isip ko si Trevor. Iyong mukha niya na inosente kanina ay hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kung paano siya bumili. "Arghhhhhhhhhhhhhhhhhh" paimpit na tili ko habang inuuntog ang sarili ko sa unan. Bakit ba ayaw niya umalis sa utak ko? Jusko! Nakokonsensya ako at the same time natatawa. Pero nawala ang antok ko at pag-iisip ko kay Trevor nang maisip ko sila Harold at Chinie. Huhuhuhuhu! Tumayo ako sa ibabaw ng kama ko at saka tumalon talon na akala mo nasa restling at ang kalaban ko ay si Chinie. "Ah heto dapat sa iyo isa kang mang-aagaw na haliparot yaahhhh" sipa ko pa at saka suntok sa hangin na may mukha ni Chinie. "Ah tama na Misaki, hindi ko na aagawin sayo si Harold please" pagmamakaawa ni Chinie sa imahinasyon ko. Sumunod naman na pumasok sa isip ko ay si Harold kung paano ang mga ngiti niya sa tuwing magkasama kami. "Taksil ka Harold, sabihin mong ako ang mahal mo at ako ang pinili mo" sabi ko sa kaniya. "Ikaw ang gusto ko Misaki" sabi ni Harold habang nakangiti. Napangiti naman ako pero kaagad ding nawala nang pumasok sa isip ko si Trevor na nasa cashier. "Pabili naman ng sanitary pad iba't ibang klase" seryosong sabi niya habang nakakunot ang noo. Gosh! nababaliw na ako at sa sobrang kabaliwan ko ay sinipa sipa at sinuntok suntok ko ang hangin. Nagulat naman ako nang may kumatok at biglang bumukas ito kasabay nang pagkahulog ko sa kama. *BLAG* "Arrghh." "Ano bang ginagawa mong bata ka ha? Dis oras na ng gabi ang ingay-ingay mo pa" sabi ni Manang Sol habang nagkukusot pa ng mata. "Hehe pasensya na po manang nag-rer-eview po kasi ako" palusot ko sa kaniya. Sa guest room kasi natutulog si Manang sa left side ng kwarto ko kapag wala ang mga magulang namin para may bantay pa rin kami sa loob ng mansion. "Naku! Matulog ka na aba ala una na ng madaling araw, hindi ka ba inaantok?" sabi pa ni Manang na humikab pa. Ano ala una na? Ang haba naman yata ng oras ko sa pag-iisip kay Trevor jusko! "Hay naku sige matulog ka na riyan at ako'y matutulog na jusko kang bata ka" sabi pa ni Manang saka lumabas na ng kwarto. Napasimangot naman ako at pinilit ko ang sarili kong matulog na. Maya-maya lang... "Hoy, Misaki ma-le-late tayoooo gumising kanaaa" pagyugyog sa akin ni Miyuki. "Ano ba Miyuki inaantok pa ako" sabi ko pa at saka nagtaklob ng kumot. "Babangon ka o isusumbong kita" pagbabanta pa niya saka hinatak ang aking kumot. Napasimangot naman ako sa kapatid ko kaya napilitan na akong maligo at mag asikaso. "Hoy Misaki bilisan mo ma-le-late tayo" sigaw pa ni Miyuki sa akin. Tss 7:15 am pa lang at mamayang 8:00 am pa ang pasok. Nanlalata naman akong nag-asikaso at saka bumaba na. Grabe limang oras lang ang tulog ko huhuhu! "Naku iyang kapatid mo na iyan ano oras na kasi natulog kaya puyat." "Hays ano nanaman kayang kabaliwan ang ginawa n'on." Narinig ko pang usapan nila Manang at ni Miyuki. Hindi na ako nakapag-breakfast pa dahil nangungulit na sa akin si Miyuki. Pagkarating nang school ay halos hindi ako makalakad ng maayos. Grabe inaantok talaga ako at the same time nagugutom. Nagsimula na ang first subject namin at nilalabanan ko talaga ang antok ko para hindi ako mapagalitan ni Miss Agane. Sumunod namang prof namin ay si Miss Mendoza. Titig na titig ako sa kaniya at para akong hinihele dahil sa angelic voice niya. Maya-maya lang ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. ****** "Ano ba nangyayari sa iyo?" tanong sa akin ni Trevor habang nakakunot pa rin ang noo. "Inaantok kasi ako eh! Mamaya mo na ako awayin please!" pagmamakaawa ko sa kaniya dahil nahuli niya ako rito sa garden ng school para gantihan ako sa ginawa ko sa kaniya. "Tss, sumama ka sa akin" sabi niya kaya napanguso ako. "Inaantok talaga ako---AHHH" napatili ako dahil sa gulat nang bigla niya akong buhatin ng pa-bridal style. "Hoy ibaba mo nga ako!" "Huwag ka nga maingay" "Teka, saan mo ba ako dadalhin ha?" "Sa office ko, doon ka magpahinga" sabi niya at saka ngumiti sa akin, iyong ngiti niya na hindi ko maaninag dahil sa biglang paglabo ng aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD