Napalingon pa ako sa kanila at halatang hindi nagustuhan ang ginawa ko pero wala na silang nagawa dahil tumayo na ako. Hindi ako papayag na maisahan ako ni Megumi. Pinilit kong maglakad ng normal at saka kumilos ng normal para hindi na sila mag-alala pa. Pero sa bawat hakbang ko ng kanang paa ko ay nakakaramdam ako ng sakit gan'on din sa siko ko. Kung plinano kong kabisaduhin ang kilos nila plinano naman ni Megumi na hanapin ang kalakasan ko at gamitin ito para maging kahinaan ko. Nagsimula na kaming pumuwesto para sa jump ball habang matalas ang paningin namin sa isa't isa. Nang mag jump ball kami ay buong lakas kong tinapik ang bola at napunta ito sa amin. Seryoso akong naglalaro habang pinapakiramdaman ang kilos ng mga kalaban lalong lalo na si Megumi. Nararamdaman ko namang ginag