Mabilis naman akong lumabas at narinig ko pang sabay nila akong tinawag pero hindi ko na sila pinansin pa. Bumaba ako at nagpunta na sa swimming pool na papunta sa garden pero may nakita akong dalawang magkasintahan na naghahalikan. Ano ba itong mga nakikita ko? Tatalikod na sana ako nang makilala ko kung sino ang mga ito. Sila Harold at Chinie. Umalis na lang ako roon at aakyat na sana sa rooftop nang maisip ko na nandoon nga pala sila Miyuki at Tim. Pero paano kapag may ginagawa sila? Hays bahala na. Bumaba na ulit ako sa floor namin at wala sa sariling tinulak ang pinto ng kuwarto nila Trevor pero hindi ito bumukas dahil wala akong card ng room nila kaya kinatok ko ito. Napasandal pa ako dahil ang tagal niya itong buksan. Grabe ano ba itong nakikita ko ngayon? Lapitan ako ng mga mapup