Miyuki Nagbabasa ako ng libro nang may kumatok at pumasok loob ng kuwarto ko si Manang. "Oh hija, may naghahanap sa 'yo sa baba," sabi ni Manang habang nakangiti. Isinara ko ang libro at saka tumayo na at hindi na nag-ayos pa dahil nakapantulog na ako. Sino naman ang maghahanap sa akin nang ganitong oras? Napadaan pa ako sa kuwarto ni Misaki at naalala ko ang sinabi niya kanina na huwag daw siyang istorbohin sa pag tulog dahil may date daw sila ni Trevor bukas. Napailing na lamang ako at saka nagtuloy na sa pagbaba. Pagdating ko roon wala namang tao maski si Manang ay wala rin. Pinagloloko ba nila ako? Aakyat na sana ako nang may makita akong nagkalat na red rose sa kusina. Hindi ba ito napansin ni Manang? Dinampot ko ang isa at nagulat ako nang may makita pa akong isang rose sa