Trevor Nasa bar ako ngayon na pagmamay-ari ni Rui at nagpapakalasing. Hindi naman ako pinakielamanan nila Seth dahil sanay na sila na ganito ako tuwing sasapit ang araw na ito. Halos nakakatatlong bote na ako ng beer pero hindi pa rin ako nalalasing. Tuloy-tuloy lang ako sa pag-inom nang bumalik na naman sa akin ang mapait na nakaraan. FLASHBACK November 7 ngayon at balak naming magkita ni Mikasa dahil nagplano kaming mag-date at plano rin siyang supresahin. Masaya ako at bihis na bihis habang pinagmamasdan ang inihanda kong romantic date para sa kaniya. Mahigit isang oras na akong naghihintay sa kaniya pero sinisikap ko paring magtiis dahil baka na-traffic lang siya o nagpapaganda pa. Napangiti naman ako sa naisip ko. Pero nawala lahat iyon nang mahigit limang oras na akong nagh