Natapos kaming kumain at mag-ayos. Akala ko uuwi na kami pero pumunta muna kami sa park at tumambay doon. "Hilig mo talaga sa ganitong place ano?" pagtatanong ko sa kaniya nang makaupo kami sa isang bench. Pansin ko kasi na mas gusto niyang tumambay sa mga ganitong lugar 'yong may mga puno at mga halaman. "Ito kasi ang nagpapakalma sa akin," sagot naman niya. Napatango naman ako. Sabagay nakakakalma nga ito, lalo na at mukhang kami lang dalawa ang naririto. Pinagmamasdan ko ang kabilugan ng buwan habang dinadama ang sariwang hangin na dumarampi sa balat ko. "Misaki, ipikit mo ang mga mata mo," sabi niya sa akin at saka pumunta sa likod ko. "Teka ano gagawin mo?" pagtatanong ko sa kaniya. "Malalaman mo kung pipikit ka," sabi naman niya kaya wala na akong nagawa pa kundi ang pumikit