Complete Makeover‼️

1655 Words
SAMANTHA'S POV "Drink this." Napalingon ako kay kuya Nathan, dahil sa sinabi niya. Ako ang una niyang binigyan ng drink, dahil siguro sa pagpapawis ko. Nahihiyang kinuha ko naman ang baso na hawak niya at nagpasalamat din ako sa kanya. "Thank you Kuya." mahinang bigkas ko na tama lang na marinig niya. Agad ko naman kinuha ang baso sa kamay ni kuya. Ngunit tila nakuryente pa ang kamay ko, dahil sa paglalapat ng mga kamay naming dalawa. "Ano ba self, kailan kapa nagkaroon ng kuryente sa katawan?" tanong ko sa aking sarili. Agad ko naman ininom ang nagyeyelong tubig, dahil para na akong nagliliyab sa init. Hindi talaga ako comfortable, kapag kasama ko si Kuya Nathan, bakit kaya?. Kung bakit kasi sumama sama pa siya eh!. Hindi nagtagal at dumating na rin ang mga order namin. Si Faith naman ay malapit na niyang maubos ang kinakain niyang Cheese Burger. Hindi pa niya nagalaw ang kanyang Nuggets at French fries. Meron din siyang apple pie at Mcfloat. Paano kaya niya mauubos ang lahat ng yun, e, ang dami. Napatingin tuloy ako kay kuya na wala sa oras, dahil sa pagtataka. Agad din akong nagbaba ng paningin, dahil nahuli lang naman ako ni Kuya Nathan. Nagtama pa ang aming paningin, dahil parang inaabangan niya akong lumingon sa kanya. "May bayad ang tumingin sa akin." bulong niya sa may tainga ko, kaya napaunat ako ng aking likod sa pagka bigla. Tinatayuan talaga ako ng balahibo, kapag binubulongan niya ako. Ramdam ko rin ang init ng hininga niya na tumama sa balikat ko. Tahimik naman na kumain sina Mama at Papa. Pati si Joseph ay abala din sa pag hiwa ng manok na nasa plato niya. Hindi na lang ako kumibo, dahil nag aalala akong makagawa na naman ako ng bagay na ako rin ang mahihirapan sa bandang huli. Nilagyan din ni kuya ng pagkain ang plato ko. Halos mapuno na rin ito, kaya inawat ko na lang siya. "Tama na, hindi ko na mauubos yan. Marami na masyado." sabi ko, sabay pigil sa kamay niya. Tumango lang siya sa akin bilang tugon, saka niya inilagay sa plato niya ang pagkain na sinandok niya para sa akin. "Kain na, dahil may bibilhin pa tayo mamaya." malamig na sabi sa akin ni Kuya. Kaya kumain na lang ako at hindi ko na rin pinansin ang mga nararamdaman ko. Habang iniisip ko kasi ay lalo naman akong kinakabahan at pinag papawisan. MATAPOS namin kumain ay muli na naman kaming bumalik sa Depertment Store para bumili ng sinasabi ni Kuya na bibilhin niya. Ang pamilya ko naman ay sinamahan ng ilang tauhan ni Kuya, upang manood ng Movie. Laking gulat ko ng bigla na lang niya akong hilain sa isang mamahaling Boutique. Alam kong mahal ang mga paninda ng Boutique na 'to, dahil kilala ito sa buong mundo. Agad din kaming sinalubong ng mga Saleslady at nakayuko pa silang lahat na bumati kay kuya Nathan. Ngayon ko rin naisip na kay kuya Nathan pala ang NATASHA'S COLLECTION. Kaya pala ganon na lang kung makayuko ang mga saleslady sa harapan niya. Humahangos naman na lumapit sa harapan namin ang manager ng Boutique. Mabilis kasi siyang tumakbo, palabas ng kanyang opisina kaya siya hiningal ng husto. Bakas din sa mukha niya ang takot kay kuya. "Good afternoon Mr. Del Valle, please come in..." wika ng manager, habang nakayuko at naka lahad ang palad sa daraanan namin. Noong bagong dating ako sa pamilya Del Valle, gulat na gulat ako noon dahil lahat na lang mga tao sa paligid namin ay yumuyuko bago bumati. Hanggang sa nasanay na lang akong makita ang mga ito, kaya ngayon ay tila normal na sa akin ang ganitong pangyayari. Iniisip ko na lang na hindi para sa akin ang pagyuko ng mga tao, dahil hindi naman ako kasing yaman at kasing makapangyarihan ng mga Del Valle. Dinala kami ng Manager sa kanilang VIP Lounge. Ang VIP Lounge ay para lang sa mga VIP Member at Owner ng Boutique. Sila lang din ang pweding pumasok at umupo dito. Ang mga regular customer nila ay sa labas lang pweding umupo. May isa pang sofa sa loob ng Boutique at doon pweding upo ang mga customer na naghihintay na may mag assist sa kanila. "Anna, Hazel, Joanna!... Paki assist dito sina Mr. Del Valle." utos ng babaing Manager sa tatlong Saleslady. Mabilis naman lumapit ang tatlong babae sa harapan namin at biglang nagyuko ng kanilang ulo. "Mr. Del Valle, ano po'ng maipaglilingkod namin sa inyo?" nakayukong tanong ng isang Saleslady na nagngangalang Joanna. May name plate kasi sila, kaya mababasa ang kanilang mga pangalan sa kanilang name plate na nakalagay sa kaliwang bahagi ng kanilang dibdib. Hindi rin ito tumitingin sa mukha ni kuya, dahil siguro ayaw ni kuya na may tumitingin sa kanyang mukha. Ako nga nasabihan kanina na may bayad daw ang tumingin sa kanya. Napatingin muna sa akin si Kuya Nathan, bago siya sumagot. Tinitigan din niya ako sa aking mga mata, saka nag simulang mag salita. "Give her a complete makeover. I want you to provide her with the entire new collection of garments, shoes, bags, and other accessories." maotoridad na utos niya sa mga Saleslady sa harapan namin. "Bilisan ninyo, ayaw kong pinaghihintay ako ng matagal." dagdag pa ni kuya. Pati ako parang kinilabutan sa paraan niya ng pagsasalita. "Yes Mr. Del Valle, masusunod po." sagot ni Joanna. Nagulat din ako dahil sa biglang pag lapit sa akin ng dalawang babae. Pinatayo nila ako mula sa kinauupuan kong malambot na sofa at mabilis na sinukatan mula ulo hanggang paa. Dalawa ang magkatulong na nagsukat sa katawan ko at ang isa naman ay taga lista ng mga size na sinasabi ng isang babae. Napaka bilis nilang kumilos. Para silang mga ipo-ipo sa bilis at halos hindi masundan ang kanilang mga ginagawa. Matapos nila akong sukatan ay muli din nila akong pina upo sa sofa at nilagyan pa ng unan ang likod ko. "Sandali lang Ma'am, kukunin lang namin ang mga gamit niyo." wika sa akin ni Anna. Matamis din siyang ngumiti sa akin at nag bow pa sa harapan ko bago tuluyang umalis. "Para saan ang mga yun?" nagtatakang tanong ko kay kuya. "Just wait and see." malamig na sagot niya sa akin at hindi man lang tumingin sa akin, dahil busy siya sa kakatipa sa kanyang cellphone. Ilang minuto pa ang lumipas at pumasok na ulit ang mga saleslady na may dala pa silang mga naka hanger na damit. Mayroon din parang table na may gulong at may mga layers din ito sa loob. Puno rin ng mga iba't ibang gamit ang bawat layer nito at ang ibabaw ay mga alahas naman ang naka lagay. Muli akong pinatayo ng isang babae at dinala sa isang fitting room. Wala na akong nagawa, dahil naki usap sa akin ang saleslady na hayaan ko na lang daw sila sa kanilang trabaho. Baka daw pagalitan sila ni Kuya Nathan, kapag matagal silang matapos. Ipinasok din nila sa loob ng fitting room ang mga dala nila, saka ni-lock ang pinto. Malaki ang space sa loob ng fitting room. Aircon din ang loob, kaya hindi ako pinag pawisan. Pinahiga nila ako sa isang single bed upang gawin ang mga dapat nilang gawin sa akin. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata, habang inaayusan nila ako. Naisip ko rin na baka pangit ako sa paningin ni Kuya, kaya niya ako pinapaayusan dito. "Aray!" malakas na sambit ko, dahil sa ginawang pag bunot sa aking kilay. Hindi kasi ako nag bubunot ng kilay, kaya hindi ako sanay. Masakit ang bawat pagbunot ng babae sa kilay ko. "Ang hapdi!" reklamo ko pa, dahil mahapdi talaga ang pakiramdam ko. "Tiisin mo lang ma'am, makalat kasi ang buhok ng kilay mo. Kaya binabawasan ko." sabi sa akin ng babae. Mabuti na lang at mabilis gumawa ang babae, kaya mabilis din siyang natapos sa pag aayos ng kilay kong makapal. Menasahe pa niya ang magkabilang kilay ko, kaya medyo naka ginhawa dun ang pakiramdam ko. Maluha luha pa ako, pagkatapos niyang maayos ang aking kilay. Anong magagawa ko, kung hindi ako marunong mag ayos ng kilay. Wala naman pumupuna nito at hindi naman ako nagpupunta sa mga party para mag ayos ng husto. "Hayan!... Ang ganda na ng kilay mo ma'am. Mas lalo ka tuloy gumanda ngayon, dahil may shape na." tuwang tuwa ang babae na pinag masdan ang mukha ko. Pinasukat din nila sa akin ang mga dala nilang sapatos at sandals. Medyo okay ako sa matataas na sapatos, dahil nasanay na rin ako kahit papaano. Lagi kasi akong binibilhan ni Nanay Emily ng mga sapatos na matataas ang hills, kaya nasanay na akong mag suot. Pinasuot din nila sa akin ang pulang dress na labas ang kalahati ng hita ko. Maganda ang pagkakatahi ng dress, dahil hindi kita ang cleavage ko kahit off shoulder ang style niya. Nang matapos na sila sa pag aayos sa akin ay saka palang nila hinawi ang kurtina na nakatakip sa malaking salamin, upang mapag masdan ko ang aking sarili. Napa awang naman ang aking labi, dahil sa pagkabigla ko sa aking bagong anyo. "Ako pa ba ito?" wala sa sariling tanong ko sa mga kasama kong babae. "Opo Ma'am, ikaw na ikaw parin po yan!" nakangiting sagot sa akin ng babaing nag ayos ng mukha ko. "Ang ganda ganda mo talaga ma'am, lalo na ngayong may makeup ka, para kanang Model ng NATASHA'S COLLECTION." kinikilig na wika ng isa pang babae. "Oo nga Ma'am, sigurado ako na lalong mai-inloved sa inyo si Mr. Del Valle!..." tumitili sa kilig na wika ng isa pa. "Salamat sa inyo, ha! Sana magkita kita pa ulit tayo." pasalamat ko sa kanila. "Oo naman Ma'am. Maliban na lang kung tanggalin kami dito ni Mr. Del Valle." pabiro naman na sagot ng makeup artist. "Ma'am, tara na po sa labas. Baka naiinip na si Mr. Del Valle at sisantehin na kami dito." natatawang sabi ni Joanna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD