Strict si Kuya‼️

1753 Words
"You're Samantha, aren't you?" Napalundag si Samantha, dahil sa narinig niyang boses pagkalabas niya ng kanyang banyo. Nakatayo pala si Nathan sa labas ng banyo, habang naka halukipkip ito at nakatingin sa sahig. Nasa labas kasi ng kanyang kuwarto ang banyo, kaya kailangan pa niyang lumabas at doon maligo. Bali banyo ito ng kuwarto ni Faith at share silang dalawa ng kanyang alaga. Connecting Room lang ang tinutulugan niya, ngunit maluwag din ito sa loob at malaki din ang kama. "K-Kuya!" gulat na sambit ni Sam. Mabuti na lang at naka damit na siyang lumabas ng banyo at naka balot naman ng tuwalya ang kanyang basang buhok. "Sam, do you have a boyfriend?" malamig na tanong sa kanya ni Nathan. Hindi parin ito gumagalaw sa kanyang pagkaka sandig sa wall ng banyo at naka halukipkip parin na tila isang estatwa. "W-Wala po k-kuya..." kinakabahan na sagot ni Sam. Nagsimula na rin niyang ginawin, dahil sa nerbyos. "Good!" tipid na wika ni Nathan. Umalis na rin siya sa kanyang pagkakasandig sa wall ng banyo at naglakad patungo sa kama ni Faith. Inayos niya ang comforter ng kanyang anak at hinalikan pa niya ito sa noo, bago tuloyang umalis. Ngunit muli na naman siyang tumigil, pagkahawak niya sa door knob at nag salita. "Sam, from now on, bawal kanang lumabas kasama ang mga kaibigan mong lalaki. Lahat din ng mga lakad mo ay kailangan ipaalam mo sa akin. Is that clear?!" maotoridad na wika ni Nathan kay Sam. Nagulat naman si Sam, dahil sa mga sinabi sa kanya ng lalaki. Kararating pa lang nito, ngunit bigla na lang siya nitong dediktahan sa lahat ng kanyang pwede at hindi pweding gawin. Napamaang na lang si Sam, dahil hindi siya maka paniwala sa mga tinuran sa kanya ng kanyang kinakapatid. Pagkalabas ni Nathan sa kuwarto ni Faith ay pumasok na rin si Sam sa loob ng kanyang kuwarto. Nanginginig parin siya sa takot kay Nathan at parang tinatambol ang kanyang dibdib sa kaba. Wala sa sariling nahiga siya sa kanyang kama na naka balot parin ng tuwalya ang kanyang basang buhok. Hindi parin kasi mawala sa isipan ni Samantha ang sinabi sa kanya ni Nathan. Naging palaisipan din sa kanya kung bakit siya nito pinagbabawalan na lumabas, kasama ang mga kaibigan niyang lalaki. Anong mali doon? Kaibigan lang naman niya ang mga yun at lalong walang karapatan si Nathan na diktahan siya sa lahat ng mga gusto niyang gawin. KINABUKASAN ay nag paalam si Samantha na ipinasyal sa Mall ang kanyang pamilya. Minsan lang kasi makarating ang mga ito sa Maynila, kaya gusto niyang ipasyal sila at ipamili na rin ng mga bagong damit. Balak din niyang ibilhan ng bagong gamit sa School ang kanyang naka babatang kapatid. Ipapahatid din naman sila ng kanyang Daddy James sa Isla Paraiso, kaya hindi sila mahihirapan sa pag uwi kahit marami silang dala dalang gamit pauwi. Masayang lumabas ng kuwarto niya si Sam, dahil excited siyang ipasyal ang mga magulang at kapatid sa Mall. Ngunit nagulat ni Sam, dahil nag hihintay na pala si Faith at Nathan sa kanya sa kuwarto ni Faith. Naka bihis na rin ang mag ama at handa ng sumama sa kanila. Nanibago pa siyang tingnan si Nathan, dahil naka suot lang siya ng Denim pants at polo shirt. Hindi parin nagbabago ang expression ng mukha ang lalaki, ngunit napaka guwapo nitong tingnan sa kanyang attire. "Are you done scanning my body, Sam?!" Nagulat si Samantha, dahil sa tanong sa kanya ni Nathan. Hindi niya namalayan na mahuhuli siya ng lalaki sa ginagawa niyang pagtitig sa kabuohan ng lalaki. Naka tagilid naman ito sa kanya at inaayos ang buhok ni Faith. Hindi na lang sumagot si Sam, dahil sa hiya. Ang Armour Van ng mga Del Valle ang sinakyan nilang lahat patungo sa pinaka malaking Mall sa Maynila. Tuwang tuwa naman si Faith, dahil kasama niya ang ama na namamasyal ngayon. Tahimik lang si Samantha, dahil hindi nangyari ang plano niyang bonding para sa kanila ng kanyang pamilya. Hindi siya makalayo sa mag ama, dahil hindi niya maaring pabayaan si Faith na mag isang mag lakad. Habang naglalakad sila sa Mall ay pinagtitinginan naman sila ng mga tao. Magkakasabay kasi silang tatlo sa paglalakad, habang magkakahawak ang kanilang mga kamay. Tuwang tuwa naman ang mga nakakakita sa kanila, dahil inakala ng mga tao na pamilya silang tatlo. Narinig pa ni Sam ang sinabi ng isang babae na bagay na bagay daw silang mag asawa ni Nathan. Kamukha din daw ni Sam si Faith. Napapa iling na lang si Samantha, dahil sa mga taong mali ang akala. Paano naman kaya niya naging kamukha si Faith, eh, hindi naman sila magka dugo. Masayang masaya naman ang mga magulang ni Sam at ang kanyang kapatid. Ngayon lang kasi sila naka pasyal sa malaking Mall. Pati si Faith ay masayang masaya dahil sa pamamasyal nila. Nagpapabili din siya ng bagong laruan niya, kaya dinala silang dalawa ni Nathan sa Toys ur Us. Pinaiwan naman ni Nathan ang dalawang tauhan na bantayan ang pamilya ni Samantha, habang namimili ang mga ito ng bagong mga damit. Tumakbo pa si Faith papasok ng Toy Shop, habang hila nito ang kamay ni Sam. Kumuha naman si Nathan ng Cart, para may mapaglagyan sila ng mga laruan na kanilang bibilhin. Dahil sa tuwa ni Faith na makasama sa pagsa- shopping ang ama ay kuha naman siya ng kuha ng mga laruan na magustuhan niya. Ipinabili pa niya sa ama ang isang Barbie House. Nang mabayaran lahat ni Nathan ang mga Toys ng anak ay agad niyang ipinahatid ang mga ito sa sasakyan ang mga pinamili nilang laruan. Lahat ng kanyang mga tauhan ay may bitbit na shopping bag, dahil sa dami ng mga kinuha ni Faith. Hindi naman sinaway ni Nathan ang kanyang anak, dahil gusto rin niyang makabawi sa bata. "Daddy, I'm hungry na..." malambing na wika ni Faith sa ama. Itinaas na din niya ang mga kamay, upang magpabuhat na sa ama. "Okay baby, saan mo gustong kumain?" tanong ni Nathan sa bata. Binuhat na rin niya ito, dahil napagod na ang bata sa kakalakad nila kanina. "Mc Donald's!" agad na sagot ni Faith. Agad naman silang nagpunta sa Mc Donald's na gusto ni Faith. Nag order si Nathan ng kiddy meal para sa kanyang anak. Take out order din ang binili niya para kay Faith. "Tita Sam, I want to pee!" wika ni Faith. Hinila din niya ang kamay ni Sam, patungo sa Restroom. "Kuya, samahan ko lang si Faith sa Restroom." paalam ni Samantha. Hindi na rin niya hinintay na sumagot si Nathan, dahil hinila na siya ng bata. Naiwan si Nathan sa may Counter, para hintayin ang kanyang binili. Abala din ito sa pag type sa kanyang cellphone at tila napaka seryoso ng kanyang kausap. Pag balik nina Faith at Sam ay hawak na ni Nathan ang paper bag na nilagyan ng Kiddy Meal ni Faith. "Let's go!" maotoridad na wika ni Nathan. Nauna na rin siyang nag lakad palabas ng pinto. Nagtataka naman si Sam, dahil hindi muna pinakain ni Nathan ang anak nito sa loob. Alam ni Sam na gutom na gutom na ang bata dahil lampas na sa oras ng tanghalian. Inisip na lang ni Sam na baka ayaw ni Nathan sa lugar, kaya hindi niya gustong mag tagal doon. Sa isang kagaya ni Nathan na mayroon napakaraming salapi ay hindi nito gugustuhin na kumain sa ganoong uri ng kainan. Sumunod lang sina Sam at Faith sa lalaki. Ngunit sa gulat ni Sam, dahil pinag buksan sila ng pinto ni Nathan. Hawak nito ang glass door habang nakatayo sa may gilid at hinawakan pa siya sa balikat, upang hindi niya masagi ang lalaking kapapasok lang. Nginitian na lang ni Sam si Nathan, upang iparating na natutuwa siya sa ginawa nito. Muling nag lakad ang tatlo, habang magkakahawak ng kamay. Napapagitnaan nila si Faith na tuwang tuwa naman sa pamamasyal. Hanggang sa marating nila ang isang Restaurant. Nakita ni Sam na nandoon na rin ang mga magulang at kapatid ni Samantha at naghihintay sa kanila. Pati ang mga tauhan ni Nathan na nagbuhat ng mga toys ni Faith ay nandoon na rin sa harapan ng Restaurant. Hindi na lang nag tanong si Sam, dahil natatakot siyang makipag usap kay Nathan. Napaka seryoso kasi ng mukha nito at tila hindi marunong ngumiti. Parang napaka talim din ang mga mata nito at tila napapaso din siya sa bawat titig nito, kapag tititigan niya. Kaya umiiwas na siyang mapa tingin sa mukha ng binata. "Mama, Papa, kanina pa kayo?" tanong ni Sam sa magulang, pagkalapit niya sa mga ito. "Kararating lang din namin, Anak." sagot ni Marlyn. "Pasok na po tayo sa loob Tita, Tito." malumanay na wika ni Nathan. Inakbayan din nito ang ama ni Sam at mag kasama pa silang dalawa na naunang pumasok sa loob. Sumunod naman sina Marlyn at Joseph, pero si Sam ay tila napako sa kanyang kinatatayuan. "Tita Sam, let's go in na po!" malakas na wika ni Faith, kaya bahagya siyang nagulat. Napangiti na lang siya sa bata, dahil nahihiya siya sa kanyang pagkawala sa sarili kahit ilang sandali lang. Muling lumabas si Nathan, upang salubungin silang dalawa. Six seater ang kinuha ni Nathan na table. Tatlo ang pweding umupo sa isang upuan at tatlo din sa harapan. Naka upo na sa isang bahagi ang Mama at Papa ni Sam, kasama ang kanyang kapatid. Bigla naman pumasok si Faith at umupo ito sa pinaka dulo. Sinundan na lang ni Sam ang bata at umupo siya sa tabi nito. Nagulat din si Sam, dahil sa tabi naman niya umupo si Nathan. Parang makuryente pa siya, dahil nasagi ni Nathan ang kanyang hita ng ayusin ng lalaki ang suot nitong Denim Jeans. Ramdam na ramdam ni Sam ang init ng palad ni Nathan, dahil naka suot lang siya ng floral dress na hanggang tuhod. "Anong gusto mong kainin?" tanong ni Nathan sa kanya. Inilapit pa ng lalaki ang bibig nito malapit sa tainga ni Sam, kaya lalong nag tayuan ang balahibo ng dalaga. Bigla din siyang pinag pawisan, dahil sa pagka kiliti nito dahil sa mainit na hininga ni Nathan na tumama sa kanyang punong tainga at pisngi. "K-Kahit ano na lang. I-Ikaw na ang bahala." nahihiyang sagot ni Sam. Kumuha din siya ng tissue at pinunasan ang kanyang noo. "Ang lamig lamig pero pinag papawisan ka dyan. Sleeve less pa ang suot mo." pag puna naman sa kanya ng kanyang Mama. "Mainit kasi Mama, kaya ako pinag papawisan." maagap na sagot niya sa kanyang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD