Prologue
SUPER SPG!
RATED 18+
Warning: Some scenes are not suitable for young readers, some vulgar words are used.
Read at your own risk!...
The STORY of Us: THE CRUEL BILLIONAIRE'S OBSESSION
(Nathan Del Valle and Samantha Legaspi Love Story)
A Novel Written by: IronLady 2581
.....
PROLOGUE
"K-Kuya Nathan, a-anong ginagawa mo dito sa loob ng kuwarto ko?!" gulat na tanong ni Samantha. Bigla na lang kasi siyang nagising dahil sa taong bigla na lamang yumakap sa kanya at hinalikan siya sa kanyang leeg. Ngunit ng mag-angat ng mukha ang lalaki ay laking gulat ni Samantha, dahil ang nabungaran niyang mukha ay ang guwapong mukha ng kanyang kinakapatid, walang iba kun'di si Nathan Del Valle, ang ama ng kanyang alaga na si Faith Del Valle.
Seryosong naka tingin sa kanya si Nathan at para itong nagbabanta sa kanya sa paraan nito ng pagtitig sa kanyang mga mata. Tila natatakot din siya sa titig nito at tila hinihigop siya na hindi niya mawari. Napaka lalim ng mga mata ng binata na tila nangingislap din dahil sa matinding pagnanasa.
"K-Kuya, lumabas kana. D-Doon kana sa kuwarto mo!" kabadong sabi ni Samantha sa kayang kinakapatid. Napakalakas din ng kaba sa kanyang dibdib na tila gustong kumuwala ng kanyang puso, dahil sa matinding takot at hiya sa kanyang kinakapatid na siya rin niyang amo. Hindi niya inakalang magagawa siyang pasukin ni Nathan sa kanyang kuwarto at pagtangkahan.
"Bahay ko 'to! Kaya papasok ako sa kuwartong gusto kong pasukan. Pasalamat ka, dahil 'tong kuwarto mo ang napili ko!" sagot ni Nathan sa dalaga. Saka niya hinalikan ang naka awang nitong labi. Mariin at tila wala ng bukas kung makasipsip ito sa napaka tamis na lips ng dalaga.
Napaka lambot din ng labi nito na talaga naman kahit sino ay mababaliw sa paghalik dito. Napaka ganda at sexy din ng dalaga at kahit sino ay talagang mabibihag sa kanyang alindog. Ngunit sa katulad ni Nathan na halos lahat na ng mga babae ay handang tumìhàya sa kanya ay nagawa parin na mangahas na pasukin ang kuwarto ng dalagang napaka inosente sa larangan ng kamunduhan.
Mariin ang ginawang paghalik ni Nathan sa labi ng kanyang kinakapatid. Kahit anong pagtutol ni Samantha ay wala din siyang nagawa dahil sa lakas ng kanyang Kuya Nathan. Sinubukan din niyang itulak ito at kinalmot pa niya ang mukha ng kinakapatid, ngunit hindi parin ito nagpatinag. Kahit itinikom ng mariin ni Samantha ang kanyang lips, ay hindi parin nagpapigil si Nathan sa kanyang hangarin na mahalikan ang napakaganda niyang kinakapatid. Kinagat ni Nathan ang lips ng dalaga, kaya napanganga ito dahil sa sakit. Iyon ang sinamantala ni Nathan, upang maipasok nito ang kanyang dila sa loob ng bibig ng dalaga. Nalasahan pa ni Nathan ang dugo mula sa labi ng dalaga, ngunit hindi na niya ito ininda. Dahil sa biglang pag-init ng kanyang buong sestema.
Takot na takot naman si Samantha, habang hinahalikan siya ng kanyang kinakapatid. Matinding takot ang kanyang nararamdaman sa kanyang puso at isipan. Ngunit ang kanya naman katawan ay unti-unti nang nagugustuhan ang mga ginagawa sa kanya ng binata. Tila may kuryenting dumadaloy sa kanyang katawan, mula sa maalab na paghalik sa kanya ni Nathan. Bigla na rin nanghina ang kanyang katawan at tila hinugot na ang lahat ng kanyang lakas, dahil mas namamayani ang init na nagmumula sa kanyang kaibuturan. Tila mayroong millliong million na bultahe na bigla na lamang sumakop sa kanyang buong katawan at nagdadala sa kanya sa alapaap.
......
10 Years Ago....
MAG AALAS NUWEBE na ng gabi ay gising pa si Samantha, dahil nag rereview siya para sa kanyang exam kinabukasan. Grade six pa lamang siya at Graduating na ng Elementary, napakatalino niya at laging siya ang nangunguna sa klase nila. Kaya naman natutuwa ang kanyang mga magulang, dahil magtatapos itong Valedictorian sa klase.
Tinatapos na lang ni Samantha ang kanyang binabasa at plano na niyang matulog, upang makagising siya ng maaga kinabukasan. Ngunit natigilan siya dahil sa liwanag na nagmumula sa labas ng kanilang bahay. Agad na tumayo si Samantha at sinilip niya sa kanilang bintana ang liwanag. Ganon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng makita niya ang isang magandang sasakyan na naka parada sa harapan ng kanilang bahay. Biglang kinabahan si Samantha, dahil sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakakita ng ganong kagarang sasakyan. Ngunit mas nagulat siya ng biglang bumaba mula sa Kotse ang kanyang Ninang Emily. Kaya sa excited niya ay mabilis siyang pumunta sa kuwarto ng kanyang mga magulang at kinatok ang pinto ng mga ito.
"Mama, Papa, si Ninang po, nandito!." malakas na pagtawag niya sa kanyang mga magulang.
Agad naman na lumbas ang mag-asawa at nagtataka na napatingin sa labas ng kanilang bahay. Napaka liwanag kasi ng ilaw na tumatama sa kanilang bintana, kaya napapa isip din sila kung ano o saan nanggagaling ang napaka lakas na ilaw na yun. Mabilis na binuksan ni Judy ang kanilang pinto, naka sunod naman sa kanya sina Marlyn at Samantha. Itinaas pa nia ang kanilang mga kamay at inilagay ito sa kani-kanilang mga noo, upang hindi sila masilaw sa napaka lakas na ilaw na nagmumula sa isang napaka gandang sasakyan. Hanggang sa nakita nila si Emily, na lumabas mula sa isang napaka garang sasakyan. Nagka tinginan pa sina Judy at Marlyn, dahil sa pagtataka kung bakit sakay ng magarang kotse si Emily.
Si Samantha naman ay lumabas pa siya sa kanilang bakuran at lumapit siya sa magarang kotse na naka parada sa harapan ng kanilang bahay. Ngunit napa atras din siya kaagad, dahil sa biglang pagbukas ng pinto ng sasakyan. Isang binata ang lumabas sa kotse at nakangiti pa ito sa kanya. Kinabahan din si Samantha sa hindi niya alam na dahilan. Hindi naman siya natatakot sa binata, dahil mukha naman itong mabait at hindi gagawa ng ano mang bagay na ikakatakot niya.
"Hi! What's your name?" naring ni Samantha na tanong ng lalaki. Nakangiti rin ito sa kanya at parang gusto talaga siyang maging kaibigan.
"H-Hello po! My name is Samantha Legaspi po. Grade six sa Paraiso Elementary School." nahihiyang pakilala ni Samantha sa binatang parang hulog ng langit sa kaguwapuhan.
"Samantha, halika dito, may ibibigay kami sayo." wika ng binata, saka may kinuha sa loob ng kotse.
"A-Ano po yun Kuya?" tanong ni Samantha, saka siya dahan-dahan na lumapit sa may pinto ng Kotse.
"Heto, sayo na 'to, Sam, mag toothbrash ka pagkatapos mong kumain niyan, para hindi masira ang ngipin mo." wika ng binata, saka nito inabot ang isang paper bag kay Samantha.
"Ano po ito Kuya?" nagtatakang tanong ni Samantha, habang inaabot ang paper bag na ibinibigay sa kanya ng binata.
"Mga chocolates yan, Sam, baon namin kanina pero hindi naman namin nakain. Ako nga pala si Heather at siya naman si Nathan." bigla naman na may nagsalita mula sa loob ng sasakyan, kaya napasilip ulit si Samantha sa loob.
"Hello po, Ate. Salamat po dito sa mga bigay ninyo." nahihiyang nagpasalamat si Samantha sa dalawa.
"Ang ganda-ganda mo naman Sam, sana magkita pa ulit tayo, para makapag kilala pa tayo ng husto." wika ni Heather sa dalagita.
"Salamat Ate, ikaw din po napaka ganda mo po." sagot ni Samantha, agad din siyang nakaramdam ng kapanatagan sa mga kausap, dahil alam niyang mababait ang mga ito.
"Magpapaalam na po ako, Kuya, Ate. Salamat po ulit dito sa mga bigay ninyo." nahihiyang nagpaalam si Samantha sa dalawang kausap.
"Nice meeting you, Sam!." wika pa ng binata sa kanya, habang may malapad na ngiting naka paskil sa kanyang labi.
"Same to you, Kuya!" masiglang sagot ni Samantha. Nagpaalam na rin siya sa dalawa at muling bumalik sa kanilang bahay.
Tama naman na pabalik na ang kanyang Ninang Emily sa Kotse, kaya binati muna niya ito, dahil makakasalubong naman niya ito.
"Ninang, saan po kayo pupunta?!" tanong ni Samantha kay Emily. Nagka salubong sila sa kanilang maliit na Balcony, kaya nagmano muna si Samantha sa kanyang ninang.
"Samantha, ikaw pala. Kaawaan ka ng dios!. Pupuntahan ko lang ang Ate Jasmine mo, kailangan kasi ako ngayon ng Ate mo. Kaya pupuntahan ko siya sa Maynila. Magpakabait ka dito, ha! At mag-aral kang mabuti, para makatapos ka ng pag-aaral at makatulong sa mga magulang mo. Lagi kang makikinig sa Mama at Papa mo, para hindi ka nila napapagalitan." wika ni Emily, nagbigay din siya ng konting payo, para sa kanyang inaanak.
"Opo Ninang, tatandaan ko po ang mga bilin ninyo. Papasok na po ako sa loob ng bahay." sagot ni Samantha, saka muling nagmano sa kanyang Ninang Emily.
"Sige na, pumasok kana sa loob dahil malamig na dito sa labas. Baka siponin kapa!." may pag-aalalang sabi ni Emily sa kanyang inaanak.
"Opo, Ninang, mag-iingat po kayo at ikumusta po ninyo ako kay Ate Jasmine. Miss na miss ko na po siya, Ninang." wika ni Samantha, saka lumapit sa kanilang pinto, upang pumasok na sa loob. Ngunit hindi muna pumasok si Samantha sa loob ng kanilang bahay at tumayo muna siya sa labas ng pinto, saka kumaway sa papalayong mga sasakyan. Parang bigla din siyang nasabik na maka sakay ng kotse. Naisip niya na balang araw ay makaka sakay din siya ng kotse at mamamasyal siya na iyon ang gamit.
Nang makalayo na ang mga sasakyan ay nagpasya na rin pumasok sa loob ng bahay si Samantha. Bigla din siyang natuwa, dahil sa mga chocolates na bigay sa kanya ng binata na nagngangalang Nathan at ang napaka gandang dalaga na kasama nito na nagpakilala sa pangalang Heather.
Agad na nagbukas ng isang chocolate si Samantha, saka niya ito kinain. Bigla din siyang ginanahan sa kanyang mga aralin, dahil kakaiba ang naibigay ng kanyang kinakain na enerhiya sa kanyang katawan. Ngayon lang din siya nakakain ng ganitong uri ng chocolates, dahil nakakatikim lamang siya ng chocolates na nabibili niya ng piso ang isa sa tindahan. Muli pang pinagmasdan ni Samantha ang wrapper ng chocolate na kanyang kinakain at binasa nito ang nakasulat sa pabalat nito. "Hershey's creamy milk chocolate" malakas na bigkas niya sa pangalan ng kanyang kinakain.