Date‼️

1530 Words
TAHIMIK lang na naka upo si Nathan sa Sofa, habang si Faith naman ay nakatulog na sa kanyang kandungan. Binigyan din siya ng kumot ng Manager, para hindi ginawin ang bata. Hanggang sa napaangat ang kanyang paningin, dahil sa pag bukas ng pinto sa fitting room. Umayos din siya ng upo, dahil lumabas na ang dalawang saleslady. Tumayo lang ang mga ito sa magkabilang gilid ng pinto, habang may malawak na ngiti sa kanilang labi. "Mr. Del Valle, ready na po si Ma'am. Palabas na po siya." magalang na wika ni Anna. Tumango lang si Nathan at nag hintay sa paglabas ni Sam. Naka tingin lang siya sa may pinto ng fitting room, habang seryoso parin ang kanyang mukha. UMIKOT muna ng ilang beses si Sam sa harap ng salamin, bago siya tuloyang lumabas. Kinakabahan din siya na hindi niya mawari, dahil alam niyang nag hihintay si Nathan sa kanya sa labas. Dahan dahan siyang humakbang at nagtungo sa may pinto. Kahit kabado si Sam ay nilakasan na lang niya ang kanyang loob. Dasal na lang niya na sana ay magustuhan ng kanyan kuya Nathan ang kanyang bagong anyo. .... Samantha's POV Kabadong kabado ako, habang papalapit sa pinto. Hindi ko rin alam kung magugustuhan kaya ni Kuya ang ayos ko o hindi. Huminga muna ako ng malalim, bago ako muling humakbang palapit sa pinto. Nakita ko si Kuya Nathan na naka upo parin sa dati niyang kinauupuan. Habang tulog na tulog naman si Faith sa kanyang kandungan. Hinahaplos pa ni Kuya ang ulo ni Faith, habang naka tingin siya sa akin ng deretso. Napaka lalim ng pagkakatitig niya sa akin, bagay na lalo kong ikinakaba ng husto. Hindi ko mabasa ang expression ng kanyang mukha, dahil si kuya ang klasi ng taong hindi mo mahuhulaan ang kanyang mga iniisip. Parang laging blangko ang kanyang emosyon at mas nangingibabaw sa kanyang kaanyuan ang kanyang pagiging malamig at matapang. Tumigil ako sa paglalakad, dahil parang hindi ko kayang lumapit sa kanya, dahil sa talim ng mga titig niya sa akin. Nagbaba na rin ako ng aking paningin, dahil hindi ko kayang salubongin ang mala aguila niyang mata. May galit kaya siya sa akin? Bakit ganon siya makatingin? "Perfect!" Bigla akong napa angat ng mukha dahil sa narinig kong sinabi ni Kuya Nathan. Dios ko, bakit ba ganito ang lalaking ito? Ipinaglihi kaya siya sa sama ng loob, kaya wala man lang kangitingiti. Para akong mawawalan ng ulirat, kapag siya lagi ang kasama ko. Nakahinga na rin ako ng maluwag dahil nagustuhan niya ang ginawa sa akin ng mga empleyada niya. Wala din mawawalan ng trabaho sa kanila. "Mr. Del Valle, ihahatid muna namin kayo sa inyong sasakyan. Ako na rin po mismo ang magbubuhat sa prinsesa ninyo." alok ng Manager kay Kuya Nathan. Mabilis din niyang binuhat si Faith, mula sa pagkakahiga nito sa Sofa. Ang tatlong babae naman ay may mga bitbit na shopping bag na sumunod sa Manager. Naiwan akong nakatulala sa aking kinatatayuan, dahil hindi ko maisip kong anong uri ng tao ng aking kinakapatid. Bakit niya hinayaan na ang Manager pa ng Natasha's Collection ang magbuhat kay Faith. "Let's go!" muli akong nagulat, dahil sa boses ni kuya Nathan. Nagulat din ako, dahil bigla na lang niyang hinawakan ang palad ko, saka niya inilagay sa kanyang braso. Ngumiti din siya sa akin at nakita ko rin ang pamumungay ng kanyang mga mata na tumitig sa akin. "Totoo ba yun? Ano kayang nakain nito at biglang ngumiti? Hindi kaya napasma na sa tagal niyang nakaupo kanina? tanong ko sa aking isipan. Hindi ko talaga alam kung ano ang ugali ni kuya. Parang babae na may regla na sala sa init at sala sa lamig! Pinagtitinginan din kami ng mga tao, habang magkasabay kaming naglalakad palabas ng Mall. Nagbaba din ako ng paningin, dahil nahihiya ako sa mga tao. "Chin up! Ikinakahiya mo ba akong kasama?" pabulong na wika sa akin ni Kuya. Heto na naman siya. Bakit ba ang hilig niyang bumulong. Nawawala ako sa tamang huwisyo sa totoo lang. Nalanghap ko rin ang mabango niyang hininga, dahil bigla akong napalingon sa kanya. Ang bango ng hininga niya, nahiya tuloy ako. Baka panis na ang laway ko ngayon, dahil sa tagal kong nakapikit at nakatikom ang bibig kanina. Baka mahimatay si Kuya, kapag nalanghap niya ang hininga ko. Dapat pala nag toothbrash muna ako kanina bago lumabas. "Sam?" pagtawag sa akin ni Kuya Nathan. "Ofcourse not!" maagap na sagot ko. "Pinagtitinginan kasi tayo ng mga tao. Baka mamaya may kumuha ng picture natin dito at i-upload sa Social Media." dagdag ko pa. Totoo naman na yun ang iniisip ko. Si Kuya din ang maaapektuhan, kapag may nagpakalat ng fakenews. "Hayaan mo sila. Hindi sila ang makakapigil sa mga gusto nating gawin sa mga buhay natin." wika naman ni Kuya sa akin. Muli akong napatingin sa kanya, dahil sa tinuran niya. Iba kasi ang pagkaka intindi ko ng sinabi niya. Parang may something. PAG DATING namin sa Kotse ay inalalayan pa niya akong maka pasok sa loob, bago siya sumakay. "Sandali kuya, nasaan si Faith?" tanong ko kay kuya Nathan. Wala kasi si Faith, dito sa loob ng sasakyan at iba na rin pala ang sinakyan namin ngayon. Nagulat pa ako, dahil biglang tumaas ang harang sa pagitan namin at ng driver. "Nasa Van, kasama nila Tita." bali walang sagot ni Kuya sa akin. "Bakit hindi tayo doon sumakay?" nagtatakang tanong ko. Hindi ko rin mahulaan ang mga nais gawin ni Kuya, dahil wala naman akong makitang emosyon sa kanyang mukha. "May pupuntahan tayo!" walang ganang sagot sa akin ni kuya. Nasa labas ng bintana rin ang kanyang paningin at hindi man lang ako tinapunan ng tingin dito sa aking kina u-upuan. "Saan?" nagtatakang tanong ko. May pupuntahan daw kami, pero hindi man niya sinabi sa akin ng maaga. "Malalaman mo rin mamaya." sagot niya sa akin. Hindi parin siya bumabaling sa akin at nasa labas lang ng bintana ang kanyang paningin. Nanahimik na lang ako, dahil natatakot na rin ako kay kuya. Napaka seryoso na kasi ng mukha niya. Kitang kita ko rin ang pag kunot ng kanyang noo at pag igting ng kanyang panga. Pati ang lalamunan niya ay nakiya ko rin na tila umalon, dahil sa kanyang sunod sunod na pag lunok. Ano kayang problema ni Kuya? Naku baka nakukulitan na siya sa akin. Patay ako nito kapag nagalit siya sa akin. Baka bigla na lang niyang ipatigil ang kotse at itulak ako palabas. Halos isang oras din ang itinakbo ng kotsing sinasakyan namin. Madilim na rin ng dumating kami sa aming pupuntahan. "Nandito na tayo." wika ni kuya sa akin. "Wait here for a while." sabi pa niya sa akin, kaya tumango na lang ako bilang sagot. Agad din siyang pinag buksan ng kanyang driver ng pinto. Pagka labas ni kuya ay isinara rin niya ang pinto. Nakita kong kinausap niya ang kanyang mga tauhan. Mukhang seryoso din ang kanilang usapan, dahil talagang naka tingin sa kanya ang mga tauhan niya. Nang matapos na sila sa pag u-usap ay binigyan pa siya ng baril ng isa niyang tauhan. Kitang kita kong inilagay niya ito sa kanyang likod, saka niya isinuot ang black jacket na dala ng kanyang tauhan. At saka pa lang siya umikot sa kabilang pinto, upang pag buksan ako. Nasanay na rin akong makakita ng mga baril, dahil araw araw naman na nakikita kong may mga baril ang mga tauhan sa Villa. Kaya naging normal na sa aking paningin ang lahat. "Let's go." wika niya sa akin na wala man lang kabuhay buhay. Inilahad din niya ang kanyang palad sa aking harapan, upang may makapitan ako, bago ako bumaba. Dahan dahan naman akong kumilos at ibinaba ko ang aking isang paa, kasunod naman ang isa pa. Hinawakan pa ni kuya ang ulo ko, para siguro hindi ako mauntog sa may pinto ng kotse. "Thank you Kuya." pasalamat ko kay Kuya Nathan, habang naka ngiti. "Huwag mo akong tatawaging kuya, kapag may ibang nakakarinig. Nathan lang ang gusto kong itawag mo sa akin." sabi sa akin ni kuya Nathan. Ayaw pala niyang tinatawag ko siyang kuya. Pero malayong matanda naman siya sa akin, kaya dapat lang na tawagin ko siyang kuya. Dahil kuya ko naman talaga siya. "Eh, nasanay na kasi ako kuya." sabi ko pa. "Tara na! Ang dami dami mo pang sinasabi. Basta sundin mo ang gusto ko, para wala tayong problemang dalawa." wika niya sa akin. Hinila na rin niya ang aking kamay, saka niya ako hinawakan sa aking baywang. Napa liyad naman ako, dahil sa kuryenteng dumaloy sa aking katawan. Hindi ko rin alam kung bakit lagi na lang akong nakukuryente, sa tuwing naka hawak sa akin si kuya. Ang wierd. Magkasama kaming pumasok ni kuya Nathan sa isang mamahaling restaurant. Nagtataka din ako kung bakit dito niya ako dinala? Ang dami namang Restaurant na malapit lang, bakit dito pa sa napaka layo kami kakain na dalawa. "Good evining Mr. Del Valle, this way please." wika ng Manager ng Restaurant na sumalubong sa amin, habang naka lahad ang kanyang palad sa dadaanan namin. Tumango lang si kuya, bilang pagtugon sa sinabi ng Manager. Hindi rin siya nagpa salamat man lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD