New Home

1966 Words
"Totoo po, Ninong?!" halos hindi maka paniwalang tanong ni Sam, dahil pangarap talaga niyang makapag tapos ng kanyang pag aaral. Ang buong akala niya ay matitigil na siya sa kanyang pag aaral, dahil hindi na siya kayang paaralin ng kanyang Mama. Kahit mag trabaho pa siya ay kulang parin, dahil napaka laki na ng utang ng kanyang pamilya. Nabaon na sila sa utang dahil sa pagpapa opera ng kanyang papa sa puso. "Yes, Sam. Tama ang narinig mo. Pumayag ka lang na sumama sa amin sa pagbabalik namin sa Maynila, makakapag aral ka doon at sa isang kilalang University kapa mag aaral. Bibigyan kita ng buwanang allowance at lahat ng kakailanganin mo sa pag aaral ay libre na rin." pag kumbinsi ni James sa dalaga. "Kakausapin ko si Mareng Marlyn, Sam. Ako mismo ang magsasabi sa kanya ang tungkol sa usapan natin, kaya wala kanang aalalahanin pa." sabi naman ni Emily, habang hawak ang palad ni Sam. Tumango lang si Sam, bilang pagsang ayon sa kanyang ninang Emily. Napapa ngiti rin siya ng lihim, dahil makakapag patuloy na siya ng kanyang pag aaral. Ang buong akala niya ay hindi na matutupad ang kanyang pangarap na maging isang Teacher. Kaya ngayon na bibigyan siya ng pagkakataon na makapag aral ng kanyang Ninong James ay hindi na nito sasayangin ang pagkakataon. Malalayo man siya sa kanyang pamilya, ngunit alam naman ni Samantha na kung dito lang siya sa kanilang lugar magta-trabaho ay suntok sa buwan ang kanyang mga pangarap. "Maiwan ka muna namin dito, Sam. Pupuntahan lang namin ang mga magulang mo, para mai-paalam ka namin ng maayos sa kanila." sabi ni James, saka inakbayan ang asawa nito upang maka punta sila sa bahay ng dalaga. Bigla din kinabahan si Samantha, dahil hindi niya alam kung paoayagan siyang umalis ng kanyang mama. Siya lamang kasi ang inaasahan ng kanyang ina, upang tumingin sa kanyang papa, kung nasa palengke ang ginang. "Lord, sana payagan ako ni mama." piping dasal ni Samantha. GABI na naka balik sina Emily at James, galing sa bahay ni Marlyn at Judy. Tulog na rin si Faith ng dumating ang mag asawa. "Sam, kumusta ang apo ko? Hindi kaba pinahirapan ni Faith?" may pag aalalang tanong ni Emily, pagka pasok niya sa loob ng kuwarto. "Hindi po ninang... Ang bait bait nga po niya, lagi lang siyang tumatawa kapag kinakausap." naka ngiting sagot ni Samantha. "Ngayon lang kasi siya naging tahimik. Iyakin kasi siya sa Maynila at napaka hirap patahain." sabi ni Emily. Nilapitan din niya ang baby na mahimbing na natutulog sa kama. "Ang bait naman niya dito, ninang. Ilang araw ko na rin siyang inaalagaan, pero minsan lang siya maligalig. Kapag gutom lang po at inaantok, saka siya magliligalig." sagot ni Sam, inayos din niya ang mga laruan ni Faith at inilagay sa basket. "Ikaw talaga ang gusto niya Sam. Natutuwa ako dahil sa pag-aalaga mo sa kanya. Pinayagan kana rin ng mama mo na sumama sa amin, kaya araw araw na talaga na ikaw ang mag aalaga sa kanya. Ngayon palang Sam, nagpapa salamat na ako sayo ng malaki." naka ngiting sambit ni Emily, saka niya niyakap si Sam. "Thank you po nining, masaya din po ako dahil makakapag aral na po ako. Ang akala ko kasi ay matitigil na talaga ako sa aking pag aaral. Mabuti na lang po at dumating kayo dito." naka ngiting pasalamat ni Sam. Niyakap din niya si Emily, dahil sa labis na saya niya. "Bukas na kami babalik ng Maynila, kaya mag handa kana ng mga dadalhin mong gamit. Huwag kana pala magdala ng marami, dahil maraming damit doon sa bahay na pwede mong suotin. Kahit dalawang piraso na lang dalhin mo." wika ni Emily, kaya naman biglang na-excite si Sam. Matagal na rin niyang pangarap makarating sa Maynila, ngunit wala naman siyang kakilala doon na pweding puntahan. Nanghihinayang din siya sa perang magagastos niya sa pamasahe. Para sa katulad nilang mahirap lang ang buhay ay napaka laking bagay na ang halagang mauubos niya, kung luluwas lamang siya upang makita ang Maynila. Masayang umuwi si Samantha sa kanilang bahay, upang mag paalam sa kanyang pamilya. Halos umabot din sa kanyang tainga ang laki ng kanyang ngiti, dahil sa saya niyang makaka apak na rin sa wakas sa Maynila. "Anak, mag iingat ka doon ha?! Lagi ka'ng makikinig sa ninang Emily mo, para hindi sila magalit sayo. Sorry anak, dahil sa kahirapan ng buhay natin kaya maaga kang mawawalay sa amin. Alam ng dios na labag sa kalooban ko ang payagan kang lumayo sa amin. Pero ayaw ko naman hadlangan ka, para maabot mo ang mga pangarap mo sa buhay. Si mareng Emily na lamang ang tanging pag asa natin, para makatapos ka anak. Nangako din ang ninong mo na tutulong siya sa pagpapagamot ng Papa mo. Kaya wala na akong nagawa anak ko, pumayag na lang ako. Kilala ko din ang ninang mo na may mabuting puso, kaya alam kong ligtas ka doon at maaalagaan ka nila doon na parang kapamilya. Tumawag ka sa akin lagi anak ko, ha? Mamimiss talaga kita, wala na akong tatawagin na tumulong sa akin dito sa bahay. Pero huwag kang mag alala sa amin dito, magiging maayos kami dito ng Papa mo at kapatid mo. Ang sarili mo ang isipin mo doon at alagaan ha! Mangako ka sa akin na magtatapos ka ng pag aaral mo at uuwing may karangalan." mahabang mungkahi ng ina ni Sam. Umiiyak din ito habang yakap ang kanyang anak na panganay. "Huwag po kayong mag alala sa akin Mama. Susundin ko po lahat ng bilin ninyo sa akin, mama. Mahal na mahal din kita ma, kayo nina papa at Joseph. Mamimiss ko din kayo dito, ma. Salamat din po, dahil pinayagan ninyo akong sumama kina ninang. Asahan pi ninyo na magtatapos po akong may karangalan. Gagawin ko po ang lahat, para maiuwi sa dito ang diploma ko bilang patunay na nakapag tapos ako. Pangako ko po yan sa'yo mama. Magiging Teacher ako at ipagmamalaki mo ako sa lahat." tugon ni Sam sa kanyang ina. Magkayakap silang dalawa, habang umiiyak. Masakit man para sa isang pamilya ang magka hiwalay, ngunit sumama parin si Samantha sa kanyang ninang Emily sa Maynila. Sakay sila ng napaka garang Van na may kama sa loob. Doon lang nahiga si Sam, kasama si Faith. Nahihilo kasi siya sa biyahe, dahil hindi siya sanay na sumakay ng Van. Kung tricycle pa sana ang sinasakyan niya ay mas magiging maginhawa siya, dahil doon siya nasanay sumakay. Kahit pa nagkaka buho buhol ang kanyang buhok sa tricycle dahil sa malakas na hangin, ngunit hindi siya nahihilo doon. "Sam, ayos ka lang ba?!" nag aalalang tanong ni Emily sa inaanak. "Ninang, nasusuka po ako." sagot ni Sam, saka tinakpan ang kanyang bibig. "Dado, ihinto mo muna ang sasakyan, para makasuka si Sam." utos naman ni James sa kanilang Driver. Agad na tumigil ang kanilang sasakyan sa gilid ng highway, upang makababa si Sam at mailabas ang ikinasasama ng kanyang tiyan. Tinulongan din siya ni Emily, dahil naaawa siya sa dalaga. Alam niya ang hirap ng mahilo sa biyahe, dahil ganon din siya noon unang beses siyang lumuwas ng maynila. Nahilo din siya sa bus at nagsuka. "Uminom ka muna ng tubig, anak, para maka ginhawa ang pakiramdam mo." sabi ni Emily, habang hinahagod ang likod ng dalaga. Mabilis din na bumaba ang mga Bodyguard ng mga Del Valle, upang siguruhin na ligtas ang pamilya na nasa gilid ng kalsada. "Ma'am, meron po akong white flower dito. Baka po maka tulong sa bata." sabi ng isang Bodyguard, saka inabot kay Emily ang maliit na bote ng white flower ointment. "Salamat Adong. Malaking tulong na ito kay Sam, para sa kanyang pagka hilo." pasalamat ni Emily sa tauhan. "Walang anuman ma'am. Pumasok na po kayo sa loob, baka po may maka pansin sa atin na LTO dito. Bawal po kasi tumigil sa shoulder kung hindi naman nasiraan ng sasakyan." sabi ng lalaki, kaya mabilis na inakay ni Emily ang dalaga at muling ipinasok sa loob ng sasakyan. Pinahiran din niya ng oil ang sikmura ni Sam, saka niya ito hinilot. Pati ang ulo ng dalaga ay hinilot din ni Emily upang makatulong sa pagbuti ng pakiramdam niya. "Matulog ka muna Sam, para maka pahinga ka at hindi na mahilo." sabi ni Emily, saka niya nilagyan ng kumot si Sam. Si Faith naman ay mahimbing parin natutulog habang yakap ang plush toy na favorite niya. ILANG ORAS din ang itinagal ng biyahe nila pabalik ng Maynila. Pag dating ng Van sa Villa ng mga Del Valle ay namangha ng husto si Samantha sa laki ng bahay. Hindi rin siya sigurado kung bahay ba ito na matatawag o Mall. Dahil sa laki nito at ganda ng pagkaka gawa. Mayroong napaka lawak na garden ang malaking bahay at napaka dami rin nag gagandahang sasakyan sa parking. "Ninang, ito po ba ang bahay n'yo? Ang laki laki naman po!" namamanghang tanong ni Sam, habang iginagala ang kanyang paningin. "Oo, Sam. At mula ngayon ay bahay mo na rin ito, dahil dito kana titira..." malumanay na sagot ni James sa dalaga. Nakangiti din ito, dahil sa naging reaction ni Samantha sa mga nakikita niya. "Sanayin mo na'ng sarili mo, Sam, dahil ito na ang bago mong tahanan. Makaka alis ka lamang sa poder namin, kung tapos kana sa pag aaral at mayroon ng magandang trabaho." sabi rin ni Emily na agad din tinanguan ni James. NAGULAT din si Samantha, dahil mabilis na nagsilabasan ang mga kasambahay kasama ang iba pang tauhan sa Villa. Tumayo ang mga ito ng tuwid sa bungad ng main door at sabay sabay na nagsi yuko ang mga ito ng magsimula na silang mag lakad, papasok sa loob ng bahay. Napaka lakas din ng kaba sa dibdib ni Sam, dahil hindi niya inaasahan na ganito pala ang klase ng pamumuhay ng kanyang ninang Emily at ninong James. Para silang mga King at Queen sa kanilang sariling tahanan na iginagalang at tinitingala ng lahat ng kanilang mga tauhan. "Sumunod ka sa amin sa taas, Sam. At dadalhin ka namin sa magiging kuwarto mo." sabi pa ni James, kaya sumunod lang si Samantha sa mag asawa, kasama ng kinakapatid niyang si Jj. Buhat naman ni Samantha si Baby Faith, habang mahigpit ang pagkakayakap ng bata sa kanyang leeg. Dinala si Sam ng kanyang ninang Emily sa isang napaka laking kuwarto. Sa lawak ng kuwarto ay parang kabuohan na ito ng kanilang bahay sa Isla Paraiso. Mayroon napaka gandang kama na kulay Pink sa gitna at may mga naka print pa itong Hello Kitty sa bed frame. Mayroon din kulay Pink na sofa sa kabilang gilid at Crib. Pink din ang pintura ng kuwarto, kasama na mga kurtina nito. "Sam, halika dito." pag tawag sa kanya ni Emily, habang binubuksan ang isang pinto. Ibinaba muna ni Sam sa kama si Baby Faith, saka siya lumapit sa may pinto. Namangha din siya, dahil may malaking kuwarto rin pala sa loob ng Nursery room ni Faith. Napaka ganda rin nito at may napaka lambot na kama. "Ito ang magiging kuwarto mo, Sam. Dito kana matutulog mag mula ngayon." sabi sa kanya ni Emily, kaya napayakap siyang muli sa ginang. "Thank you po, Ninang." pasalamat nito sa napaka bait na si Emily. "Basta kung may kailangan ka, magsabi ka lang sa akin at huwag mahihiya. Mag mula din sa araw na ito, gusto kong Nanay na rin ang itatawag mo sa akin at Daddy naman sa Daddy James n'yo. Parte kana ng pamilyang ito, Sam, kaya sanayin mo na ang sarili mo sa bagong buhay na mayroon ka ngayon." sabi ni Emily, bago ito tuloyang nag paalam sa kanya. Naiwan na naka tulala si Sam sa loob ng kanyang kuwarto. Natauhan lang siya ng marinig niyang umiyak si Faith, kaya mabilis niya itong pinuntahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD