Nag patuloy ng pag aaral si Samantha, sa tulong ng kanyang Nanay Emily at Daddy James. Parang anak din ang turing sa kanya ng mag asawa, kaya hindi rin siya nahirapan na mag adjust sa bago niyang buhay.
Sa hapon ang klase ni Samantha, kaya sa umaga ay na a-alagaan niya si Faith. Pag alis niya sa hapon ay binabantayan naman ni Alicia si Faith. Pag uwi naman nina Emily at James ay sila naman ang mag aalaga kay Faith, hanggang maka uwi na si Sam. Ganito ang naging routine nila sa araw araw. Hanggang sa nakasanayan na ni Sam ang lahat. Hindi rin niya namalayan ang paglipas ng mga araw, buwan at taon....
5 Years Later...
"Congratulations Sam, we're so proud of you. Tiyak na matutuwa ang mga magulang mo dahil sa wakas... Nakapag tapos kana rin sa iyong pag aaral." tuwang tuwa si Emily na binati si Sam. Niyakap at hinalikan din ng ginang ang dalaga.
"Thank you po, Ninang. Utang ko po sa inyo ni Ninong ang lahat. Tatanawin ko po'ng isang malaking utang na loob ang ginawa ninyong pagpapaaral sa akin. Habang buhay ko po yun na ipagpapasalamat, Ninang." maluha luhang pasasalamat ni Sam. Niyakap din niya si Emily at ganon din si James.
"Wala kang dapat na ipagpasalamat sa amin, hija. Dahil ikaw mismo ang nagsikap, upang maabot mo ang iyong mga pangarap." wika ni James. Masayang masaya din siya para sa dalaga, dahil napaka hard working nito at talagang nakita niya na karapapat dapat itong tulongan.
ARAW ng Graduation ni Samantha kaya pinasundo ni James ang pamilya ni Samantha, upang maka attend ang mga ito sa graduation ng dalaga. Magtatapos din siya bilang Magna Cùm laude, kaya gusto nina James at Emily na makita ng mga magulang ni Sam ang kanyang pagtatapos.
"Salamat anak, dahil hindi mo kami binigo ng Papa mo. Nakapag tapos ka ng pag aaral mo at meron pa'ng karangalan. Kahit malayo kami sayo, hindi parin naging hadlan yun upang maabot mo ang mga pangarap mo." wika ni Marlyn, habang yakap ang anak. Masayang masaya talaga siya, dahil nakatapos na ang kanyang anak na panganay. Si Joseph na lang ang kanyang iisipin at itataguyod, upang makatapos.
"Mama, para po sa inyo ni Papa ang lahat ng ito. Inaalay ko po sa inyo 'tong Diploma ko Mama. At para naman sayo itong medal ko Papa." maluha luhang sambit ni Sam, habang tinatanggal ang suot niyang Medal at ipina suot naman niya ito sa kanyang ama.
Dumating din sina Jasmine at Dylan, upang mapanood si Samantha sa kanyang pagtatapos. Hindi na rin iba si Sam kay Jasmine, dahil parang kapatid ang turing nito sa dalaga. Nagpa handa din si Dylan ng kanilang Dinner sa kanyang sariling Restaurant, bilang regalo sa pagtatapos ni Sam na may karangalan.
Kasalukuyan silang kumakain nang maka tanggap ng tawag si Emily. Number iyon ng kanilang tahanan, kaya agad niyang sinagot ang tawag.
"Hello" mahina ang boses na sagot ni Emily. Bumaling din siya sa likod ni James, upang hindi siya maka istorbo sa ibang kasama na nag uusap.
"Hello, Ma'am Emily, dumating na po dito si Young Master Nathan. Hinahanap po kayong lahat, Ma'am!". wika ng kanilang Mayordoma. Halata din sa boses nito ang kaba na hindi malaman ni Emily, kung saan ito natatakot.
"Ha! Ganon ba?! Oh, sige, pauwi na kami dyan." sagot naman ni Emily. Agad din niyang pinatay ang tawag at itinago ang kanyang Cellphone sa bag.
"Bakit? Anong nangyayari sa bahay?" nagtataka naman na tanong ni James sa kanyang asawa.
"Dumating daw si Nathan at hinahanap tayong lahat." agad naman na sagot ni Emily.
Nagulat naman si James sa sinabi ng asawa. Hindi niya inaasahan na babalik na ng bansa ang kanyang panganay. Napaka tagal din nitong nanirahan sa Paris, upang i-managed ang mga naiwang nilang negosyo doon. Pero ngayon ay umuwi na pala ito na hindi man lang nagsasabi sa kanila.
"Tapusin muna natin ang Dinner natin, para maka uwi na tayo. Ang tagal din hindi umuwi ng anak mo, Mahal. Ngayon nandito na siya, kailangan ko rin siyang kausapin, para sa kanyang anak." wika ni James sa asawa.
Tuwang tuwa naman sina Jasmine at Jay, dahil bumalik na sa bansa ang kuya nila. Naging madalang na kasi nilang makita si Nathan, simula umalis ang lalaki ng pilipinas. Kahit lagi din sila sa Paris, upang mag bakasyon doon, ngunit laging wala doon si Nathan, dahil lagi itong out of country para sa mga Negosyo na pinapatakbo niya.
SAMANTHA'S POV
HINDI ko maintindahan ang sarili ko, matapos kong marinig ang sinabi ni Nanay Emily na bumalik na daw sa bansa si Kuya Nathan. Sa totoo lang ay napaka tagal ko na siyang gustong makita. Bata pa ako noong huli kaming mag kitang dalawa. 10 years na rin ang nakakaraan, mag mula ng gabing yun na nagkita at nagkakilala sa unang pagkakataon.
Ngunit sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay kung bakit ako kinakabahan ng ganito. Napaka lakas ng tìbòk nang aking puso, nakakabingi at tila nagwawala ito sa loob. Pati ang mga kamay ko'y nanlalamig na rin at nag papawis. Kahit nasa Airconditioned room kami kumakain ay pinag papawisan din ako ng malagkit.
"Sam, kumalma ka! Wala ka namang dapat ikatakot, diba? Mabait naman si Kuya Nathan diba? Kaya relax ka lang. Relax ka lang self." pagka usap ko sa sarili ko. Nag mumukha tuloy akong timang dahil sa nararamdaman kong kaba. "Haist!" wala sa sariling napa buntong hininga ako.
"Anak, may problema kaba?"
Bigla akong napa unat, dahil sa gulat. Hindi ko namalayan na napalakas pala ang pag buntong hininga ko, kaya narinig yun ni Mama.
"Wala Ma, busog na busog na kasi ako, kaya parang ang hirap ng huminga." maagap na sagot ko kay Mama. Hindi rin ako pinalaking sinungaling ng mga magulang ko, pero sa pagkakataon na ito ay kailangan ko ng mag sinungaling. Huwag lang sana akong tamaan ng kidlat dito sa aking kina uupuan.
"Huwag mo nang ipilit ubusin 'pag'di mo na kaya. Batang ito talaga..." umiiling na wika ni Mama.
"Sayang kasi Ma, ang mahal mahal pa naman ng mga pagkain dito. Nakakahiya kina Ate Jasmine at kuya Dylan." pabulong din na sagot ko. Kailangang makatotohanan ang pagkakaila ko.
"Bilisan na ninyong kumain na mag ina, bulungan pa kayo ng bulungan dyan. Para kayong mga bubuyog!" pagsaway naman sa amin ni Papa. Napapagitnaan kasi ako ng aking mga magulang, kaya nagkakaringan kaming tatlo.
Hindi na rin kami nag tagal sa Restaurant ni Kuya Dylan. Hindi na rin kami kumain ng Dessert, dahil nagmamadali ng umuwi si Daddy James at Nanay Emily.
Ipinabalot naman ni Kuya Dylan ang mga Dessert, saka niya dinala sa pag punta sa Villa. Sumama din silang mag anak, dahil gustong gusto na ring makita ni Ate Jasmine ang kanyang kakambal. Hindi naman kami natagalan sa biyahe, dahil hindi gaanong ma traffic ngayon. Naka tulog naman si Faith sa kandungan ko, habang papauwi na kami sa Villa.
LALONG nag wala ang dibdib ko sa kaba, dahil pagbaba pa lang namin ng kotse ay nakita ko na kaagad si Kuya Nathan na nakatayo sa may pintuan ng villa. Naka lagay pa ang kanyang mga kamay sa mag kabila niyang bulsa. Kahit hindi ko na kilala ngayon ang kanyang mukha, dahil bata pa ako noong una at huli ko siyang nakita. Pero sigurado parin ako na siya iyong lalaki sa may pinto. Sa tagal ko na ring nakatira sa bahay ng mga Del Valle ay kilala ko na ang lahat ng mga taong nakatira at nagta - trabaho sa loob ng Villa. At ang lalaking nakatayo ay tila ngayon ko lang nakita. Ibang iba na kasi ang hitsura niya ngayon, kaysa noon.
Muli din akong kinabahan, dahil napagtanto kong napaka laki palang tao ngayon ni Kuya Nathan. Kahit naka suot pa siya ng long sleeve shirt ay bakat na bakat parin ang kanyang malalaking braso na tila gustong pumutok ang suot niyang long sleeve polo sa pagka fit nito sa malalaki niyang braso..
"Nathan, Anak ko!..." pasigaw na pag tawag ni Nanay Emily sa kanyang anak. Tumakbo din siya patingo kay kuya Nathan at niyakap niya ito ng mahigpit at pinupog ng halik sa mukha.
Agad din na niyakap ni Kuya ang kanyang ina na umiiyak, habang naka yakap sa kanya. Masasabi kong sabik na sabik sila sa isa't isa sa paraan ng kanilang pagyayakapan. Ilang beses din na hinalikan ni Kuya si Nanay, bago nito pinunasan ang ang luha na umaagos sa mag kabilang pisngi ni Nanay. Lumapit din sa kanila si Daddy James at naki yakap din siya sa mag ina.
Hindi ko namalayan na pati ako ay umiiyak na rin pala, habang pinapanood ko sila sa kanilang tagpo. Ngayong ko lang napansin na umiiyak din ako, dahil sa mga patak ng luha sa hawak kong graduation Robe. Agad ko rin pinahid ang aking mga luha, dahil bigla din akong nahiya. Napatingin kasi sa gawi ko si Kuya at tinitigan pa niya ako na tila kinikilala ako o baka kinikilatis niya ang buo kong pagkatao. Matagal na rin niyang alam na ako ang kinuhang yaya para mag alaga kay Faith. Nasabi din dati sa akin ni Nanay Emily na naka frame ang mga pictures namin lahat, kasama si Faith at naka display daw iyon sa loob ng Library ni Kuya sa Paris. Ilang beses din na gusto akong isama nina Nanay noon sa Paris, para may mag alaga kay Faith doon, habang nasa bakasyon sila. Pero ayaw daw ni Kuya Nathan na isama nila ako. Kaya naiiwan ako dito sa tuwing dadalawin nila si kuya sa Paris.
Muli din kumabog ang dibdib ko, dahil sa mga titig sa akin ni Kuya. Tila napaka lalim ng paraan nito ng pag titig sa akin at wala man lang mababasang imosyon sa kanyang mukha. Kitang kita ko rin ang pag igting ng kanyang panga, habang naka tingin siya sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay para akong hinihigop ng bawat titig ng kanyang mala agilang mga mata.
"Dios ko! Mukhang ayaw sa akin ni Kuya Nathan. Huwag naman sana niya akong palayasin dito, dahil hindi pa ako handa na mawalay kay Faith"