Scholarship

1580 Words
PAUWI NA si Samantha sa kanilang bahay ng matanaw nitong may mga tao sa kanilang bakuran. Mayroon din ilang sasakyan sa harapan ng kanilang gate na kawayan. Kaya nagtaka siya kung bakit marami silang mga bisita ngayong araw. Nang makarating siya sa tapat ng multicab na naka parada sa kanilang harapan ay nagulat pa siya dahil nakita niyang sasakyan pala iyon ng kanilang Barangay. "Anong meron?" nagtatakang sambit ni Samantha. Sinilip din niya ang loob ng multicab at wala naman siyang nakitang tao sa loob. Muling naglakad si Samantha, palapit sa kanilang Gate na kawayan, upang maka pasok na siya sa loob. Tama naman na palabas na ang kanyang Mama at may buhat pa itong bag. "Mama! Saan po kayo pupunta?" nagtatakang tanong ni Samantha sa kanyang ina. "Sam, mabuti't dumating kana! Ang Papa mo, inataki sa puso!" umiiyak na sabi ng kanyang mama. "Ano po?!" gulat na tanong ni Sam sa kanyang ina. Hindi rin siya makapaniwala na na-ataki sa puso ang kanyang ama. "Maiwan kana dito, anak, para may mag asikaso sa kapatid mo. Itabi mo na rin siya sa pagtulog mamaya, baka hindi ako maka uwi dito sa bahay natin, dahil kailangan kong bantayan ang Papa mo." bilin ng mama ni Samantha. Niyakap din siya ng ginang at hinalikan sa noo. "Mag-iingat kayo mama, huwag po kayong mag-alala kay Joseph. A-alagaan ko po ang kapatid ko." umiiyak na sagot ni Samantha. Pinuntahan din nito ang kanyang Papa na naka higa sa folding bed sa kanilang maliit na sala. "Papa! Papa ko!" umiiyak na pagtawag ni Sam sa kanyang ama. Gising naman ito ngunit hindi gumagalaw ang kanyang Papa. May inilagay din ang mga BHW na oxygen sa kanyang ilong, upang makatulong sa pag hinga ng lalaki.. Agad na isinakay ng mga Barangay Tanod sa Multicab ang ama ni Samantha, upang dalhin ito sa Hospital sa kanilang bayan. Naiwan naman si Samantha at ang naka babata niyang kapatid sa kanilang bahay. Akbay pa ni Sam si Joseph na labing dalawang taon gulang pa lamang. Pareho din silang umiiyak na mag kapatid, dahil sa pag-aalala nila sa kanilang ama. "Ate, mabububay pa ba si Papa?" umiiyak na tanong ni Joseph sa kapatid. "Oo naman! Strong kaya si Papa. Diba sinabi pa niya sa atin na siya ang magsasabit ng mga Medals natin sa graduation?" tugon ni Sam sa kanyang kapatid. Lagi kasing sinasabi ng Papa nila na ito daw ang mag sasabit ng kanilang mga medals sa darating nilang Graduation. Pareho pa naman silang graduating ngayon. Si Sam ay sa Senior High mag graduate at si Joseph naman ay sa Elementary. "Gagaling si Papa, mag pray na lang tayo para pagalingin siya ni Lord." pagpapayapa ni Sam sa kalooban ng kanyang kapatid, saka sila pumasok sa loob ng kanilang bahay. Agad din na naghain si Sam ng kanilang kakainin ng kapatid. Mabuti na lang at naka luto na ng kanilang hapunan ang kanyang Mama, kaya mayroon na agad silang kakainin na mag kapatid. Paksiw na isda ang kanilang ulam ni Joseph. Ngunit para sa kanilang sanay sa hirap ay masarap na ang ganitong ulam. May nilagang okra din na natakpan sa ibabaw ng lamesa, kaya mayroon na rin silang gulay na isasawsaw sa bagoong at kalamansi. Nag-aral muna ang magkapatid bago sila natulog. May exam pa kasi silang pareho kinabukasan, para sa kanilang final grading. Naglatag lang si Samantha sa lapag, upang may matulogan si Joseph. Maliit lang kasi ang kanyang higaan, kaya hindi sila pweding magkatabing dalawa ng kapatid. Napaka likot pa naman ni Joseph sa pagtulog, kaya mabuting sa lapag na lang ito matulog para hindi mahulog. DALAWANG ARAW din na hindi umuwi ang kanilang Mama, dahil sa pagbabantay nito sa kanilang Papa sa Hospital. Kaya dadalawa lang silang mag kapatid na naiwan sa kanilang bahay. Matatapos na rin ang kanilang pag pasok sa school, dahil bakasyon na nila. Pareho pang Graduating ang mag kapatid, ngunit hindi pa umuuwi ang kanilang mga magulang. Uuwi lang saglit ang kanyang Mama, upang kumuha ng mga damit at babalik din kaagad ito sa hospital. "Sam, Joseph!" biglang may tumawag sa pangalan ng mag kapatid, kaya mabilis na lumabas si Samantha sa kanilang bahay. "Ay! Kayo pala tiyang Ligaya... Tuloy po kayo!" biglang sumigla ang pakiramdam ni Samantha, dahil sa pag dalaw ni Ligaya sa kanilang mag kapatid. Nasa unahan kasi ang bahay ni Ligaya, kaya hindi nila madalas makita ito. Malayo din kasi ang kanilang bahay, kaya madalang nilang makita ang maganda at malaking tahanan ng mga Alvarez. "Tumawag sa akin ang Mama mo, at naki usap siya na ako na lang daw ang mag sabit ng medalya ninyong mag kapatid. Bakit hindi naman ninyo ako sinabihan na wala pala kayong kasama dito na mag kapatid? Kung alam ko lang, sana doon na lang kayo sa bahay naiwan. Pero huwag kayong mag alala, dahil kukunin ko muna kayo sa bahay. Wala naman akong kasama doon sa napaka laking bahay na yun, kaya doon na muna kayo ng kapatid mo. Bumalik na lang kayo dito, kapag maka uwi na ang mga magulang ninyo." masyadong nag alala si Ligaya sa dalawang bata. Hindi kasi niya alam ang nangyari kay Judy, kaya hindi rin niya alam na naiwan na walang kasama ang mag kapatid sa kanilang tahanan. Kumuha lang ng mga gamit nila ang mag kapatid, saka sumakay sa kotse ni Ligaya. Agad silang dinala ng babae sa malaking bahay na pag-aari ng kanyang kinakapatid na si Jasmine Del Valle- Altamera. "Sam, ito ang magiging kuwarto mo. Kay Joseph naman itong katapat na pinto. Huwag kayong mahihiya dito, ha! Ituring na ninyo na bahay ninyo ito, para hindi kayo mailang. Kung may kailangan pa kayong mag kapatid, tawagin lamang ninyo ako sa baba." sabi ni Ligaya sa mag kapatid, saka niya pina pasok ang dalawa sa loob ng kani-kanilang mga kuwarto. Dahan-dahan na pumasok si Sam sa loob ng magarang kuwarto. Para din siyang nasa palasyo sa pakiwari niya, kaya parang nalulula siya sa laki at ganda ng kuwartong ipinagamit sa kanya ni Tiyang Ligaya. Kina umagahan ay sinamahan nga silang dalawa ni Ligaya sa kanilang Graduation. Hiwalay ang lugar, ngunit nauuna ang graduation si Joseph, kaya hindi naging problema iyon kay Samantha. Parehong naiyak ang mag kapatid, dahil parehong wala ang kanilang mga magulang sa kanilang graduation day. Nabalitaan din nilang sabay pala sa kanilang graduation ang operasyon sa puso ng kanilang Papa, kaya hindi nakarating ang kamilang mama. ISANG LINGO pa ang matulin na lumipas. Nasasanay na rin sina Sam at Joseph sa kanilang buhay sa poder ni Ligaya. Mabait naman kasi si tiyang Ligaya at ramdam nila ang pag mamahal sa kanila ng babae. Walang asawa at anak si Ligaya, kaya mag isa lamang talaga siyang nabubuhay. Nasa Manila kasi ang kanyang Ninang Emily at ate Jasmine, kaya walang ibang kasama si Tiyang Ligaya sa malaking bahay. "Tiyang, pwede po ba kaming tumulong ni Joseph sa paggawa ng mga pabitin at mga palamuti? Wala naman kasi kaming ginagawa, kaya sana po payagan ninyo kami. Bakasyon na rin po kasi namin, tiyang." tanong ni Sam, dahil wala naman siyang ginagawa sa bahay ng kanilang tiyang Ligaya. Ayaw din silang payagan na mag linis ng bahay, dahil mayroon naman daw silang taga linis. "Oh, siya! Sige, kung gusto ninyong tumulong. Kailangan ko rin naman ng bagong designer, kaya kayo na lang muna ang kukunin ko. Hayaan mo Sam, dahil may sasahurin kayo ng kapatid mo sa pag gawa ng mga Souvenir. Ang dami kasing order sa akin ngayon, kaya kailangan ko ng extra designer para gumawa." sagot ni Ligaya. Tuwang-tuwa naman ang mag kapatid, dahil magkakaroon sila ng pagkakakitaan habang bakasyon nila. Para din maka ipon sila ng kanilang pera para sa susunod na pasukan. ARAW-ARAW na nasa Shop sina Samantha at Joseph, para gumawa ng mga Souvenir items na edi-deliver sa Maynila. May mga Shop kasi sa mga Mall ang kanilang kinakapatid nilang si Jasmine at doon dadalhin ang mga gawa nila upang doon ibenta. Naka labas na rin ng Hospital ang ama ni Samantha, ngunit hindi na ito makapag trabaho. Tanging ang Mama na lamang niya ang nagta-trabaho. Nakaka tulong din ang kinikita nila ni Joseph sa pag gawa ng mga souvenir, sa kanilang pang araw-araw. HANGGANG ISANG ARAW. Dumating ang ninang ni Samantha, upang mag bakasyon ng ilang araw sa Isla Paraiso. Kasama nito ang asawa at ang bunsong anak. May sanggol din na kasama ang mag-asawa na super cute na cute. Sa unanag tingin pa lang ni Samantha sa baby ay nahulog na kaagad ang kanyang loob dito. Araw-araw niya itong inaalagaan at sa tuwing pupunta siya sa malaking bahay. Natutuwa naman si Emily na pagmasdan si Samantha, habang nag aalaga ng baby. Alam ni Emily na gusto ni Samantha na alagaan ang anak ng kanyang panganay, kaya napa ngiti siya sa naiisip. "Mukhang gustong gusto ka ng apo ko, Sam. Gusto mo ba'ng ikaw na lang mag alaga sa kanya? Naghahanap talaga ako ng mapagkakatiwalaan kong mag aalaga kay Faith. Kaya kung papayag ka, ikaw na lang ang kukunin ko na mag aalaga sa apo ko." "Talaga Ninang? Kukunin mo akong taga alaga ni Faith?" nanlalaki ang matang tanong ni Sam sa kanyang Ninang Emily. "Paaaralin ka namin sa College Sam, at may buwanan ka pang sasahurin. Makakapag padala ka ng pera sa pamilya mo, habang nag aaral ka." sabat naman ni James sa dalawang babae. Napalingon pa silang pareho sa nagsalita, dahil kapwa nila hindi inaasahan ang pagpasok ni James sa loob ng kuwarto ni Faith.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD