Meeting‼️

1985 Words
SINAMAHAN KAMI ng Manager, patungo sa isang VIP Room. Naka hawak lang ako sa braso ni Kuya Nathan, habang naglalakad kami at naka sunod sa Manager ng Restaurant. Pag dating namin sa may pinto at tumigil muna sa harapan nito ang manager. Nag senyas naman si kuya Nathan sa kanyang mga tauhan, upang buksan ang pinto ng VIP Room. Wala na akong narinig na usapan ng Manager at ni kuya Nathan, dahil nagmadali nang umalis ang babae sa harapan ng pinto na tila natatakot. Binuksan ng dalawang tauhan ni Kuya ang pinto ng VIP Room. Bumungad naman sa harapan namin ang napaka gandang VIP Room. Napakalaki rin ng space sa loob at mayroon pang napakalaki at ganda na Chandelier sa gitna. Mayroon na rin mga taong naghihintay sa amin sa loob at tila napaka seryoso din ang kanilang pinag uusapan. Gulat na gulat pa ang isang lalaki nang mapatingin sa amin ni kuya Nathan. Mabilis din itong tumayo at lumapit sa harapan namin. Nagsitayuan din ang lahat ng mapalingon sila at makita nila si Kuya Nathan na nakatayo dito sa may pinto at seryosong naka tingin sa kanilang lahat. "Mr. Del Valle, what a pleasant surprise. We didn't expect you were attending this meeting. When did you come back, Mr. Del Valle?" kinakabahang wika ng isang mistisong lalaki. Para din siyang binabad sa suka, dahil sa sobrang putla ng kanyang mukha. Humakbang naman si kuya paharap at hinila pa niya ako patago sa kanyang malapad na likod. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, ngunit bigla na lang akong kinabahan at nanlamig sa aking kinatatayuan. "Mr. David Drowning. Have you forgotten that I am still the Boss of this Organization? I may have been out of the country for years, but that doesn't mean I haven't been overseeing the management of this organization. I have people everywhere, and they report to me everything you've been planning for this group. I trusted you, Mr. Drowning, but you betrayed me. Are you trying to steal the Dark Skies Organization from me? Dark Skies was founded by my grandfather. Your father was merely my grandfather's right-hand man. How dare you claim the entire organization and even attempt to steal my position!" pahayag ni Kuya Nathan sa napaka lakas at nakakatakot na boses. Hindi ko rin inakala na ganito siya magsalita. Bigla naman nawala ang peking ngiti ng lalaki na tinawag ni kuya na David Drowning. Bigla din naging malikot ang mga mata nito na tila may hinahanap. "I don't know what you talking about Mr. Del Valle." sagot pa ng lalaki. "You think I'm stupid, Mr. Drowning?!" tanong ni kuya sa lalaki sa nakakatakot niyang boses. Bigla akong nanginig sa takot, dahil sa mga narinig ko. Hindi naman ako tanga para hindi maunawaan ang mga pinag uusapan ng dalawang lalaki. Hindi ako makapaniwala na isa palang Boss ng Dark Skies si Kuya Nathan. Matagal ko ng naririnig ang Dark Skies Organization, ngunit hindi ko inakala na ang pamilyang tumutulong sa akin ang nagmamay-ari nito. "Men!" halos mapatalon ako sa likuran ni kuya Nathan, dahil sa malakas niyang boses. Bigla naman nagsi pasok ang kanyang mga tauhan at may mga dala na rin silang mga armas. Napaka dami na rin niyang tao na pumasok, samantalang apat lang ang kasama namin. Pang lima ang driver namin ni kuya. Sa takot ko sa mga pweding mangyari ay bigla ko na lang niyakap si Kuya, mula sa kanyang likuran. Inilubog ko rin ang aking mukha sa kanyang malapad na likod, upang hindi ko makita ang gagawin ng kanyang mga tauhan. Ngunit nagulat ako, dahil hinila ako ni Kuya sa kanyang harapan at sa kanyang dibdib niya ako pinaharap. Niyakap din niya ako, dahil para na akong manghihina sa sobrang takot. "It's okay Honey, everthing is under control." pabulong na wika sa akin ni kuya. Hindi ko na rin pinansin ang sinabi niya dahil sa takot. "You know what to do!" narinig ko pa'ng sabi ni Kuya sa kanyang mga tauhan. Saka niya ako dinala palabas ng VIP Room. "Sam, you can open your eyes now. Wala ka nang dapat ikatakot." malumanay na wika sa akin ni Kuya. Hinawakan din niya ang mukha ko at nakangiti pa siyang tumango sa akin na parang walang nangyari. Naglakad na rin kami palabas ng Restaurant na parang walang nangyari sa loob. Tinanguan pa ni Kuya Nathan ang Manager ng Restaurant na siyang nagdala sa amin sa loob ng VIP Room kanina. Sinalubong din kami ng iba niyang mga tauhan na naghihintay sa labas ng Restaurant. Nasa harapan na rin ang kotse ni Kuya na sinakyan namin kanina. Agad din kaming pinag buksan ng pinto ng driver. Ako din ang unang pinasakay ni Kuya Nathan, bago siya pumasok sa loob. "Sam, yung mga nakita at narinig mo kanina. Gusto kong tayo na lang sana ang maka alam nun. Huwag mo na sanag iparating kay Nanay ang lahat." Napalingon ako kay kuya, dahil sa sinabi niya. Malumanay na ulit ang boses niya at hindi na kagaya kanina na tita isang nakakatakot na tao. Tumango na lang ako sa kanya bilang tugon. Sino ba'ng hindi matatakot kung masaksihan mo ang mga ganong bagay na hindi mo aakalain na nangyayari pala sa totoong buhay. Ang akala ko dati, sa mga pilikula lang yun nagaganap. Ngayon, kasama ko pa mismo ang Boss ng isang malaking Organization na kinakatakutan ng lahat. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata, upang ma-relax naman ang isip ko kahit papaano. Ilang minuto din ang lumipas, saka muling tumigil ang kotse namin. Kaya naman muli na naman akong kinabahan. Pakiramdam ko ay mauulit na naman ang nangyari kanina sa Restaurant na pinuntahan namin. "Mag dinner muna tayo, alam kong gutom kana." wika sa akin ni kuya Nathan. Itinuro din niya ang Restaurant na familiar sa akin. Ang Jayden Bistro & Bar na pag aari ng asawa ni Ate Jasmine. Mabilis na bumaba ng kotse si Kuya Nathan, matapos siyang pag buksan ng kanyang driver. Inayos ko muna ang aking sarili, dahil sa nangyari kanina ay hindi ko na alam kung maayos pa ba ang makeup ko. Kinuha ko ang bag ko at mabilis akong naglagay ng power sa mukha. Napatingin pa ako sa may pinto, dahil bumukas na ito at nakita ko si Kuya na naghihintay na sa akin. Agad ko naman itinago ang aking compack power at inabot ang kamay ni Kuya na naka lahad sa harapan ko. Magkasabay kaming pumasok sa loob ng Jayden Bistro & Bar. Naka alalay pa ang isang kamay ni kuya sa likod ko, bagay naman na ikina init ng pakiramdam ko. Medyo napapaliyad pa ako, dahil nakikiliti ako sa kanyang mainit na palad na naka hawak sa baywang ko. Bakit kaya ako nag iinit at tila kinukuryente, sa tuwing mahahawakan ako ni kuya. Hindi naman ganito ang naramdaman ko sa mga kaibigan kong lalaki sa Campus. Pag pasok namin sa loob ay sinalubong naman kami ng isang waiter at dinala sa dati naming kinakainan na Private Room. Nakalaan lang ang Private Room sa Pamilya Altamera at Pamilya Del Valle. Walang sinumang pweding pumasok sa room na ito na hindi kapamilya ni kuya Dylan. Ipinag hila pa ako ng upuan ni Kuya Nathan at inalalayan pa akong ma-upo na tila bata. Kinuha din niya ang isang bouquet ng bulaklak na nasa gitna ng table namin at naka ngiting inabot sa akin. "For you, Sam." wika niya, kasabay ng paglalagay niya ng bulaklak sa harapan ko. Wala na akong nagawa, kun'di yakapin ang bouquet. Napaka ganda din nito at puro mamahaling uri ng bulaklak ang ginamit nila. Hinaplos ko muna ang mga bulaklak, saka ko inamoy. Ang bango!. "Thank you, Kuya." pasalamat ko sa kanya. Nahihiya din akong ngumiti sa kanya. "Diba't sinabi ko na sayo na "Nathan" lang ang itawag mo sa akin" parang nagtatampo na wika niya. "Nakakahiya naman po Ku-- Na-than." alanganin na sagot ko. Hindi kasi ako comfortable na tawagin lang siya sa kanyang pangalan. 8 years din ang tanda sa akin ni kuya, kaya nakakailang talaga. Set Dinner ang pagkain namin. Unang inilagay nila ang Complimentary bread basket sa harapan namin. Ganon din ang ice bucket na may kasamang Red Wine. Binigyan din nila kami ng tubig at tag isang shot kami ng Champagne. Si kuya Nathan din ang nag lagay ng garlic bread sa plato ko, gamit ang tong. "Thank you." nahihiyang pasalamat ko. Ibinalik ko ulit sa ibabaw ng table ang hawak kong bouquet, para makakain ako ng maayos. First course, ang home made nilang creamy mushroom soup. Ang sarap nito, promise. Isa ito sa mga pinaka gusto kong soup dito sa Jayden's. Tahimik lang kaming kumain ni Kuya Nathan, habang nagsusulyapan paminsan minsan. Pagkatapos namin maubos ang aming soup ay agad naman na kinuha ng waiter ang aming mga kinainan. Maya maya pa'y dumating naman ang second course. Nagulat pa ako dahil Foie gras ang inilagay sa harapan namin. Napaka mahal ng pagkain na ito. Exclusive lang ito sa mga French Restaurant at dito sa Jayden. May kasama din na peach na nahiwa ng maninipis ang froie gras. Binuksan din ng waiter ang wine at sinalinan muna niya ang baso ko, bago ang baso ni Kuya. Agad naman na kinuha ni kuya ang kanyang wine glass at inilapit sa akin. Kaya kinuha ko rin ang baso ko, para makipag cheers sa kanya. Dahan dahan kong idinikit sa baso niya ang hawak kong baso hanggang lumikha ito ng sound. Ngumiti pa si kuya sa akin, ngunit wala man lang sinabi kahit isang salita. Binalewala ko na lang si kuya, ayaw kong ako ang mauna na mag salita. Baka mapagalitan pa ako dahil sa kadaldalan ko. Matapos kong sumimsim sa wine ay muli ko itong ibinaba, saka ko hiniwa ang foie gras. Maliit lang ang hiniwa ko, saka ko ito tinusok ng tinidor at sinubo. Dahan dahan ko rin itong nginuya, upang malasahan kong mabuti ang linamnam ng kinakain ko. Pagkatapos kong malunok ay sumimsim ulit ako ng wine, upang mawala ang lasa ng pagkain sa bunganga ko. Nahuli ko pang napangiti si kuya sa akin. Hindi ko alam kung bakit siya napangiti. Wala naman kaming pinag uusapan na dalawa. Pero feeling ko, masaya siya. Matapos namin kainin ang foie gras ay muling kinuha ang aming kinainan. Pinalitan din nila lahat ang mga ginamit namin utensils at baso. Hanggang sa ilagay na nila sa harapan namin ang main course. Ang Duck Confit Pasta. Noong bago pa lang ako sa pamilya Del Valle ay hindi ko alam ang mga pagkain na ito. Si Nanay Emily ang nagturo sa akin ng lahat ng mga pagkain na pangkaraniwang kinakain ng mga French. Pati mga iba't ibang uri ng pagkain at inumin ay tinuro niya sa akin kung paano ito kainin at inumin. Kagaya ko din daw siya noon na walang alam sa lahat. Ngunit ikinuha siya ni Daddy James ng magtuturo sa kanya kung paano makibagay sa mundo ng mga Del Valle. Ganon din daw ang ginawa nila kay Ate Jasmine. Dahil pareho silang dalawa na kagaya kong lumaki sa hirap at walang kamuwang muwang sa mundo. Salamat talaga dahil sa pagtityaga sa akin ni Nanay Emily. Ngayon ay hindi na ako nahihiya at naiilang na makibagay sa kanila. Matapos naming kumain ni Kuya ay umuwi na rin kami sa Villa. Malalim na rin ang gabi at mukhang tulog na ang lahat. Magkasabay pa kaming umakyat ni kuya. Ngunit ng bubuksan ko na ang pinto ng kuwarto ni Faith ay pinigilan niya ako. "Sam, dito na ang bagong kuwarto mo. Pinalipat ko na lahat ang gamit mo sa loob." sabi ni kuya na siyang ikinalingong ko sa kanya. Kunot noo ko rin siyang tiningnan, dahil nagtataka ako sa sinabi niya. "Ha! Pero bakit?" nagtatakang tanong ko. "Ipapagawa kong walk-in closet ni Faith ang dating kuwarto mo. Kaya dito kana matutulog mag mula ngayon." sagot niya, sabay pasok sa kanyang kuwarto. Grabe siya! Magkatabi pa talaga ang kuwarto namin....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD