Teacher Sam

1782 Words
DALAWANG ARAW pa ang lumipas. Muling umuwi ang aking mga magulang sa lugar namin sa Isla Paraiso. Ipinahatid din sila ni Daddy James sa Probinsya namin, upang hindi sila mahirapan sa layo ng biyahe. May mga naiwan kasing alangang hayop doon ang aking mga magulang, kaya hindi sila pweding mawala ng matagal. Araw araw naman umaalis si Kuya Nathan, upang mag trabaho. Siya na ulit ang nag Manage ng mga Negosyo nila dito sa Pilipinas. Hanggang isang umaga... "Sam, halika dito, Hija, may gusto sana kaming sabihin sayo." pagtawag sa akin ni Nanay Emily, habang pababa ako ng hagdan. Nasa Dinning table sila at kasalukuyang kumakain ng breakfast. Lingo ngayon, kaya nandito rin kaming lahat sa bahay. "Ano po yun Nay?" sagot ko, agad din akong lumapit kay Nanay at humalik sa kanyang pisngi. "Good morning Nanay, Daddy..." malambing na pagbati ko sa napaka bait na mag asawang itinuturing kong pangalawang magulang. Hinalikan ko rin si Daddy sa kanyang pisngi. "Maupo kana, Hija, dahil may importante kaming sasabibin sayo." wika ni Daddy James. "Ano po yun?" nagtatakang tanong ko. Kinakabahan din ako dahil alam kong may mahalagang bagay silang sasabihin sa akin. "Kumain kana muna, Hija, habang hinihintay pa natin ang kuya mo at si Faith. Naglaro lang sila dyan sa garden. Pinatawag ko na rin sila." wika ni Daddy James. "Thank you Dad." magalang na sagot ko at naupo na ako sa dati kong upuan. Kumuha na rin ako ng pagkain ko at nagsimula nang kumain. "Good morning Mom, Dad!" Napa angat din ako ng aking paningin, dahil sa narinig kong boses ni Jay. Bumaba na rin pala siya upang mag breakfast kasama namin. 12 years old na rin si Jay at napaka tangkad din nito. Kamukhang kamukha siya ni Daddy James at si Jay ang young version ni Dad. "Halika na dito anak, para maka kain kana." pagyaya ni Nanay, kay Jay. "Good morning ate..." malambing na bati sa akin ni Jay. Hinalikan din niya ako sa pisngi, saka siya bumalik sa tabi ni Nanay at doon umupo. "Good morning family... Mukhang kami na lang ni Faith ang nahuli dito ah!..." masiglang pagbati ni kuya Nathan sa amin. Mukhang masaya din ngayon si kuya, dahil napaka sigla ng kanyang boses ngayon at hindi nakakatakot. Napalingon din ako sa mag ama, dahil gusto kong makita si Faith. Bigla din akong tumayo, dahil nakita kong pawis na pawis na si Faith. Nag alala kasi ako baka magka sipon ang bata at mauwi na naman sa hika. Ang hirap pa naman kapag hinika si Faith, dahil maligalig at gusto niya ay naka yakap lang sa akin. "Faith, halika kay tita at papaliguan muna kita. Naku baka siponin kana naman at hikain." nag aalalang wika ko sa bata, tinangka ko rin kunin siya kay kuya Nathan, para malinisan. "Ako na..." sambit ni kuya, sabay layo sa akin. "Kumain kana doon, maliligo lang kami sandali." sabi pa niya, habang naglalakad palayo sa akin. "Bumalik kana sa pagkain mo, Hija. Hayaan mo na ang kuya mo na siya ang mag linis sa anak niya." wika naman ni Daddy James. Muli na lang akong bumalik sa aking kina u-upuan upang ipag patuloy ang aking agahan. Alam kong matatagalan pa ang mag ama, dahil maliligo pa silang pareho. Tapos na kaming kumain ng bumalik sina kuya Nathan at Faith. Agad naman na umupo si Faith sa dati niyang puwesto sa tabi ko. Si kuya naman ay umupo din sa kaliwa ko. Pinagitnaan talaga ako ng mag amang ito. Naku naman... Agad ko naman na inasikaso ang pagkain ni Faith, upang maka kain na ang bata. Tanghali na rin kasi, kaya alam kong gutom na gutom na siya. Kinuha ko ang lagayan ng kanin at nilagyan ko ng kanin ang plato niya. Ganon din ang favorite niyang hotdog at pritong itlog. Nilagyan ko rin ng ketchup ang plato ni Faith, dahil alam kong matakaw siya sa ketchup. Mas marami din siyang nakakain kapag meron ketchup ang kanyang pagkain. Hanggang sa mapansin ko na lahat ng mahawakan ko at balak ibalik sa dati nitong kinalalagyan ay kinukuha pala ni kuya Nathan, mula sa kamay ko. Pati ang ketchup ay naglagay din siya sa kanyang plato. Kasing dami rin ang inilagay niyang ketchup sa binigay ko kay Faith. "Mag ama nga! Mahilig sa ketchup." sabi ko sa isip ko. Nakita ko rin kung paano kumain ang mag ama. Parehong pareho at sabay na sabay pa sa pag kagat ng hotdog with matching tango, habang nginunguya ang hotdog. Mabilis lang na natapos si Faith, dahil gusto niya ang pagkain. Agad naman na tinawag ni Daddy ang bagong yaya ni Faith, upang kunin na ang bata at dalhin sa playroom nito. Ikinuha kasi siya ng yaya ni kuya Nathan, dahil mag sisimula na rin akong magturo sa School next week. Pagkalayo ni Faith, kasama ang bagong yaya nito ay saka palang nagsimulang magsalita si Daddy James. Tumikhim muna siya, bago nagsalita. "Sam, magpapaalam sana kami sayo, hija. Babalik na kami ng Nanay mo sa Paris, kasama sina Jay at Jayden. Doon na mag aaral ng high School ang dalawa, kaya kailangan nandoon din kami para may kasama sila at mag gabay sa kanila sa araw araw." hindi ako naka galaw, dahil sa sinabi ni Daddy James. Nabigla talaga ako, dahil hindi ko inaasahan na mag papaalam sila sa akin, upang mangibang bansa. "H-Ho!..." gulat na tanong ko, dahil sa sinabing yun ni Daddy James. Aalis na pala sila at doon na sila sa Paris titira upang mabantayan sina Jay at Jayden, habang nag aaral ang dalawang bata doon. "Anak, huwag ka sanang magtatampo, kung iiwanan kana namin dito. Nandito naman ang kuya Nathan mo at si Faith. Sila ang makakasama mo dito araw-araw. Yung plano mong magturo, ituloy mo lang. Magagamit mo parin ang pinag aralan mo at dito ka parin titira sa Villa. Parte kana rin ng pamilyang ito, Sam, kaya hindi ka aalis dito kahit wala na kami ng Daddy James mo sa bahay na 'to. Uuwi din naman kami dito ng madalas, para madalaw kayo pero saglit nga lang." wika naman sa akin ni Nanay Emily. Bakas din sa mukha niya ang lungkot. Ngunit kailangan niya itong gawin, para sa anak niyang bunso at apong si Jayden. Ang panganay na anak ni Ate Jasmine. "Nay, Dad, okay lang po. Magkikita parin naman po tayo. Pero mami-miss ko po kayo." sagot ko, ngunit hindi ko napigilan ang luhang umagos sa aking mga mata. Isipin ko palang na lalayo na sila sa akin ay para ng dinudurog na ang puso ko. "Don't cry hija. Dadalaw naman kami ng madalas dito. Magkikita-kita parin tayo." pagpapatatag sa akin ni Daddy James. "Sam, huwag kanang malungkot. Nandito naman kami ni Faith. Hindi ka mag iisa dito. Malapit lang din ang bahay ng ate Jasmine mo. Pwede mo silang madalaw dalaw doon anytime." wika ni Kuya Nathan. Hinaplos din niya ang likod ko, upang tumigil ako sa pag iyak. Tumango ako, kahit hindi ko parin matanggap sa puso't isipan na mawawalay na sa akin ang mga taong itinuring kong pangalawang magulang. Parang naulit din ang sakit ng aking kalooban noon kinuha nila ako mula sa probinsya at dinala dito sa Maynila. Ang tagal ko rin nag adjust noon dahil unang beses kong malalayo sa aking mga magulang. Si Nanay Emily at ate Jasmine lang ang kakilala ko dito sa Maynila noon. Sila din ang tumulong sa akin upang malampasan ko ang sakit ng pangungulila sa aking mga magulang. UMALIS NG BANSA sina Nanay at Daddy, kasama sina Jay at Jayden. Kagaya ng inaasahan. Naiwan nga kaming tatlo nina kuya Nathan at Faith sa Villa. Nakakapanibago din ang buhay na walang Nanay Emily at Daddy James kaming kasama sa bahay. Mabuti na lang at magsisimula na rin ang klase, kaya hindi ako gaanong mangungulila sa kanila. Mayroon akong ibang pagkaka abalahan, maliban sa pagiging guardian kay Faith. Si kuya Nathan naman ay mayroon meeting sa Boracay, kasama ang kanyang mga bagong investors. Tatlong araw ang paalam niya sa akin, kaya dadalawa lang kami ni Faith dito sa Villa. Kahit wala si Kuya dito ay safe na safe parin kami ni Faith. Dahil napaka daming Bodyguard ang kasa- kasama namin araw araw kahit saan kami magpunta. Dalawang lingo na rin akong nagtuturo sa St. Benedict School. Madali naman akong nakapag adjust sa bago kong mundo. May mga kaibigan na rin ako dito na mga co-tearchers ko. Hatid sundo rin ako ng driver at ng isang bodyguard ni kuya Nathan. Si kuya mismo ang may gustong ipahatid sundo ako, para daw hindi ako mahirapan sa pag commute. Hindi naman ako isang Del Valle na kailangang ihatid sundo at may bodyguard, pero parang ganon na ang labas ko. Ewan ko ba kay kuya kung bakit napaka over-protected sa akin. Hindi naman niya ako anak. "Good morning Teacher Sam!" napalingon ako, dahil sa pagtawag sa akin ni Sir Dionne. Kakababa ko palang sa kotse na nag hatid sa akin ay sinalubong na niya ako kaagad. Kasamahan kong Teacher si Sir Dionne sa St. Benedick School. Isa siyang Subject Teacher sa Grade five at grade six. Samantalang hawak ko naman ang Grade three. "Sir Dionne, ikaw pala sir. Good morning!" naka ngiting pagbati ko kay Sir Dionne. Magkasabay na rin kaming pumasok sa loob ng School Campus, habang nag uusap. Masayang kausap si Sir Dionne. Kahit matanda siya sa akin ng 10 years. Napaka friendly kasi niya at napaka galing mag joke sa amin ng mga iba pang kasama naming teachers. "Teacher Sam, baka naman available ka sa Saturday night? Yayain sana kitang lumabas, kasama nina Ma'am Stephany at Ma'am Fe. Manood lang tayo ng Movie at mag dinner na rin, para naman makapag bonding din tayo sa labas na apat." wika sa akin ni Sir Dionne. Matagal na silang magkakaibigan nina Ma'am Stephany at Ma'am Fe. Ako lang ang bago sa kanilang tatlo, ngunit masasabi kong mababait at masaya silang kasama. "Naku sir, sorry, pero hindi ko kasi alam kung makakasama ako sa inyo. Hindi ko kasi sigurado kung uuwi na bukas si kuya. Wala kasing makakasama sa bahay ang anak niya." sagot ko. Hindi talaga ako sigurado na makakasama, kaya mas mabuti ng hindi siya paasahin. "Okay Teacher Sam. Ganito na lang. Tatawagan kita sa saturday morning, para ma- confirm ko kung makakasama ka sa amin." sabi niya, kaya nag okay na ako. Sana lang ay dumating na bukas si kuya Nathan, para makasama ako sa kanila. "Sige sir, dito na ako. Kita na lang tayo ulit mamayang labasan." paalam ko kay Sir Dionne, bago ako pumasok sa loob ng aking classroom. Naririnig ko na rin ang ingay ng mga batang estudents ko na nagkakagulo sa loob ng classroom ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD