HUMINGA nang malalim si Farrah at sinikap na kalmahin ang kaniyang sarili. Iwinaksi rin niya sa kaniyang isipan ang isang nakaraan na pilit na namang nagsusumiksik sa kaniyang isipan.
Not now.
Not this time…
Ang nakaraan na iyon ay matagal na niyang ibinaon sa limot. Dahil naniniwala siya na magiging parte na lamang iyon ng kaniyang nakaraan.
“Nasaan ang amo ninyo?” tanong niya.
Sa halip na sumagot ay iminuwestra ng bodyguard ang sasakyan na naghihintay sa kaniya para sakyan niya.
Kung sasama siya sa mga ito ay makakaharap niya si Raze Elizalde. Hindi siya handa sa parte na iyon. Dahil wala sa hinagap niya na may ganitong eksena sa pag-uwi niya sa bansa.
Farrah Margarette Villamor, relax. ‘Wag na ‘wag kang magpapahalata sa mga taong ‘to na bigla kang kinabahan. Yes, ikaw ang talo. Be fierce. At si Raze Elizalde? Sa ayaw at sa gusto mo, kailangan mong harapin, anang isip niya sa kaniya.
Right, wala na ang Farrah na sunod-sunuran lang sa lahat ng gusto ni Raze.
Dahil mukhang hindi rin siya tatantanan ng mga tauhan ni Raze, kaya sa huli ay sumakay na lang din siya sa sasakyan na taas ang noo. Ayaw niyang magmukha siyang intimidated sa mga ito.
Habang nakaupo sa backseat ng magarang sasakyan na iyon ay nakuyom pa niya ang kaniyang mga palad. Ang kamao niya ay nangangati ng suntukin ang pagmumukha ni Raze.
Bakit kailangan siya nitong buwisitin ngayon?
May bago na naman ba itong agenda?
Pero malinaw na malinaw sa kaniya ang nakaraan at ang huli nilang paghaharap ng lalaking iyon.
Nang makarating sila sa isang exclusive village na kinatitirikan ng napakalaking mansiyon ng mga Elizalde ay muling iwinaksi ni Farrah ang mga alaalang bumabalik mula sa kaniyang nakaraan sa lugar na iyon.
Ang bahay na iyon…
May pinong kurot sa kaniyang dibdib.
Agad na bumukas ang rehas na gate at sunod-sunod pumasok ang mga itim na sasakyan. Ang kaniyang kinasasakyang kotse ay huminto mismo sa tapat ng malaking entrada ng mansiyon.
Lumunok siya. Hindi siya puwedeng matalo ng kaniyang emosyon na para bang unti-unti ay hindi na niya makontrol. What more kapag kaharap na niya si Raze?
No way!
Sinikap niyang itatak sa kaniyang utak kung bakit siya nasa lugar na iyon ngayon.
“Nasaan si Mr. Elizalde?” tanong agad niya sa tauhan ni Raze na sumalubong sa kaniyang pagdating.
“Nasa Study Room po niya.”
Hindi na niya kailangan pang itanong kung saan iyon matatagpuan dahil ang mansiyon na iyon, parang ganoon pa rin. Walang nagbago. Parang kahit pumikit siya ay alam na alam niya ang bawat pasikot-sikot.
And she hates these feelings. Na para bang at ease pa rin siya sa bahay na iyon. Ikinurap-kurap ni Farrah ang kaniyang mga mata at nagpatuloy sa paglalakad. Nasa unang palapag lang ng mansiyon ang malawak na Study Room ni Raze Elizalde.
Kadalasan, naka-lock ang pinto niyon. Kataka-taka na hindi iyon naka-lock ngayon. Dahil nang pihitin niya pabukas ang doorknob ay bumukas iyon.
Pinangibabaw niya ang hatred sa binata dahil sa pag-eksena nito ngayon sa buhay niya.
Binata?
Binata pa ba ito?
Ano ba ang pakialam ko? angal agad niya sa kaniyang isipan.
Isa lang naman ang alam niya, wala ng bisa ang naging kasal nila noon bago siya tuluyang mawala sa buhay ni Raze.
Nang buksan niya ang pinto ng Study Room ay hindi siya nag-abala na saraduhan iyon. Dumiretso lang siya sa kaniyang paglalakad. Ni hindi rin siya nag-abalang kumatok. Kaya ang nagsara ng pinto ay ang mismong tauhan ni Raze.
Humayon kaagad ang tingin ni Farrah sa lalaking nakaupo sa isang mamahaling swivel chair na nakaharap ngayon sa may malaking glass wall. Buhat sa labas ng glass wall na iyon ay makikita ang isang hardin kung saan mayroong mga mamahalin at very rare na mga halaman. May puno pa iyon sa gitna kaya sobrang gandang pagmasdan.
Mas higit ding maganda iyon kapag umuulan dahil kitang-kita ang patak ng ulan.
At sigurado si Farrah na ang punong naroon ang pinagmamasdan ni Raze.
Tumikhim siya para kunin ang atensiyon nito. “Wala akong planong magtagal dito, Mr. Elizalde. Ano’ng ibig sabihin nito?” hindi na niya pinatagal pa at inilabas na ang tanong sa isipan niya.
Hindi naman nagtagal at tumayo rin si Raze Elizalde mula sa pagkakaupo nito sa swivel chair nito.
Hindi pa man ito humaharap ay napigil na ni Farrah ang kaniyang paghinga. Paanong hindi? Likod pa lang nito, alam mo ng sobrang guwapo kapag humarap. Tipong walang tulak-kabigin.
At nang tuluyang pumihit si Raze paharap sa kinaroroonan ni Farrah, para bang huminto ang pag-inog ng kaniyang mundo nang makita ang mukhang iyon.
Tila lalong pinatikas ng apat na taon si Raze. Lalong nating guwapo at lalong lumakas ang s*x appeal.
Hindi niya napaghandaan ang bagay na ito. Tipong apektado pa rin siya sa presensiya ng isang Raze Elizalde.
Oh, damn your gorgeous face and sexy build, Raze…
I hate you for being this hot.
“Pardon?” anang malamig sa tainga na boses ni Raze. Hindi lang ito pinagpala sa panlabas na anyo dahil pati boses nito, gustong-gusto niyang pakinggan.
Sinaway ni Farrah ang puso niyang naghurumintado na naman sa isang Raze Elizalde. At paano ba siyang makakapagsalita kung animo halos malulon na niya ang kaniyang dila?
At ano nga ba ang gusto niyang sabihin kay Raze?
Oh, Lord, ‘wag mo akong baliwin ngayon!
Back on track, Farrah Margarette! hiyaw niya sa kaniyang isipan. Focus!
Nang makabawi sa pagkabigla dahil sa walang tulak-kabigin na kaguwapuhan ni Raze ay nagawa pa niyang maglakad palapit dito at ipakita ritong hindi siya natutuwa sa nangyayari.
Tama, Farrah, ‘wag kang magmukhang weak sa harapan ni Raze. Hindi ka na katulad noon na sunod-sunuran lang sa kaniya!
“As far as I can remember, wala na tayong pakialamanan sa isa’t isa, Mr. Elizalde,” aniya na bahagya pa itong tinitingala dahil sa katangkaran nitong taglay. Daig pa nito ang poste na nakatayo sa kaniyang harapan. “Four years ago, malinaw na malinaw ‘yon sa akin. Na wala na tayong pakialamanan sa whereabouts ng isa’t isa. Kaya ano ‘to? Bakit sa pagdating ko, biglang may tauhan mo na susulpot sa harapan ko? At paano mo ring nalaman na pauwi ako ngayon dito sa bansa?”
Damn it!
Sobrang chill lang ng lalaking kaharap niya ngayon. Para bang hindi natinag sa kaniyang mga sinabi.
“Hindi ka ba natutuwa na may libre ka pang sundo? Surprised?”
Bahagyang umawang ang kaniyang labi dahil sa naging response nito sa mga sinabi niya.
“Mr. Elizalde, leave me in peace. Kung ano man ang naging koneksiyon natin mula sa nakaraan, tapos na ‘yon. Yes, grateful at thankful pa rin ako sa ginawa mong pagtulong sa akin. Pero patas lang tayong dalawa dahil tinulungan din naman kita. Now, habang may paggalang pa ako sa iyo, kakalimutan kong nakita ulit kita at tumapak ako sa lugar na ‘to. Have a good day, Mr. Elizalde,” pormal pa niyang wika bago ito tinalikuran at akmang iiwan na sa lugar na iyon nang muling magsalita si Raze.
“Hindi ko pina-annul ang kasal natin four years ago, Farrah. So, technically, you’re still my wife. Now that you’ve finished your study abroad, it’s time for you to fulfill your duty as my wife.”
Mga salita ni Raze Elizalde na hindi ikinatuwa ni Farrah. Nakaringgan lang ba niya ang mga iyon? Bigla ay para bang gusto niyang pagsisihan na tumapak-tapak pa siya sa Pilipinas. Kaya siguro nagdadalawang isip siya sa bakasyon na ito. Ito pala ang magiging dahilan.
Hindi makapaniwala na muling pumihit si Farrah kay Raze.
“A-ano’ng sinabi mo?”
Pakiramdam niya ay para bang sasabog ang kaniyang dibdib ng mga sandaling iyon. Kung panaginip lamang ito, puwes, gusto na niyang magising.
.
.
.
BITIN? SUGOD NA SA JONQUIL V I P GROUP PARA MAKAPAGBASA NANG TULOY-TULOY SA KUWENTONG ITO.