Four years ago, Farrah Margarette Villamor was married to a well-known young multi-billionaire, Raze Elizalde. He was also known for being ruthless and cold-hearted.
Ang kasal nila ay tumagal lamang ng apat na buwan. Kasal na walang halong pagmamahal.
Nagpakasal sila para sa isang kasunduan, siya upang matupad ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral sa ibang bansa. Habang si Raze naman, upang makuha nito ang malaking mana sa yumaong ama. Dahil hindi nito makukuha ang naturang mana kung hindi ito kasal.
Buong akala ni Farrah, sa pagbabalik niya sa Pilipinas upang sandaling magbakasyon ay wala ng Raze Elizalde ang makakadaupang palad niya dahil sa naging usapan nila noon na pagkatapos ng kasunduan nila sa kasal ay hinding-hindi na muli pang magkukrus ang landas nila.
Kaya laking gulat ni Farrah nang sa paglabas pa lamang niya ng airport ay may limang sasakyan ang naghanay. Lahat ng iyon ay hinihintay ang kaniyang pagdating.
At ang mas nakapagpagulat pa kay Farrah ay nang malaman na ipinasusundo siya ni Raze Elizalde.
Sumama si Farrah sa mga tauhan ni Raze, hindi para paunlakan ang gusto nito kung ‘di ang magreklamo. Ngunit sa muli nilang pagkikita ni Raze Elizalde na mas pinatikas at mas pinakaguwapo pang lalo ng lumipas na apat na taon ay halos malulon ni Farrah ang sariling dila.
“Hindi ko pina-annul ang kasal natin, four years ago, Farrah. So, technically, you’re still my wife. Now that you’ve finished your study abroad, it’s time for you to fulfill your duty as my wife.”
Mga salita ni Raze na hindi ikinatuwa ni Farrah. Parang gusto niyang pagsisihan na tumapak-tapak pa siya sa Pilipinas.