Chapter 03

1808 Words
“BAKIT parang nabingi ka yata?” Isa sa ikinaiinis ni Farrah? Iyong pagiging blangko ng face expression ni Raze. Ang hirap basahin kung ano ba ang nasa isip nito? “Nagbibiro ka lang, ‘di ba?” ani Farrah nang makabawi. Idinaan pa niya sa bahagyang tawa ang sinabi ni Raze. “Iisipin kong joke lang ‘yong sinabi mo.” “Mukha ba akong joker?” walang kangiti-ngiting tanong sa kaniya ni Raze. Napalis ang ngiti sa labi ni Farrah. Seryoso si Raze sa sinabi nito? Walang halong biro? “Welcome back, wife.” Wife… Tila ba sarkastiko iyon sa pandinig ni Farrah. Hindi siya natutuwa. “Raze Elizalde, wala ‘to sa usapan natin!” she hissed. “Nagbago ang isip ko habang wala ka rito. At wala ka ng magagawa pa roon, Farrah.” Hindi annulled ang naging kasal nila four years ago? Parang sasakit ang ulo niya nang wala sa oras. “Imposible,” ani Farrah nang makabawi. “As far as I can remember, ayaw mo talaga sa kasal at maikasal. So, paanong hindi pa annulled ang kasal natin? Eh, i-ikaw pa nga ‘yong excited na mawalan ng bisa ang kasal na ‘yon. Mr. Elizalde, wala akong time sa joke mo. Pinapirma mo ako sa annulment paper noon. Kaya paanong—” Hindi na naituloy pa ni Farrah ang kaniyang pagsasalita nang may kunin si Raze sa sulong ng table nito. Natigilang lalo si Farrah nang makita ang annulment paper nila ni Raze na may pirma niya. Siya lang ang may pirma doon. Walang pirma sa tapat ng pangalan ni Raze. Pero bakit? Mas lalong natilihan si Farrah nang punitin pa iyon ni Raze sa kaniyang harapan. He tore the annulment paper into pieces. Kapag kuwan ay itinapon nito sa trash bin. “See? Hindi pa annulled ang kasal natin. You’re still married to me, Farrah Margarette Elizalde.” Elizalde? Siya? Hanggang ngayon? Parang nanikip ang dibdib niya dahil sa kaalamang iyon. Hindi niya ikinatutuwa ang nangyayari. Sigurado siyang may hidden motive si Raze. Hindi dahil mahal siya nito. Dahil kung idadahilan nito sa kaniya na dahil mahal siya nito kaya hindi nito mapawalang bisa ang kasal nila? Tatawa talaga siya nang malakas. Baka nga gumulong pa siya sa katatawa. Imposible iyon. Sobrang imposible. Si Raze na rin ang nagsabi noon na mas pipiliin pa nitong pakasalan ang negosyo nito kaysa magpatali nang habangbuhay sa babaeng hindi naman nito mahal. At hindi siya nito mahal o nagawang mahalin man lang. Pero bakit hindi pinawalang bisa ni Raze ang kasal nila? Iyon ang malaking katanungan ngayon sa kaniyang isipan. “I’m tired. Pagod ako sa mahabang biyahe. Kung pina-prank mo ako, ‘wag ngayon. I’m sure, peke ‘yang pinilas mong papel.” “Hindi ka pa rin naniniwala? Go, ipabuklat mo ang status mo. Kumuha ka ng CENOMAR,” hamon pa nito sa kaniya. “H-how could you?” Gumuhit ang galit sa mga mata niya. “Nangako ka, Mr. Elizalde.” “Hindi ba puwedeng mabali ang isang pangako?” “Pero malinaw ang kasunduan natin. Nagawa ko ‘yong parte ko noon sa buhay mo. Nakuha mo na ‘yong gusto mo. Pero bakit kailangan mo pa akong guluhin ngayon?” Lihim na napalunok si Farrah nang humakbang si Raze palapit sa kaniya. Lalong nagregudon ang kaniyang dibdib dahil sa paglapit na iyon ni Raze sa kaniya. Isang hakbang lamang ang naging pagitan nila. “You still owe me big time, Farrah.” “At ako? Hindi rin ba malaki ang utang na loob mo sa akin?” “Tingin mo ba, ikaw lang ang babae sa mundo?” Nawalan na naman nang masasabi si Farrah. Totoo naman iyon. Hindi lang siya ang babae sa mundo na maaaring pakasalan noon ni Raze. Pero siya ang pinili nito. Nagbaba siya ng tingin. “Now that you’re back—” “Hindi ako magtatagal sa bansa na ‘to,” putol niya sa ano pa mang sasabihin nito. “I don’t think so.” Salubong ang mga kilay na tiningala niya ito. “Ano’ng ibig mong sabihin?” “Kung susubukan mong umalis ng bansa, puwes, nagsasayang ka lang ng oras.” Sa impluwensiya ni Raze Elizalde, sigurado siyang mayroon itong ginawa. Parang gusto niyang magpapadyak ng paa. “Mr. Elizalde, tigilan mo ang kalokohang ‘to,” mariin niyang wika. “Wala sa linya ko ang maging loko-loko, Farrah.” “Puwes, ano’ng kailangan mo ngayon? Hindi ka mag-aabala sa akin kung wala kang kailangan. Dahil kung wala na akong silbi sa iyo, ikaw mismo ang gagawa ng paraan para mawala ako sa buhay mo.” Dagli ang paghapdi ng kaniyang lalamunan dahil sa kaniyang sinabi. Para bang gustong pasubalian ni Raze ang kaniyang sinabi ngunit hindi na lamang nito ginawa pa. “Gusto mo ba ng direct to the point na usapan?” “Gold ‘yong oras mo, ‘di ba? Dapat deretsohin mo na ako. Hindi ‘yong ang dami mo pang ligoy at—” “I need an heir. At ikaw ang gusto kong magbigay niyon sa akin, Farrah.” Speechless na naman si Farrah sa kaniyang narinig. Tama naman ang narinig niya, ‘di ba? Kailangan ni Raze ng tagapagmana nito. Pero hindi niya napigilan ang matawa sa sinabi nito. Kulang na lamang ay magsalubong naman ang mga kilay nito. “Ano’ng nakakatawa?” “Ikaw ang nakakatawa, Mr. Elizalde. Kailangan mo ng heir? At sa akin pa talaga? Bakit hindi ka na lang mambuntis ng ibang babae? Para naman makuha mo ang gusto mo. Imposibleng tanggihan ka ng sino man. Baka nga hindi ka pa tapos magsalita sa gusto mong mangyari, bumukaka ka sila sa harapan mo.” Tumiim ang mga labi ni Raze. Tila ba hindi nagustuhan ang kaniyang sinabi. “Puwes, sa ayaw at sa gusto mo, you’ll bear my child.” “Paano kung ayaw ko?” “Alam mo kung gaano ako kaimpluwensiyang tao. Hindi mo naman siguro gugustuhing banggain ako? Kaya kong sirain ang buhay mo kung gugustuhin ko.” Nabura na naman ang ngiti sa mukha niya. Oo, hindi basta-bastang tao si Raze. Paano kung seryosohin nito ang sinabi nito? Kayang-kaya nga nitong sirain ang buhay niya. Kung mangyayari iyon, mawawalan ng saysay ang pag-aaral niya nang apat na taon sa Harvard University. Paano pa niya maipapamukha sa mga naging kaklase niya ang success niya kung sisirain naman ni Raze ang mga pinaghirapan niya? Parang piniga ang kaniyang puso at animo nanghina ang mga tuhod. At nang lumunok siya, ramdam niya ang p*******t ng kaniyang lalamunan. “Anak na lalaki ang gusto ko, Farrah.” “Hindi pa ako pumapayag, Mr. Elizalde,” aniya nang makabawi. “Wala ka rin namang pagpipilian kung ‘di ang pumayag, Farrah. Isipin mo, wala ka namang ibang pupuntahan dito sa bansa.” “‘Yon ang akala mo,” mariin niyang tanggi. “Nakalimutan mo yata kung saan ako lumaki? Tingin mo ba, hindi ako puwedeng bumalik doon?” “Ipagsisiksikan mo ang sarili mo sa lugar na ‘yon? Hindi mo ba alam? Malapit ng maipasara ang bahay ampunan na pinagmulan mo. Now, kung bukal sa loob mo ang pagpayag sa gusto kong mangyari, maisasalba ang bahay-ampunan.” Totoo ba ang sinasabi ni Raze? Paano kung oo? At paano rin kung hindi? “P-paano mong nalaman ang tungkol sa lagay ng bahay-ampunan ngayon?” “Connections,” tipid na sagot ni Raze. “Kahit na wala kang choice kung ‘di sundin ang gusto ko, gusto ko pa rin na bukal sa loob mo ang pagdadala sa magiging anak ko.” Kumuyom ang mga kamao ni Farrah. “Imposibleng nauubusan ka ng babae ngayon.” “Wala akong panahon sa mga babaeng tinutukoy mo.” “Pero bakit ako?” “Because you’re still my wife. At alam ng marami na ikaw ang asawa ko.” Wife… Asawa… “Asawa na hindi nakita ng marami sa loob ng apat na taon?” mabilis na gagad ni Farrah nang makabawi. “‘Wag mo akong patawanin. Sigurado ako na iniisip nila na hiwalay na tayo. Which is, tama naman sila ng naiisip.” Natigilan na naman si Farrah nang ipakita ni Raze sa kaniya ang suot nitong wedding ring sa isa nitong kamay. “Tingin mo, hindi pa ba sapat ang singsing na ‘to?” “Wala akong masabi sa props mo,” naibulalas na lamang niya. Kahit na ang totoo ay hindi siya makapaniwala na hanggang ng mga sandaling iyon ay suot pa rin iyon ni Raze. Totoo kaya na hindi nito hinubad sa daliri nito ang singsing na iyon? “Kahit na wala kang magagawa sa gusto kong mangyari, gusto ko pa ring marinig na bukal sa puso mo na tatanggapin mo ang gusto kong mangyari ngayon.” “Bakit pa?” “Anak ko ang dadalhin mo sa loob ng siyam na buwan, Farrah. Gusto kong makasigurado na gusto mo ang ginagawa mo.” Magbubuntis siya sa anak ni Raze? May kilabot na dulot ang kaalaman na iyon sa kaniya. Kulang na lamang ay pangapusan siya ng hininga. Para kasing nalulunod siya sa kaalaman na iyon. Isang Raze Elizalde, mas gugustuhing sa kaniya manggagaling ang magiging anak nito. Pero bakit? Katulad ng sinabi ni Raze kanina, Farrah, ikaw ang kilalang asawa ng lahat ni Raze. Kaya natural lamang na ikaw ang magdadala ng magiging tagapagmana niya, anang isip niya sa kaniya. Pero sapat na ba iyong dahilan? “Sundin mo ‘yong gusto ko nang bukal sa puso mo at asahan mong ora mismo, makatatanggap ng malaking halaga ang House of Hope. Duda ka ba na malapit ng magsara ang bahay-ampunan? You can check it out yourself.” Nakakapanghina ang kaalaman na iyon. Hindi niya gugustuhin na bumagsak o magsara nang tuluyan ang tahanang tumatanggap sa mga batang katulad niya noon. Malaking tulong ang lugar na iyon sa mga batang wala ng mga magulang o mga batang basta na lamang iniiwan sa kung saan-saan. “Sabi mo nga, pupunta ka sa lugar na ‘yon. I’m letting you, Farrah. Para naman makita mo ang totoong sitwasyon sa lugar na iyon. Pero hindi ka aalis nang walang kasamang bodyguards. Mag-a-assign ako ng tatlong bodyguard para sa iyo kapag lalabas ka ng bahay. At kung pagod ka dahil sa mahabang biyahe. You can take some rest now.” Nahabol niya nang tingin si Raze nang lampasan na siya nito. Nasapo pa niya ang kaniyang noo nang tuluyan siyang mapag-isa sa Study Room. Grabe namang pa-welcome ito sa kaniya ni Raze. Parang masamang panaginip. Pero hindi. Nasa realidad siya ngayon. Gusto niyang maiyak pero wala namang luha ang gustong tumulo ngayon sa kaniyang mga mata. . . . . . . . BITIN? SUGOD NA SA JONQUIL V I P GROUP PARA MAKAPAGBASA NANG TULOY-TULOY SA KUWENTONG ITO.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD