Kung gaano siya katagal nakatayo sa ulanan hindi niya alam. Muling naglayas ang kaluluwa niya at mukhang nanood din sa reaksyon niya habang nakatangin sa lalaking nasa harapan niya. Nang bumalik ang kaluluwa niya sa katawang lupa niya baon na nito ang espirito ni Gabriela dahil naiinis siya hindi sa lalaki kundi para sa sarili niya. Ilang taon din niyang pinangarap ang eksenang ito. Yung tipong mapapanganga ito dahil lalo pa syang gumanda, magkukumahog ito sa kasusunod sa kanya dahil sexy na siyang manamit, at most of all yayamanin na rin ang mga gamit niya. Kaso mukhang kabaliktaran, siya ang napanganga eh, gaya pa rin ng dati. He was wearing a black leather jacket with a gray v-neck shirt underneath it and rugged jeans which perfectly hugged his waist. In short artistahin. Eh siya? B