Rancho, A day after the interment "I am leaving my only son Gian Carlo, half of my entire estate except the mansion of which he will share with Francine Marithe Alejandro. The other half of my estate will be given to my only cousin Mr. Teofilo Reyes....." Napalunok si Raine sa narinig. Bakit kasama siya sa mga magmamana ng mansyon? Lumipad ang tingin niya kay Carlo na madilim ang mukha na nakatitig kay Atty. William Manzano, ang abogado at executor ng last will ang testament ng namayapang si Mr. Leo. " Any contention from my legal heirs will leave the entirety of my estate to charitable institutions. This will and final ang executory...." Itiniklop ng abogado ang folder na naglalaman ng dokumentong kababasa lang nito. "Kung may tanong kayo, puntahan niyo lang ako sa opisina ko. Raine,