Hindi alam ni Raine kung gaano siya katagal sa ilalim ng dutsa. Halos di na rin nga niya maramdaman ang lamig ng tubig. Wala na talaga ang kaluluwa niya, tuluyan na siyang iniwan at ang lohika niya na iniisip pa din kung paano niya pinyagan ang lalaking kahati niya sa bahay na ito na nakawin ang first kiss niya! Josko! Wala na yung first kiss ko! Gaga! Naibigay mo yun sa kanya noon 6 years ago noh! Pakaarate! paninita ng intrimitidang parte ng isip niya na pakiwari niya pinasisimunuan ang parteh parteh ng mga hormones niya. Halos naririnig pa niya ang sermon ni Kira sa kanya 4 years ago, noong pinnipilit niyang ibinabangon ang sarili mula sa first heartbreak niya. "Hindi katapusan ng mundo ang break up! Ang mga dyosa kapag hiniwalayan, lalong gumaganda!" she smiled on the thought. "Ka