Chapter 1
Halos takbuhin na ni Raine ang papasarang gate ng San Gabriel Academy (SGA), ang pribadong eskwelahang pinapasukan niya. Late siya, dahil hindi agad naubos ang pandesal na tinda niya sa harapan ng Caring Hearts Foundation─ ang bahay ampunan na tinutuluyan niya. Hindi rin kasi niya puwedeng hindi maubos iyon ngayong araw. Bukod sa wala siyang babauning pera, masasayang lang ang ipinihunan niya.
Napapalatak siya nang biglang may humintong sasakyan sa harap niya habang papatawid siya sa pedestrian lane. Magara iyon, makintab, parang bagong labas sa casa. Pero kahit pa gaano kaganda ang sasakyang nasa harapan niya, gusto niya itong pagpira-pirasuhin dahil muntik na siyang mabundol!
Ano? Kesyo bago ang kotse may karapatan nang dumisgrasya!
Nakita niya ang gate pass ng SGA sa windshield ng nagmamagaling na sasakyan. Taga- SGA ang may-ari ng hinayupak ng kotse. Napairap siya nang wala sa oras. Inis na inis siya sa mga mayayaman na estudyante ng SGA. Magara ang kotse, maayos manamit, kulang na lang gawing confetti ang mga pera nila sa bulsa para adornohan ang mga nilalakaran nila, pero wala namang brains.
Napairap siya ulit. Hinintay niya ang pagbaba ng bintana sa drivers side ng kotse pero hindi iyon nangyari. Inaninag na lamang niya ang lulan ng kotse pero kahit iyon, hindi rin niya magawa nang maayos dahil heavily tinited ang sasakyan. Umusad ang kotse papasok ng gate ng SGA. Habang siya, nagngingitngit nan naglakad patungo sa nakasara nang maliit na gate.
Shit! Sarado na ang gate!
"Kuya Guard, pakibuksan po ulit itong gate papasok na po ako. Sige na po, please," ani Raine sa supladong guard na sa sa hula niya ay na mukhang naga-andropause na ata kahit na mid 20s palang ang edad.
Sumitsit ito."Alis diyan! Di ka na pwedeng pumasok. Late ka na! Naguumpisa na ang flag ceremony, sige na umuwi ka na."
Naimbyerna siya pero pinigil niya ang pagbulwak ng nag-uumapaw niyang inis "Kuya, Manong, Sir, sige na po. Ngayon po ang umpisa ng periodical exams, hindi po ako makakapag-exam pag di niyo ako pinapasok, please."
Muling umirap si manong guard. "Hindi nga pwede ang kulit mo ah! Uwi na! Tsupi!"
Naikuyom na ni Raine ang mga palad. Gusto na niyang sugurin ang pinaglihi kay Hitler na guard ng SGA. Ilang beses na niya itong pinompyang, binugbog at kinalbo sa isip niya, maibsan lamang ang inis na nararamdaman niya.
Nagbuga siya ng inis na hininga at nag-isip.Hindi siya pwedeng hindi pumasok ngayon. Ilang minuto niyang pinagana ang isip at di naman siya binigo nito.
*****
"Okay class, one more minute to finish your test. After that, finished or unfinished, pass your papers," sabi ng teacher nila sa social studies na si Ms. Medina.
Mabilis na ibinalik ni Raine ang pansin sa sinasagutang exam paper. Actually, kanina pa niya tapos iyon ayaw lang niyang ipasa kasi gusto niyang ulit-ulitin na i-review. Kailangan kasi perfect ang score niya. Hindi pwede na kagandanhan lang puhunan niya, kailangan mayroon ding laman ang kanyang beautiful brain. Dapat isa lang ang kapintasan na masasabi ng mga tao sa kanya, ‘yan ay ang pagiging ulila. Pero kahit naman iyon, hindi niya ikinakahiya. E ano kung laking ampunan siya, bakit ba?
Nang muling magsalita si Ms. Medina, agad siyang tumayo at nagmatrsa patungo sa lamesang okupado ng guro sa harapan ng blackboard. "Perfect again, Francine?"
"I am hoping Ma'am," nahihiya niyang sagot sa guro. Nginitian lang siya nito at siya naman ay tuluyan ng lumabas ng classroom.
Palabas na ang halos lahat ng mga estudyante sa mga classroom, lunch break na kasi. Kung ang lahat ng estudyante papalabas ng HS building, siya naman ay hindi. Papunta siya sa likod para kumain ng lunch. Sa likod ng building ay may mga puno at sa lilim niyon ay may mga rock set na pwedeng tambayan at doon ang lunch area niya. Siya lang kasi ang nagbabaon, mas tipid kasi. Hindi niya kagaya ang mga kaeskwela niya na proud iwagayaway ang mga hawak na take out na kape na mahigit isandaan ang presyo! Nananakit ang batok niya tuwing nakikita niya ang mga ito.
Kape? Isandaan mahigit? Jusko! Sa 3 in 1 na lang siya. Six pesos lang.
Ayaw niya kasi ng nagsasayang ng pera. Hindi naman siya kapos na kapos. Sa totoo lang, may nagpapa-aral sa kanya. Si Mr.Leonardo Reyes. Ang sabi nito ay isa siyang malayong kamag-anak. And because of that, she gets to spend important holidays with them together with his family. Lahat ng kailangan niya ay ito ang nagpo-provide. May allowance din siya buwan-buwan na sobra sobra pa sa mga pangangailangan niya. Pinapacheck-up din siya nito buwan buwan kahit wala naman siyang sakit.
Ayon kay Ms. Monet, ang direktor ng CHF, si Mr. Leo ang nagdala sa kanya sa ampunan siyam na taon na ang nakararan niya at naaalala niya iyon. Ayon dito, wala na raw siyang mga magulang at si Mr. Leo ang guardian niya. Hindi nga lang siya pwedeng tumira sa kanila kasi ayaw ng pinaglihi sa dragon na si Ms. Rosie, ang asawa ni Mr. Leo. She can actually remember bits of memory from her past, like the day Mr. Leo brought her to CHF. But things before that, mukhang she can’t recall no matter how she tried.
Napabuntong-hininga siya nang matanawan ang bakod sa likod ng HS building. Nasa 7 feet or mas mataas pa siguro ang taas niyon at gawa sa bakal at semento. Inakyat niya iyon kanina dahil hindi siya pinapasok ni manong guard. Mabuti na lamang, naka-PE Uniform siya. Kung hindi gasgas marahil ang kanyang super kinis at super sexy legs.
Hmmp! May araw ka ding guard ka!
Umupo siya sa lilim ng isang puno at nagsimulang ilabas ang laman ng kanyang lunch bag. Napalingon siya nang may sumitsit sa kanya.
"Mike?"
Ngumiti ang lalaki at nagsimulang lumakad patungo sa kinaroroonan niya. Classmate niya ito. Maykaya din at matalino at natatanging kumakausap sa kanya sa loob ng klase. Madalas ay sumasama ito sa paglo-loner niyang maglunch. Gaya ngayon, may bitbit na naman itong take out mula sa isang sikat ng fastfood chain. Marami kasing sikat na establishments sa harap ng SGA, doon ang usual na tambayan ng mga sosyal nilang classmates.
"Hindi mo na naman ako hinintay, sabi ko naman na sabay na tayo pumunta dito," anito habang inilalapag sa mesa ang take out nito.
"Sersyoso, sasabay ka ngayon sa akin?" namamanghang tanong niya.
"Oo naman! Bakit masama ba?"
"Ano ka, may amnesia? ‘Di ba nga nung isang araw pinagalitan ka ni Ms. Garcia na sumabay sa akin ng lunch?" Ang Ms. Garcia na tinutukoy niya at ang Teacher nila sa Filipino at tiyahin ni Mike.
"Sus! Kelan di ko maalala?"
"Di mo maalala? E kulang na lang magbuga ng usok ‘yong bunbunan ng Tita mo sa sobrang inis sayo no’ng isang araw. Kulang na nga lang siguro i-firing squad niya ako dahil bad influence raw ako sa ‘yo.” Pumalatak siya. “Ako pa talaga ang bad influence sa ‘yo, sa ganda kong 'to?" paliwanag niya habang patuloy sa pagkain.
Natawa si Mike sa itsura niya."Wag mo nang pansinin si Tita Mel. ‘Di ba nga sabi ko sa ‘yo, may pinagdaraanan ang love life niya, ten years na."
"Ang tagal namang hindi makamove on ng tita mo. Last century pa pala siya broken hearted."
Natawa ulit si Mike. "Alam mo ba kung bakit gustong-gusto ko na makipag-lunch sayo?" Umangat ang tingin niya rito. "Because you’re funny."
Umirap siya kunwari. “Komedyante lang pala ang hanap mo. Alam mo bang pwede kitang pagkakitaan? Ang laki ng kita ng mga stand up comedians a! Kahit bente lang isang araw, malaki-laki na rin kikitain ko sa ‘yo sa loob ng isang school year."
"Pati pakikipag-usap ko sa ‘yo pagkakakitaan mo? You really are crazy!" natatawang komento nito habang sumusubo ng pagkain.
"Hindi lang ikaw ang nagsabi niyan," uminom siya ng tubig and cleared her throat bago nagpatuloy. "Last month, tinanong ko na rin yan sa doktor no’ng check up ko. Sabi ko "Doc, tapatin niyo po ako. Ano pong gamot sa toyo ko?" Alam mo sabi niya?"
"Ano?"
"Wag kang magugulat ha? Sa 'yo ko lang to sasabihin. Kahit si Mr. Leo hindi din niya alam," seryoso niyang umpisa at napailing."Sabi niya,"Raine, mahirap gamutin ang toyo, pasensya na. Dagdagan mo na lang ng suka at bawang para adobo na."
Nahirinan si Mike sa banat niya. Agad itong namula at uminom ng tubig.
Natawa si Raine sa itsura ng kaibigan. Pero in fairness, gustong-gusto niya itong nakikitang nakatawa. Super fafable naman kasi ang itsura ito- matangkad, matangos ang ilong, malantik ang mga pilik-mata at maayos manamit. Tipikal na konyo pero mabait at down to earth. Sa katunayan crush niya ito. Pero syempre hindi niya pwedeng sabihin dito. Hindi naman siya bobo pagdating sa usaping pag-ibig na ‘yan. Mahilig siyang manood ng telenobela kasama ni Kira-born and raised as Akihiro but chose to be called Kira lalo na tuwing gabi. Ito ang kasama niyang lumaki sa ampunan. Kaya alam niya kung hanggang saan lang talaga siya. Ang layo kaya ng agwat nila. Pero alam niya given the time and effort, lahat ng pangarap niya kaya niyang tuparin sa tulong ng pagpapataba ng braincells niya at pag-iingat sa natural niyang kagandahan.
Muli siyang napairap kunwari. "Hay naku Mike, next time talaga sisingilin na kita ng talent fee.”
"I have to agree with you, pwede ka na talagang mag-stand up comedy. Ang lakas kasi talaga ng tama mo, Raine! But you're cute," naiiling pa ito bago muling ipinagpatuloy ang pagkain.
Pigil na pigil niya ang sariling mapangiti dahil sa sinabi nito. Alam niyang maganda siya. Sabi ni Mr.Leo, Italyano ang tatay niya at Pinay ang nanay niya, kaya yayamanin ang facial features niya. But hearing a compliment from Mike is just too much for her system to take.
"Cute? Ano ko aso?" nakalabing tanong niya rito.
"Hindi kaya. Maganda ka dahil half half ka. Half German, half shephered."
Naibato niya ang napkin sa mukha nito nang ‘di oras. Natawa naman ang kaibigan sa panti-trip sa kanya. Namula siya sa hiya. Feel na feel pa naman niya matawag na maganda. Di na lang kasi siya nakuntento sa cute gusto niya mas level up pa. Yan tinotoong aso siya tuloy ni Mike!
Lintek na half breed yan!
Nagkwentuhan pa sila tungkol sa maraming bagay hanggang sa maubos nila ang mga dala nilang pagkain. Nagprisinta siyang siya na lang ang maglilinis ng pinagkainan nila kung kayat nauna nang bumalik sa HS Building Si Mike.
Pabalik na siya ng HS Building nang may humarang sa kanya. Grupo iyon ni Maxine. Ang pinakakonyo, pinakamaarte, pinakamatapobre, at super dehydrated ang braincells na mga classmates niya.
Araw-araw itong gumagawa ng eksena. At araw-araw din siyang umiiwas dito. Sabi kasi ni Mr. Leo nang minsang magsumbong siya rito, They ain't worth your while, hindi mo sila ka-level.
Dinibdib niya iyon kaya, kaya hindi niya ito pinapansin ang mga just beauty with no brains na kampon ni Maxine.
Lalampasan na lang sana niya ang mga ito, pero sapilitan siyang hinarang ng mga ito at hinila pabalik sa likod ng HS Building. Pinalibutan siya ng mga ito at isinanadal sa maruming dingding. Kipkip ang binder, pilit siyang nagtapag-tapangan at taas noong kinausap ang mga ito.
"Ano bang kailangan ninyo?" angil niya.
"Ha! Ang tapang mo pa din a?" nakataas ang kilay na sabi ni Maxine.
"Ano ba kasing kailangan mo sa akin. From what I can remember you're not even talking to me in class tapos bigla mo akong iko-corner dito? Ayos ka din ‘no?"
"That is because you are poors. Hindi mo kami ka-level. At nagtataka ako kung paano ka nakapasok dito sa SGA."
Poors? Pores? Josko! Nag-english pa!
"Iyon lang ba ang pinagpuputok ng butse mo? Aba isa ka pang di makamove on a! 3 years na ko dito sa SGA ‘yan pa rin ang problema mo?" Grade 10 na sila, at tatlong taon nang late ang hugot ng konyitang kaharap!
"Natural! Nakakapagtaka na ang isang kagaya mong laking ampunan makakayanan ang tuition fee dito sa SGA na walang ibinibigay na scholarship!" mataray pa din na putak nito.
"Bakit ‘pag laking ampunan na, dapat ba wala nang pera? ‘Di ba pwedeng ulila lang pero may kaya?"
Lalong nalukot ang mukha ng konyita. "Just shut up you b***h! Whatevs with you, I won't care!I want you out in this school and away from our boyfriends!" angil nito sa kanya.
Hindi na niya napigilan ang matawa. Super trying hard ang pagi-english nito. Kung di pa niya alam na nakikisabay lang ito sa mga konyo nitong kasama. Hindi naman kasi ito talaga kasama sa mga upper-heavenly-level na mga elitista. Nanalo lang nang bongga ang tatay nito sa lotto kaya feeling nito ay super-rich na ito. Pero hindi naman halata sa kilos at pananalita.
"A, so yun pala talaga e ‘no? 'Yong mga boyfriends ninyo na gaya niyo rin na ga-munggo ang utak ang dahilan ng lahat ng kaguluhang ito." Naningkit ang mga mata niya sa sobrang asar sa mga kaharap. "I have 3 points for you, Ms. Maxine dela Rosa and your minions. First, hindi ako nag-aaral sa SGA para makipaglampungan o kahit magka-boyfriend man lang. Nandito ako para matuto. Second, wala akong ni ga-tuldok man lang na interes sa mga boyfriends ninyong walang alam kundi mag-apply ng gel sa buhok at pumorma gaya ng mg nakikita sa mga billboards. Sorry they are not my type, not every girl fancies them. And last but not the least, hindi ko na kasalanan kung gusto nila ‘ko. May magagawa ba ‘ko kung noong nagsabog si Bro ng natural na kagandahan gising na gising ako at pinuno ko lahat ng drum, batya, balde, at kaserola sa bahay namin?” Pumalatak siya. “Get a life, Maxine! Patingin ka sa doctor. Baka may gamot na sila ngayon sa inggit!" taas noo niyang sabi.
Natameme ang kaharap. Muntik na nga siyang magvictory dance e. Pero ang ‘di niya inaasahan ay nang maglabas ang isa sa mga ito ng cutter. Maxine smiled, devilishly.
"’Yang ganda mo, gaano man karami ang reserba, kayang kaya naming sirain," malamig nitong banta.
"Don't you dare lay your hands on me!"
"Why? What would you doing? Tayo-tayo lang dito." Ngumisi ulit ito.
Napamura na naman ng lihim si Raine. Kailangan na niya ‘ata ng blood transfusion. Kanina pa naghe-hemorrhage ang utak niya sa pagproseso ng mga sinasabi nitong grammatically waley! Seriously, wala ba itong tutor?
Agad na bumalik ang atensyon niya dito nang muli itong magsalita.
"Hawakan niyo siya," utos nito sa mga kasama. Inirolyo nito pataas ang cutter at kumislap sa ilalim ng araw ang talim niyon. Nagpumiglas siya, nataranta. May sayad talaga ang mga ito!
Tuluyan na siyang nahindik nang ilang pulgada na lang ang layo nito sa mukha niya. Kusa na siyang napapikit. Inasahan na niya ang hapdi na idudulot niyon nang may biglang magsalita.
"Young ladies like you shouldn't play with dangerous toys, Ms. dela rosa," anang baritonong tinig mula sa kung saan.
Agad siyang napamulat at nagpalinga-linga. Hanggang sa dahan-dahan siyang lumingon, upang lalo lamang nerbyosin nang makita niya kung sino ang may-ari ng tinig na iyon.
The man was tall, handsome, and devilishly grinning at them.
Shit! Bakit kailangan pa nitong makita ang ganitong eksena? Alam niyang makakarating na naman ‘yon kay Mr. Leo.
Lumapit ang lalaki kay Maxine at basta na lamang inagaw mula sa kamay nito ang hawak na cutter. Maxine didn't move, not even a blink. Nakatanga lang ito sa lalaki. Kung madudukot lang sana sa bulsa niya ang cellphone niya, malamang ginawa na niya. Ang epic kasi ng itsura ng classmate niya, ang sarap gawan ng meme.
Napaigtad silang lahat nang muling magsalita ang lalaki.
"Alam mo bang bawal magdala ng ganyang bagay dito sa SGA, Ms. de la Rosa? I wonder what would your Dad say if I tell him about this incident? And as for your minions…" Ipinagala ng lalaki ang mata sa tatlo pang kasama ni Maxine. "Toilet cleaning for a month would be fun, right? Mai-recommend nga ‘yan sa school director."
Napasinghap ang mga minions ni Maxine at parang mga unggoy na nagtatakbo pabalik ng HS Building, iniwan si Maxine.
"I hate you Gian! Ate Nica will... is… a basta isusumbong kita sa kanya!" singhal ni Maxine sa lalaki, ang tinutukoy nito ay ang nakatatandang kapatid na ka-fling ngayon ng hambog na lalaki. Muling bumaling sa kanya ang nag-aapoy na mata ng babae, taas baba ang dibdib nito sa pinipigil na galit. Iningusan naman niya ito at tinaasan ng kilay.
Bakit ba? Ito lang ba ang may karapatang mag-taray?
"You won't gets away next time!"
Imbes na matakot hindi na niya napigilan ang matawa.
"Natawa ka pa talaga," nakairap na sabi nito bago naglakad palayo.
"Patutor ka ng English, hoy! Available ako. Mura lang. Isandaan per hour!" tatawa-tawang habol na sigaw niya rito.
Agad nawala ang ngiti niya nang salubungin ang mapang-asar na kulay abong-mata ng lalaking kaharap. Awtomatiko ang irap niya.
"Well, well, well you're having too much trouble for a day, Ms. Alejandro. Kanina pagpasok ng school muntik mo nang magasgasan ‘yong kotse ko. Tapos ngayong lunch time, muntik naman malaslas 'yang mukha mo. I wonder what trouble will you get into this evening,” anito, sarkastiko.
Agad na tumalim ang mata niya. "Kotse mo ‘yon? Wow ha? Hiyang-hiya naman ako sa kotse mo. May buhay ‘yong kotse mo? Kung makapagsalita ka parang ‘yong kotse mo ang mas mapapasama kung nabangga ako kanina a!"
"Bagong labas kasi ‘yon. Nakita mo naman, di ba? Tapos tatanga-tanga ka na ngang tumawid, late ka pang pumasok. Ano kayang sasabihin ni Dad ‘pag nalaman niya ‘to?"
Inis na ipinaikot niya ang kanyang mga mata dahil sa mga sinasabi ng impaktong nasa harapan niya. "FYI, hindi ako late kanina sakto lang dapat ako e. Kaso nga ‘yong nagmamagaling na kotse mo, muntik na akong sinuro! Hindi ako late. Nandito nga ako di ba? Nakapasok ako o. At saka, ano sayo kung ma-late ako? Alam naman ni Mr. Leo na working student ako."
"Late ka! Inakyat mo ‘yang pader kanina, ‘di ba? Vinideohan ko kaya!" nang-aasar na balita nito sabay turo sa pader sa likuran nila.
Napanganga siya, nataranta. May video siya talaga kanina? Juskopo!
"At saka working student talaga? Bakit kulang ang sustento ni Dad sa 'yo?" dugtong na tanong nito, sarkastiko.
She unbelievably looked at him. "Isipin mo kung ano ang gusto mong isipin. Wala akong dapat na ipaliwanag sa 'yo!" aniya bago tinalikuran ang kausap. Pahakbang na siya palayo nang hawakan nito ang braso niya upang pigilin siya. Nilingon niya ito.
"Hindi ka man lang ba magte-thank you? I clearly saved your ass back earlier."
She rolled her eyes. Mag-ooverheat na ‘ata ang utak niya sa inis. Konti na lang, masasapok na niya ito.
"E ‘di thank you po, Kuya!" pinaliit pa niya ang boses para tunog sweet pero matalas pa rin ang mga mata.
Sandali itong natigilan na para bang may hindi ito gusto sa sinabi niya. Inilapit nito ang ulo nito sa kanya na siyang muling nakapag-paatras sa kanya sa maruming dingding.
"Hindi kita kapatid. ‘Wag mo 'ko tatawaging Kuya." Bumaba ang tingin nito sa natural na kulay rosas niyang mga labi bago muling bumalik sa mga mata niya ang nanghihipnotismong kulay abong mga mata nito. "Ayusin mo nga ‘yang bibig mo. Parang laging naghahanap ng kahalikan kaya ka napagkakamalang malandi!"
"Ha?"
"Wala! Sabi ko sa susunod ‘wag kang lalampa-lampa. Matuto kang ipagtanggol ang sarili mo. Diyan ka na. Sibat na ko!" Iyon lang at tumalikod na ito patungo sa bakod ng eskwelahan
"E ba't d’yan ka? Sa'n ka pupunta?" usisa niya.
"Sa gym. May training ako ng jujitsu," sagot nito habang sinusubukang akyatin ang pader.
"Exams kaya ngayon!"
"Kaya nga!" sagot nito. Nakaakyat na ito sa pader at nakakuyakoy na sa kabilang bahagi ng pader ang isang binti nito. "Wag kang magsusumbong kundi lagot ka sa akin," banta pa nito bago tuluyang tinalon ang kabilang bahagi ng pader.
Naiwan siyang nakatikwas ang nguso at iiling-iling. ‘Di bale, isang taon na lang sa senior high at lalayas na si Gian Carlo LaRue Reyes, ang ultimate badboy charmer ng SGA. At ‘pag nangyari ‘yon. Sigurado siya, magiging mapayapa na buhay estudyante niya.