Magkahawak ang mga kamay na nakaupo sila ni Carlo sa isa sa mga baitang patungo sa gazebo. They were star gazing. Siyempre drama lang ‘yon ni Raine. Kunwari nakikitingala lang din siya pero mas abala siya sa pagtingin sa ogre na officially boyfriend na niya ngayon. Boyfriend? She bit her lower lip to prevent herself from smiling. Naro'n siya hawak ang kamay nito at nakaupo sa tabi nito pero kinikilig pa rin siya. Ang sama talaga ng tama niya sa ogre na to. "What are you thinking?" mayamaya ay untag nito sa kanya. "Iniisip ko kung kanino ako magpapatawas," sagot niya habang nakatingin dito. Kumunot ang noo ni Carlo. "Tawas? Albularyo? Bakit?" "Naengkanto kasi ako. Naengkanto ako ng ogre," aniya, pigil na pigil ang tawa. Napataas ng kilay si Carlo. "A gano’n ba. Sige, sasama ako. Ma