Switzerland "Goodmorning," nakangiting bati ni Ms. Rosie kay Mr. Leo. Nakahiga sa kama ang huli, halatang malaki ang inihulog ng katawan nito. Ngunit pilit pa rin na gumanti ng ngiti sa esposa. Kinuha ni Ms. Rosie ang bedtray at ipinatong iyon sa tapat ni Mr. Leo "Breakfast in bed Amore mio!" she said and sat in front of him. Napaupo na si Mr. Leo. Sandaling tinitigan ang asawa, nakangiting hinawakan ang pisngi ng babaeng pinakasalan niya dalawampung taon na ang nakararaan. "What would I do without you?" nakangiting sambit niya. Agad na nangilid ang luha ni Ms. Rosie, pinaglapat ang mga labi upang pigilin ang pagalpas ng mga luha. "What would I be without you?" Ipinatong ni Ms Rosie ang kamay niya sa kamay ng asawa. "Sshhhh.. Don't cry. I'll be fine," mapait na ngumiti si Mr. Leo. Ngu