Chapter 11

4759 Words

"Nganga,” inis na na sabi ni Raine habang sinusubuan ng  chicken soup si Carlo. "Ano ba ‘yan? Wala man lang kabuhay-buhay!" reklamo ng maysakit na ogre.  Kusang rumolyo ang mga mata niya dahil maayos naman ang kamay pero nag-iinarte at nagpapasubo ng pagkain sa kanya. Maaga siyang nagpunta sa ospital ngayon kahit sana nasa CHF pa siya at nagbe-bake ng cookies na dapat ay ibebenta niya. Kaso tumawag si Yaya Mildred at nagmamatigas daw ang alaga nitong kahalating ogre at kalahating greek god na hindi ito kakain hangga't wala siya sa ospital. Hindi naman sa ayaw niya itong puntahan kaso, hindi na niya kasi matantya ang sarili niya tuwing malapit siya dito. Magmula kasi nang aminin niya sa sarili na may espesyal siyang pagtingin sa anak ng kagubatan na ito, kusang kinikilig ang puso niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD