Chapter 4

2504 Words
  Nag-drive pa ito nang ilang minuto hanggang makarating sila sa rancho. Sinalubong sila Yaya Mildred. Actually, yaya ito ni Carlo. Kaso, nakiki-yaya na rin siya kasi naman, ito ang nag-aasikaso sa kanya tuwing nasa rancho siya. "O sa’n kayo galing? Kanina pa namin kayo inaantay a," komento ng babaeng mid-50s na ang edad. "Matagal po kasi siyang nagempake 'Ya," pagsisinungaling ni Carlo. Nanikwas ang nguso niya. Ako pa talaga ang ginawang dahilan! Lihim niyang ngitngit. Nginitian siya ng matanda. Agad naman niya itong binati at niyakap. "O siya, halina kayo. Kanina pa nakahanda ang mesa. Si Angela na ang bahala sa bag mo, hija." Si Angela ang isa pang katulong ng mga Reyes. Pamangkin ito ni Yaya Mildred na sa tantya ay middle thirties lang ang edad. Iginiya sila ng matanda sa mahabang dining table. Wow! Puro gulay! iyon ang unang naisip niya. "Lunes ngayon, meatless Monday dito sa bahay. O siya, kumain na kayong dalawa. Lalo ka na Gian Carlo. Mainam sa katawan ang gulay, pampatibay ng resistensya," pangaral pa ng matandang babae sa alaga nito. Lukot na lukot naman ang mukha ni Carlo. Lihim siyang natawa. Kaya siguro ito nag-ayang kumain sa fastfood kanina dahil alam nito ang madaratnang pagkain sa rancho. Umupo na siya, ganoon din ito. Lihim siyang nagdasal sa grasyang nasa harapan niya at nagsimula siyang sumandok pagkatapos. Ilang sandali pa, napansin niyang hinid kumakain ang kaharap. "Masama ang tumatanggi sa grasya. Marami ang hindi kumakain ngayong oras na ‘to. Maswerte ka dahil may pagkain sa harap mo ngayon," seryoso niyang paalala. "Are you preaching on me?" "I am letting you see  the blessing that you're trying to ignore. Not all people are as lucky as you. ‘Yong iba hindi sigurado kung kailan ang susunod na kain nila o kung buhay pa sila para sa susunod na kain na ‘yon. Ang iba nagbabanat pa ng buto ngayon oras na 'to para may kainin sila mamayang gabi. Ang iba naman─" "Fine! Fine! Kakain na nga o," inis na putol nito sa kanya. "You talk to much!" reklamo nito bago sumandok ng kanin. Napangiti siya. May kunsensya naman pala. Kumuha rin ito ng pinakbet at torta. Naaliw siyang panoorin itong kumain. Hirap na hirap ito, pero pinipilit nito ang pagnguya. Napatingin siya kay Yaya Mildred na nakatayo sa ‘di kalayuan. Pasimple itong nag-thumbs up sa kanya  bago tuluyang tumuloy sa kusina. Matapos ang pananghalian, lumabas ng bahay si Carlo. At dahil walang magawa, naisipan niyang mag-bake ng cookies habang nakikipagkwentuhan kina Yaya Mildred at Angela. Panay ang puri ng mga ito sa niluto niyang cookies. Siyempre naman best seller kaya ‘yon sa CHF. Walang dila ang hindi makaka-appreciate ng cookies niya. Nang gumabi, nagprisinta siyang tumulong sa pagluluto kahit todo tanggi ang dalawang katulong. Pagakatapos magluto, pinasya niyang hintayin na lamang ang pag-uwi ni Carlo para may kasabay siya sa hapunan. Ayaw niya kasi nang mag-isa kumain. Malungkot. Kahit naman anong pilit niya kasi sa dalawang kasambahay,  ayaw din siyang sabayan ng mga ito sa pagkain. Mahigpit iyong utos ni Ms. Rosie at nakamulatan na niya ang kautusang iyon sa mansyon. So, naghintay na lang siya. Nagpasya siyang umakyat muna sa tinutuluyang kwarto upang magshower. Malawak ang kwartong lagi niyang inookupa tuwing naroon siya. Kulay puti at pink ang dingding at gawa sa matibay na kahoy ang four poster bed. Pati ang mga display na naroon halatang hindi rin basta-basta. Marangya para sa kanya. Matapos maligo, agad siyang nagpalit ng simpleng shorts at blouse bago humilata sa kama. Mabilis na lumipas ang mga oras. Ramdam na niya ang pagwewelga ng tiyan niya dahil malapit nang mag-alas dies ng gabi pero wala pa din ang mayabang na housemate niya. Jusko! Balak pa ata akong bigyan ng ulcer! Nang mag-alas onse na at sobra-sobra na ang pag-aaklas ng mga alaga niya sa tiyan, nagpasya siyang bumaba sa komedor. Magga-gatas at cookies na lang siya. Wala na siyang ganang maghapunan ng kanin. Malapit na niyang maubos ang tinimpla niyang gatas nang marinig niya ang pagparada ng kotse ni Carlo sa garahe. Kasunod niyon ang pagbukas ng front door ng mansyon. Mula sa kitchen island na kinaroroonan niya ay masisilip ang front door at grand staircase patungo sa ikalawang palapag. Tinutop niya ng kamay ang bibig at nagmamadaling bumaba sa paanan ng kitchen island at nagtago dahil sa eksenang nasaksihan! Tanging ang ilaw lamang sa kusina ang nakabukas sa buong kabahayan pero sigurado siya, may kahalikan si Carlo habang papaakyat ang mga ito ng hagdan. Naeskandalo siya. Gano’n ba talaga dapat ‘yon?! Dapat gano’n ka-wild? Aba! Kulang na lang magpalit ang dalawa ng mukha a! Sumilip siya ulit habang panay pa rin ang kabog ng dibdib niya. At lalo lang nalukot ang mukha niya nang tumigil ang mga ito sa gitnang landing ng hagdan. Lalong nanlaki ang mga mata niya nang makitang wala nang saplot pang-itaas si Carlo at nakahiga na sa landing ang kasama nitong babae. Agad siyang bumalik sa pwesto. Jusko! Sa hagdan pa talaga! Paano siya aakyat ngayon? Marahan siyang humugot at nagbuga ng hangin, pilit pinakalma ang nagwawala niyang lohika. Kailangan niyang makalayo doon. Hindi siya puwedeng maging saksi sa kahalayan ni Carlo at ng kasama nito. Mayamaya pa, nakarinig na siya ng mga ungol. Wala sa sarili siyang napa-sign of the cross. Jusko! Ano po bang eksena ito? Nagtakip siya ng tenga at sinipat ang backdoor. Kung maingat siyang kikilos, siguradong mararating niya ‘yon at makakalabas siya ng mansyon. Ungol. Gapang. Ungol. Gapang ulit. Anak ng tinapa! Hindi man lang manahimik ang babaeng kasama ni Carlo! Hindi siya maka-concentrate sa pagtakas dahil sa pag-ungol-ungol nito! Nang marating niya ang backdoor, maingat niya iyong binuksan at lumabas. Sumalubong sa kanya ang malamig na panggabing hangin. Jusko! Kakayanin ba niyang matulog sa labas ngayong gabi? Baka paggising niya bukas estatwa na siya! Napakamot na siya ng ulo nang maalala ang tinakasan niyang eksena sa loob ng mansyon. Nagpasya siyang hindi na siya babalik doon. At least, not for tonight. Nagpasya siyang katukin si Yaya Mildred. "Yaya, dito na lang po muna ako matutulog," mabilis niyang sabi nang pagbuksan siya nito ng pinto. "Bakit, anak? May nangyari ba?" nag-aalalang tanong nito. "A…meron po at hindi ko ma-take... ay! Ang ibig ko pong sabihin…a… e… ‘yong maybahay po.... ay namamahay po ako, " mali-mali niyang paliwanag. "O siya, sige pasok na at baka ikaw ay magkasakit. Malalagot tayo kay Sir nang ‘di oras." Ibinagay ng matanda sa kanya ang kama nito. Agad kinuha ni Yaya Mildred ang folding bed at doon pumwesto. Kahit na anong pilit niya na magpalit sila, ayaw ng matanda. At dahil abot-langit na stress na tinamo niya sa pagtakas niya sa mansyon, agad siyang nakatulog.                                                                                               ***** Carlo was so into what he's doing. Nica is very hot and too willing in front of him. Nagkita sila sa bar sa bayan. He had a few shots of a premium drink and he must admit he can't think straight right now. So when Nica seduced him into going all the way with her, again, who is he to refuse? Besides, he needed distraction.  She started kissing him with so much urgency. And he responded with so much aggressiveness. She removed her top and his shirt came next. He buried his head on her neck, kissed and teased the sensitive spot, enough for her to let out a moan. Doon niya naramdaman ang kaluskos. His trained ears cant miss it! Noong una ay hindi niya pinansin ngunit nang malaon, tama ang hinala niya na, may kasama silang iba ng mga oras na iyon nang marinig niya ang pag-ingit ng back door. Shit! Lagot sa kanya ang nagtangkang manilip sa kanila ni Nica. Itutuloy pa sana niya ang pinagkakaabalahan nang mag-ring ang cp niya. Ayaw niya sanang sagutin pero makulit ang caller, ayaw tumigil sa pag-ring ang cp niya. Napamura siya bago niya sinagot ang tawag. "Dad," halata sa boses niya ang inis. "Carlo, nasundo mo ba si Raine?" dirediretsong tanong ng ama. Napaupo siya sa isa sa mga baitang. "Yes, Dad. Bakit?" "Hindi siya kasi sumasagot sa mga tawag ko. Nag-aalala lang ako, Carlo. Can you go check on her." Fck! Ano siya, yaya ni Raine? "Dad, it’s almost midnight. Malamang tulog na ‘yong alaga ninyo.”  Naisuklay na ni Carlo ang mga kamay sa buhok dahil sa pagkairita. "Just do what I say, young man," anito sa awtorisadong tinig. "Fine!" inis na siyang tumayo at kinuha ang tshirt at marahas iyong isinuot. Sinenyasan rin niya si Nica na magbihis na, kuntodo ang paglabi nito ngunit hindi na niya pinansin. Mabilis siyang nagtungo sa tinutuluyang kwarto ni Raine. Bukas pa ang ilaw niyon. Marahan siyang kumatok nang makailang ulit, ngunit walang nagbukas sa kanya. Pinihit niya ang seradura, hindi iyon nakalock. Pakiramdam niya ay nawala ang kalasingan niya nang makitang wala sa kwarto nito si Raine. Nagtungo siya banyo wala din. Saan naman ‘yon nagpunta? Naiinis niyang tanong sa sarili. "Ano, tulog na ba?" tanong ulit ng tatay niya sa kabilang linya. Agad siyang nag-isip. "Yes Dad, she's fast asleep," pagsisinungaling niya. "Listen to this," bahagya niyang inilayo ang cellphone niya at nagkunwaring humihilik. "Rinig mo ‘yon?" "She snores?" takang komento ng Daddy niya. "Sa payat niyang ‘yan? Mas maganda siguro ipa-check-up ko siya uli pagbalik namin diyan." "Well….yeah, Dad," alanganing niyang sagot, panay ang ngiwi. "Look after her for me, Son. See you in two days," anito bago tuluyang tinapos ang tawag. Shit! Saan na naman kaya nagsuot ang babaeng ‘yon! Napahilamos siya ng mukha nang ‘di oras. Nagmadali siyang bumaba ng hagdan. Nakabihis na si Nica at prenteng naninigarilyo sa sala. "C'mon, Nica. I'll take you home," utos niya sa babae. "But babe─" "Wag ka nang maarte pwede, while Im being nice." Its more than a statement, its a threat. "Tumayo ka na diyan kung ayaw mong maglakad pauwi." Agad na tumalima ang babae at nagdadabog na sumakay ng sasakyan. Matapos ihatid si Nica, agad niyang inisa-isa ang bawat kwarto ng mansyon. Mabigat na ang ulo niya dahil sa epekto ng alak. Nagmumura na rin siya kada bakanteng kwarto na nabubuksan niya at wala roon si Raine. Nang magalugad ang buong mansyon at wala ni anino ni Raine, matik na napasabunot siya sa sarili. Wala ang alaga ng tatay niya na inihabilin sa kanya! Pinasya niyang katukin si Yaya Mildred. "O Carlo? May kailangan ka?" bungad ni Yaya Mildred sa kanya. "Nawawala po si Raine, ‘Ya," pahayag niya. "Nakainom ka na naman ba?" nakakunot ang noo na tanong ng matanda. Pasimple siyang nagkamot ng ulo. The last thing he needed now is a goody-two-shoes preaching. He could take a tongue-lashing but never a preaching. It’s too formal and he hates it. Kailangan niyang hanapin si Raine kung hindi malalagot siya sa tatay niya. Bumuntong-hininga si Yaya Mildred. "O siya, hindi na kita sesermonan. At saka hindi nawawala si Raine, andito siya." Bahagya pa nitong niluwangan ang pagkakabukas ng pinto upang masilip niya ang loob ng kwarto. Relief flooded his chest when he saw her sleeping like an angel. Maamo talaga ang mukha nito kaso kabaliktaran kapag nagsalita na at umandar ang katarayan. He smirked when he remembered the scene in the fast food. As if tussling her hair in a disorderly manner will make her invisible. She will always be looker no matter what she does or what she wears, with or without make up.  Silly, he thought. "Hindi ‘yan naghapunan, hinintay ka niya. Pinipilit kami ni Angela kanina na makisabay sa kanya. Kaya Carlo, kahit sa dalawang araw man lang na wala ang mga magulang mo samahan mo siyang kumain para naman hindi siya mailang. Alam mo naman simula pagkabata ninyo, madali ‘yang malungkot ‘pag nag-iisa." Hinintay siya talaga nito? Hindi niya alam kung bakit gusto niyang mangiti sa isiping ‘yon. "Sige, ‘Ya. Matutulog na ko." paalam niya sa matandang katulong. Paakyat na siya ng hagdan nang mahagip niya ng tingin ang baso na may laman pang gatas na nakapatong sa kitchen island. Napakunot-noo siya. Gatas? Hindi naman nag-gagatas sina Yaya Mildred at Angela. Di kaya? Napangisi siya. Mukhang alam na niya kung sino ang nanilip kanina sa kanila ni Nica.                                                                                           *****   Marahas na pagyuyog sa balikat ang nagpagising kay Raine. Kung sino man ang gumising sa kanya dapat magtago na kung hindi kakalbuhin niya talaga! Ang ganda na ng panaginip niya e. Magkasama sila ni Mike, magka-HHWW. Tapos binilhan siya nito ng balloons at teddy bear tapos sabi nito may sasabihin daw ito sa kanya. Kilig na kilig na siya sa puntong ‘yon kaso biglang may pesteng pilit siyang ginigising! Inis siyang napaupo sa kama at ubod nang talim na inaninag ang taong dahilan ng naudlot na panaginip niya. Kaso lahat ng balak niyang pagtataray, agad na umurong nang panlakihan siya ng mga mata, pamulahan siya ng pisngi, at mapanganga siya nang bongga nang mapagsino niya ang gumising sa kanya. Si Carlo. Nakangisi ito. Agad na nag-replay sa isip niya ang mga eksena kagabi—ang hagdan, ang ungol, ang kanyang paggapang palabas sa lungga ng mga haliparot. Jusko! Napasinghap siya at agad nagtalukbong ng kumot. Bakit ba kasi kailangang masaksihan niya ‘yon? Nakakainis! Hindi man lang kasi nagpigil ang mga ito hanggang makarating ng kwarto. Kinalabit siya nito. “Bangon na diyan. Tanghali na o. Gutom na gutom na ‘ko," reklamo nito. "T-Tulog pa ko. M-Mauna ka na lang," pagdadahilan niya habang nasa ilalim pa rin nang kumot. Natawa ito.   May gana pa talagang magtatawa ang manyak! Aliw na aliw ‘ata sa paghihirap niya. Makatawa pa kaya ito kung umbagin niya? Lihim siyang napailing. Mixed martial arts expert ito. Sigurado siya, parang kagat lang ng lamok ang dating ng suntok niya rito. "Bakit ka ba nakatalukbong diyan? Nahihiya ka ba?" Natigilan siya at napaisip.  Tama! Bakit siya ang mahihiya e ito ang may ginawang kababalaghan? Inis siyang umupo ulit at sinalubong ang nanunudyong mata nito. "At bakit ako mahihiya sa 'yo, aber? May ginawa ba akong masama? May ginawa ba akong kasumpa-sumpa? May ginawa ba akong labag sa Diyos ha? Meron ba?" nakataas ang noo niyang sabi. Feeling niya mapapatid ang litid niya sa leeg kakatingala rito pero pinandigan niya. Ngumiti ito ng nakakaloko. A kind of smile that she had never seen before. ‘Yong parang nagpapa-cute na hindi,  parang may kahulugan na wala, at  parang nagpapabilis ng pintig ng puso pero hindi dapat. Napalunok siya. Jusko! Anyare sa kanya? "Ewan ko sa 'yo. Baka lang kasi may nakita ka na hindi dapat kagabi," seryosong sagot nito mayamaya. Namula ang mukha niya pero pinilit niya pa ring magtaray. "Anong akala mo sa akin naninilip? Hoy, para sabihin ko sayo, mataas ang grade ko sa Christian Living! Saulado ko lahat ng dasal  at minsan ko na ring binalak mag-madre!" singhal niya rito. Napatayo na siya sa kama para ito naman ang tumingala sa kanya. Nanakit na kasi ang leeg niya. "You're defensive, Raine. I wonder what did you see last night that made you crawl out of the house?" anito, nakangisi, nananantya. Napalunok siya. Nakita ba siya nitong nagko-commando crawl palabas ng lungga ng mga haliparot? Imposible! Ungol nang ungol ang kasama nito e! Marahas siyang umiling. A Ewan! Bahala na itong magisip! Bumaba na siya ng kama at nagmadaling lumabas ng maid’s quarters. Hinidi na niya keri pang makipagtitigan dito. Nagi-guilty siya kahit wala naman siyang kasalanan. Madali siyang nagmartsa papasok ng mansyon upang mapahinto lamang sa tapat ng grand staircase. Napakurap siya, napangiwi at tuluyang napatanga. "Hey," bulong nito sa mula sa likuran niya. "Bakit para kang tuod dyan? May naaalala ka ba?" His voice was deep and hot on her ears. Bigla siyang kinilig na kinilabutan. Ay, kinilig. Mali, kinilabutan talaga! Napapadyak na siya dahil hindi niya malaman ang nararamdaman! Itinakip niya ang mga kamay sa tenga bago hinarap ito. "p*****t!" singhal niya rito bago nag-martsa paakyat ng hagdan. Malakas na halakhak lamang ang isinagot nito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD