"Uy, anyare sayo? Kagabi pa kita tinatawagan a!" reklamo ni Kira nang tawagan niya ito.
Tapos na silang mag-almusal ng manyak na si Carlo. At dahil ayaw niyang makahalubilo ito, heto siya ngayon nagkukulong sa kwarto.
"A… ano… w-wala n-nakatulog ako nang maaga," pagdadahilan niya.
"Gaga! Bakit ka natulog nang maaga? Paano na si Fafa Carlo?"
Agad na umakyat ang lahat ng dugo sa bunbunan niya. "Anong paano siya? Bakit kaano-ano ko ba siya? Hindi ko na problema kung umuwi siya ng hatinggabi at may kahalikan at kaanohan sa hagdan!"
Napangiwi siya sa nasabi.
"Ay ano, girl?! Pakiulit!" tili ni Kira sa kabilang linya.
Napabuga na lang siya ng inis na hininga at nagkwento.
“Pak ang abs?” agad na tanong ni Kira pagkatapos.
Sandali siyang nag-isip. “Mukhang pak na pak e.”
Nagtitili ang bakla sa kabilang linya. “Gusto ‘yan, pak na pak na abs!” Kusa naming rumolyo ang mga mata niya.
“P’wede ba, ‘wag na natin siyang pag-usapan. Kaya nga ako tumawag sa ‘yo para mahimasmasan ako e,” reklamo niya.
"Ay sayang! Itatanong ko sana kung mahaba."
"Ang ano hoy?" naeseskandalo niyang sabi.
"Ang legs. Kung mahaba ba talaga ang legs niya at super ma-muscle. Ikaw ha? Yang polluted mind mo, umaarangkada na," kantyaw nito.
Umirap siya. “Nagdasal na ko, ‘no! Humingi na ko ng tawad sa kasalanang nasaksihan ng tantalizing eyes ko. Kaya puwede ba, ‘wag mo na ‘kong asarin." mataray na sagot niya.
"Oo na! Napaka-defensive!"
"Gusto ko nang umuwi diyan, Kira," reklamo niya.
"Ay, kung ako sayo, never na akong uuwi dito kung forever kong makakasama si Fafa Carlo."
Tumikwas ang nguso niya. "Gusto mo palit tayo?"
"Baliw ka rin, ‘no? Mata ko palang hindi na papasang Italyana! I-enjoy mo na lang kasi. At saka maraming gawain ngayon dito. Wala kasi si Ms. Monet, binabantayan si Mimi sa ospital."
"Ha? Bakit?"
"Medyo nanghihina si Mimi e. Kaya mas maganda na sa ospital muna sila. Kaya diyan ka na lang muna, beauty rest ka na lang diyan, okay! Sige na, chika tayo ulit later alligator. Tutulong ako sa paghahanda ng hapunan ng mga bagets. Tandaan, dapat gandara ka lang diyan, girl. Babush!"
Bigla namang nag-alala si Raine sa kalagayan ni Mimi. Agad niyang tinawagan si Ms. Monet. Ayon dito, kailangang ilipat sa Maynila si Mimi upang mas mabantayang maigi ang lagay nito.
Kaya kahit na nahihiya, naasar, at nagngingitngit pa din dahil sa PDWA as in public display of wild affection ni Carlo at ng kasama nito kagabi, naglakas loob na siyang makiusap dito na ihatid siya sa ospital. Kailangan niyang maabutan si Mimi bago ito dalhin sa maynila.
"A-Ate D-Dyosa Raine," mahinang bati ni Mimi sa kanya.
Pinilit ngumiti ni Raine nang ubod ng sigla. Kahit na nagkakandapunit-punit na ang puso niya sa sobrang lungkot at awa kay Mimi. Namumutla ito at halatang naghihina.
"O, anong nangyari sa ‘yo?" tanong niya sa paslit bago marahan hinaplos ang pisngi nito.
"N-Napagod lang po ako. Napapagod na p-po ako," sagot nito, pahina ng pahina ang boses nito. Napatingin siya kay Ms. Monet, bahagya itong tumango.
"A gano’n ba." Muli siyang ngumiti, pilit. "Sabi ko naman kasi sa ‘yo, dyosa lang tayo, maganda lang tayo pero kailangan natin ng pahinga."
Malawak na ngiti ang isinukli ni Mimi. "Tatandaan ko ‘yan Ate, para paglaki ko, magiging dyosa din ako kagaya mo."
"Oo naman! Sure na ‘yan, Mimi!" Hinawakan niya ang kamay nito at marahang pinisil.
Mayamaya pa, biglang bumukas ang pintuan ng hospital room at sumungaw doon si Carlo.
"Carlo," sambit ni Ms. Monet na napatayo sa pa kinauupuan.
"Hello," bati nito bago naglakad patungo sa kama ni Mimi.
"Anong ginagawa mo rito?" bulong niya sa bagong dating.
"Ang tagal mo kasi e," sagot nito, pabulong din.
"Anong matagal? Kararating ko lang,"pabulong ulit.
"Hindi ikaw ang naghihintay kaya hindi mo alam.”
Napairap na siya. Gumanti naman ito ng ngisi.
"Ate Dyosa Raine, boyfriend niyo po ba si Mr. Carlo?" ani Mimi mayamaya.
Sabay silang natigilan bago nagkatitigan. Siya gulat. Si Carlo naman, puno ng kumpyansa.
Bumaling si Raine sa bata. "Mimi, naalala mo yung mga kwento ko sa ‘yong mga kakaibang nilalang na umaaligid sa mga dyosa?"
"Opo. ‘Yong mga halimaw, engkanto at ogre po."
"Yon, tama. Si Mr. Carlo, isa siya sa mga ‘yon." Tinitigan niya si Carlo at tinaasan ng kilay. "Ogre siya. Kaya hindi siya pwedeng maging boyfriend ni Ate kasi kaaway siya ng mga dyosa!"
Napatakip ng bibig si Ms. Monet upang pigilan ang pagtawa nito. Si Carlo naman, naningkit ang mata. Nakikinita na niyang nalalapit na ang pagtatransform nito sa isang ‘di kaaya-ayang nilalang.
Bumaling ito kay Mimi, may matamis na ngiti.
"Mimi, kilala mo ba si Shrek?"
Tumango ang bata.
"Alam mo ba ang napangasawa ni Shrek na si Princess Fiona ay dati ring maganda, mala-dyosa, pinag-aagawam ng mga prinsipe pero in the end, lumabas din ang tunay na kulay niya dahil ang totoo…" Bumaling sa kanya si Carlo, naka-plaster sa mukha nito ang mapang-asar na ngiti. "Ogre din pala ito!" ubod ng diin nitong sabi bago muling bumaling kay Mimi. "Kaya kahit dyosa Mimi, pwede ding maging ogre."
Mahinang humagikgik ang bata at si Ms. Monet. Lihim naman siyang nangngitngti at sinamaan ng tingin ang lalaking mapagsinungaling at mahilig manggulo sa mga istorya niya.
Sasagot pa sana siya nang biglang dumating ang nurse at doktor na magdadala kay Mimi sa ospital sa Maynila. Si Carlo ang bumuhat sa bata at nagtulak ng wheelchair nito. Habang siya naman ang nagbuhat ng mga bag ng bata.
Habang hinihintay nila ang ambulansya sa lobby ng ospital, umupo nag-squat siya sa harap ng wheelchair ng bata at kinausap ulit ito.
"Mimi, ilang araw na lang birthday na ni Ate. Dapat magaling ka na no'n para gaya nang dati tutulungan niyo akong magblow ng candle sa cake ko," aniya, nangingilid ang luha.
Malamlam ang mga mata ni Mimi pero pilit itong ngumiti. It was more than enough assurance for her that she will see again the little girl. Nang maipasok sa ambulansya si Mimi ay nakita pa niya itong kumaway sa kanya habang papasara ang pinto ng sasakyan.
Gumanti siya ng flying kiss bago tuluyang naluha. Kalakip niyon ang isang panalangin─ na sana kahit gaano ka-imposible ay dugtungan pa ng Diyos ang buhay nito.
Malayo na ang ambulansya nang mapatingin siya kay Carlo. Nagtama ang mga tingin nila, nasa mga mata nito ang simpatya.
He grabbed her hand and gently squeezed it. Hindi na siya tumanggi, kasi kahit ang mga dyosa umiiyak din.
*****
Matuling lumipas ang mga araw. Bisperas na ng Araw ng Pasko at nakabalik na rin mula Maynila sina Mr. Leo at Ms. Rosie.
At ang unang ginawa ni Mr. Leo pagkarating na pagkarating ng mga ito mula Maynila, agad siya ulit nitong pinacheck up kay Dr. Andrew dahil humihilik daw siya. Kung paano ito nalaman ng guardian niya, hindi rin niya alam.
Sa nakalipas na mga araw, tanging pagkukulong sa kwarto ang inaatupag niya. Ayaw niya kasing makausap si Ms. Rosie. Nakareserba ang pakikipag-usap niya rito tuwing naghaharap-harao sila sa hapag. Strikto kasi si Mr. Leo sa oras ng pagkain.
Pero dahil espesyal ang araw na iyon, plinano niya talagang mag-bake. Ngayon lang niya kasi maipapakita ang baking skills niya sa mga ito.
Nagself-study siyang mag-bake. Ilang buwan din niyang ginawang tambayan ang bakery na nadadaanan niya pauwi ng CHF galing eskwela. And of course special mention na rin si Google. Kaya ‘yon, natuto siyang mag-bake. So far, maganda naman ang feedback. Ginawa na nga niyang negosyo, pandagdag na rin sa baon niya.
Plinano niyang gumawa ng lemon cake with cream cheese frosting dahil iyon lang ang available ang ingredients sa pantry.
Siesta ng hapon nang umpisahan niyang mag-bake. Tinaon niya talagang wala pang tao sa kitchen. Natatakot kasi siya talagang mabugahan ng apoy ni Ms. Rosie habang naghahanda ito para sa Noche Buena. Tradisyon kasi ng mga Reyes ang mag-imibita ng mga kakilala tuwing Noche Buena. Kalimitan, alas-singko ng hapon ang umpisa ng pagiging abala sa kusina ni Ms. Rosie para sa Noche Buena.
Kaya naman inagahan na niya ang pagbe-bake upang malaya siyang kumilos at mabilis biyang matapos ang pagluluto.
Mabilis ang kilos niya. Agad niyang tinipon ang mga ingredients at pinagsama-sama ang mga iyon upang makabuo ng batter. Wala pang 30 mins, naisalang na niya ang batter sa oven.
Habang hinihintay ang niluluto niya, pinasya niyang tawagan si Ms. Monet upang kumustahin Si Mimi. Ayon dito, stable ang kondisyon ng bata pero mahina pa rin. Sabi ng doktor kapag bumuti ang pakiramdam nito sa mga susunod na araw, baka makauwi na raw ang mga ito bago ang Bagong Taon, sakto sa birthday niya.
Napangiti siya. Sana nga makauwi ang mga ito. Hindi kumpleto ang birthday niya kapag hindi kumpleyo ang attendance sa CHF.
Nang tapusin niya ang tawag, eksakto namang okay na ang bine-bake niya. Mabilis niya itong nilagayan ng dekorasyon ng lumamig nang bahgaya at ipinasok sa ref.
Napangiti siya. Sabi nila kapag masaya ang nagluto ng pagkain, mararamdaman daw iyon ng kakain. Sana nga magustuhan ito ng mga Reyes, makabawi man lang siya sa mga kabutihan ng mga ito. Nasa cake na ‘yon ang sampung taon na pasasalamat niya sa kabutihan ng mga ito. Sana nga maramdaman nila ‘yon sa bawat subo.
Babalik na sana siya sa kwarto niya nang may marinig siyang naguusap sa library. At dahil intremitida siya, na-engganyo ulit siyang makinig sa nakapinid na pinto.
"Please not my son..." umiiyak ang nagsasalita. Sigurado siyang si Ms. Rosie ‘yon.
"This is what he is destined to do, " sagot naman ng kausap nito na sigurado din siyang si Mr. Leo.
"Don’t make him like you!" punum-puno ng hinanakit na sambit ni Ms. Rosie.
Napakunot noo si Raine. Mukhang nag-aaway ang mga ito tungkol kay Carlo.
At dahil agad na nadala ng kunsensya, agad siyang lumayo sa pintuan at umakyat sa kwarto.
Chismosa ka talaga! Bad mag-eavesdrop! sita niya sa sarili.
Pero hindi niya rin maiwaglit sa isip niya ang naging usapan ng mag-asawa.
Ano ba kasing ipapagawa ni Mr. Leo kay Carlo? Ang sabi nito "its what he is destined to do"?
Hindi ba ang destiny ni Carlo ay magkaroon ng pak na pak na abs, mag-masteral sa martial arts, at mag-doctorate sa mga babae?
Nalukot ang mukha niya.
A Ewan! Basta hindi na niya iisipin ‘yon. O mas tamang sabihing, pipilitin niya ang sariling h’wag nang isipin ‘yon.
*****
"Dito ka na lang Raine, kami na ang bahala sa mga bisita," paalala ni Yaya Mildred sa kanya.
Naroon siya ngayon sa kitchen at nakatunganga habang abala ang buong mansyon sa pagho-host ng Noche Buena sa mga bisita ng Reyes. Gusto man niyang tumulong, hindi niya magawa. Tuwing may handaan kasi, nasa kusina lang siya at hindi sumasalo sa mga bisita. Ayaw ni Mr. Leo, para din daw sa kanya ‘yonn.
Para kung saan, hindi rin iya alam. Ayos na rin ‘yon. Hindi naman niya ka-level ang mga elitista. Mahihirapan lang siyang makihalubilo sa mga ito.
Napabuntong hininga na lamang siya habang pinagmamasdan ang dalawang kasamabahy na siyang umaasikaso sa mga kakainin ng mga bisita.
Nagpasya na lamang siyang ilabas sa ref ang cake na ginawa niya at inilagay sa cake stand.
Sumilip siya mula sa entrada ng kusina. Nakakalagay na ulit doon ang divider na nagkukubli sa hallway patungo sa kusina. Lumapit siya doon at sumilip─ kita mula roon malawak na salas ana noon ay puno na mga bisita. Nakita niyang kasama sa mga bisita ng mga Reyes ngayong taon ang mgamagulang ni Mike.
Nagmadali nita itong tinext.
"Hello! Merry Christmas! Saan ka?"
Nag-reply ito agad.
"Party. Kasama ko sila Daddy at Mommy."
Pinilit ulit niyang sumilip sa mga nagkakasayahang bisita.
Bingo! Nakita na niya si Mike. Napaka-neat nitong tignan sa powder blue polo shirt at black pants.
Kung sabagay, may kaya naman talaga ang pamilya nito. May-ari ang pamilya nito ng grocery stores na nagkalat ang branches sa buong lalawigan kaya kasama rin ang pamilya nito sa mga may sinasabi sa buhay.
Muli siyang tumipa sa cellphone niya. Wala rin lang siyang magawa, pagtitripan na niya si Mike.
"Ampogi natin ngayon a! Bagay sa ‘yo ang powder blue. Lakas makagwapo!"
Sumilip ulit siya sa pinagkukublihan niyang pwesto sa kusina. Napahagikgik siya nang makitang nagpalinga-linga ito.
"Nandito ka sa party?" text nito.
"Wala, no!"
"E ba't alam mo suot ko?"
"Ay nakpowder blue ka ba talaga na polo tapos black pants? Tignan mo nga naman, mukhang may future pa ko sa panghuhula."
"Pinagtitripan mo ba ko?"
"Hindi kaya! Malakas lang ang vibrations ko ngayon."
"Pinaninindigan mo talaga ‘yang pagiging manghuhula mo a."
"Naman! Sige hulaan ko ulit a." Muli niya itong sinilip. "Iinom ka ngayon ng iced tea."
Hindi naituloy ni Mike ang pag-inom nang mabasa ang text niya. Lalong nangunot at noo nito at muling nagpalinga-linga.
"Seriously Raine, sa’n ka? Inimbitahan ka ba ni Mr. Leo sa party tonight?"
Si Mike lang ang natatanging kaeskwela niya na nakakaalam na si Mr. Leo ang benefactor niya. Pero hindi nito alam ang tungkol pa sa pakikipanirahan niya sa mga Reyes tuwing bakasyon.
"Hindi nga sinabi, ang kulit!" natatawa niyang sagot sa txt nito.
"Sinusumpong na naman ‘yang toyo mo!"
"Oo. Next time lalagyan ko na ng kalamansi para naman may ibang flavor J"
Natatawa pa rin niyang kinakalikot ang cellphone niya nang biglang may magsalita sa likuran niya.
"What are you doing?"
Awtomatiko ang paglingon niya.
It was Carlo with his ever dashing aura on his black jacket, gray v-neck shirt underneath and jeans. He’s ruggedly handsome on the ensemble. Bulag lang ang hindi magsasabing gwapo ito.
Tumikhin siya at mabilis na sinaway ang sarili matapos mapatunganga sa ka-guwapuhang nasa harapan niya.
Inaamin niya. Gwapo ito. Sobra-sobra pa nga! Kaso, antipatiko rin kaya deadma na lang!
Patuya niyang ginaya ang "what are you doing nito" bago bumira ng, "Obvious ba nagtetext ako, ‘no."
"I mean why you are there? ‘Di ba bawal kang makita ng mga tao? Bakit sumisilip-silip ka? Di ka na naman nag-iisip na babae ka!" inis na sabi nito bago siya muling hinila pabalik ng kusina.
"Aray ha? Makahila naman!" reklamo niya nang bitiwan siya nito, bahagya pang hinilot- hilot ang nasaktang braso.
"Bakit ba kasi ang kulit mo?" anito, kunsumido.
"E ano ba kasing problema mo? Nagtatago naman ako a. Napaka-OA mo! Bakit, masama bang mag-text do’n, ha? Ha?" angil niya sa kaharap.
Humugong ito. "Bakit, sinong ka-text mo?"
Tumikwas na ang nguso niya at inirapan ito. "Why do you need to know?"
"Patingin nga ng cellphone mo," utos nito.
Umirap lang siya at marahang ibinulsa ang cellphone niya. Ang alam niya, ibinulsa niya pero may dumaan na hangin at ang sumunod na eksena, hawak na ng magaling na lalaki ang cellphone niya!
Jusko! Anong nangyari?
Hindi siya agad nakakilos, tila nag-hang ang central nervous system niya.
"Mike mi loves ha?” Ngumisi ang lalaki. “Is this Mikael Hernaez? Sino ‘to boyfriend mo?"
Lalo siyang nagngitngit "Chismoso!"
Ngumisi ulit ito. At tinignan ang cp niya. Tinangka niyang agawin ang cellphone niya pero hindi niya nagawa. Mas matangkad ito sa kanya e. Paano niya maabot?
Mayamaya pa, tumunog ang cellphone niya. Mas lalo siyang nagpumilit na makuha ang ito. Bumwelo siya nang anong bilis at matagumpay niyang naagaw ang cellphone niya.
Pagharap niya sa lalaking chismoso at pakialamero, naka-plaster na sa bibig nito ang ngiting nakakaloko. Binelatan na lang niya ito.
Tumawa lang ito. Sinabihan pa siya ng "Goodluck!" bago nagmartsa patungo sa sala.
"Baliw," bulong ni Raine at agad na chineck ang text ni Mike sa kanya.
Namutla.
Nawindang.
Naisip maglayas sa ilalim ng lababo.
At Humiling na lamunin na ng lupa.
‘Yan ang mga nangyari sa kanya nang makita ang reply ng na si Carlo sa text ni Mike.
"This is Gian Carlo Reyes, pls stop texting my girlfriend."
Napapadyak na siya sa inis. Lintek na chismoso! Ano na lang ang iisipin ni Mike?
Jusko hindi pwede 'to! Hindi talaga pwede!
Paano na ang future love story nila ni Mike? Paano pa magiging reality ang mga panaginip niya? But more than that, paano na lang kung iwasan siya nang todo ni Mike sa school? Wala na nga siyang kaibigan sa SGA, tinaboy pa ng pahamak na ogre na ‘yon!
Lumabas siya ng mansyon gamit ang backdoor. Humugot siya ng malalim na hininga at lakas loob na tinawagan si Mike.
Ring lang ng ring ang cellphone ng kaeskwela at nag-aalala siya talaga. Inulit niya ang pag-tawag pero gano’n pa rin.
Nataranta na siya.
More than the special feeling, she needs Mike's friendship. Because if it weren't for him hindi niya maiisip kung paano siya nakasurvive ng tatlong taon sa SGA na walang ibang kumakausap sa kanya kundi ito lang. Siyempre exemption ang mga manliligaw niya na puro ere lang ang bukambibig.
"Hello?" Nabuhayan siya ng pag-asa nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ng kaibigan sa kabilanhg linya.
"M-Mike! A… ano…ano kasi... si Kira... si Kira ang nag-text no’ng huling text msg ko sayo. ‘Yong ano... basta ‘yong… tungkol kay ano..."
Natawa si Mike sa sa kabilang linya. Napangiwi naman siya. Heto siya kinakabahan tapos natatawa ‘yong kausap niya.
"Ba't ka natatawa?" may bahid na pagtataray na tanong niya.
"E kasi naman alam kong joke lang yung text ni Kira."
"Ha?"
"Si Gian Carlo Reyes boyfriend mo? Weh ‘di nga?" anito, may halong pagkamangha.
Nanikwas ang nguso niya. Anong ibig nitong sabihin, hindi pwedeng magkagusto si Carlo sa kanya? Not that she care, but jusko naman, mas maganda naman siya kaysa sa mga babaeng nali-link sa ogre na ‘yon!
"Wow ha! Ang taas din ng standards mo, ‘no? Parang heavenly bodies lang,"inis na komento niya.
"Oo!"
Aba't oo lang talaga? Napangiwi siya. Kaya siguro hindi siya nito nililigawan o kahit palipad hangin man lang kasi hindi nito type ang beauty niya.
"Sus! If I know my HD ka din sa akin. ‘Wag ka nang mahiya. Maiintindihan kita kung naaakit ka din sa akin," aniya.
"Hala! Pa’no mo nalaman na may HD talaga ako sa ‘yo?"
Napatulala siya.
"A-As in HD talaga?" kandautal niyang tanong.
"Yep! HD talaga. As in hidden diri!"
Lalong nalukot ang mukha niya. Napalingon siya sa loob ng mansyon. Bigla kasing nangati ang kamay niya na sabunutan ito.
Jusko! Noong una, half-breed siya. Ngayon naman may hidden diri ito sa kanya.
Ang galing galing din nito talaga!
Mukhang hindi niya magagamit kay Mike ang dreams do come true. Malinaw na sa kanya ngayon kung ano talaga ang meron lang sa kanila. Friendship lang no more, no less. Pero ok lang siya. May kudlit nang kaunti sa puso pero keri naman.
Ito na ba ‘yong pakiramdam ng broken hearted? Parang hindi naman masakit.
Sandali pa silang nagkwentuhan ng kaibigan bago nito tinapos ang tawag dahil nakahanda na raw ang hapunan ng mga ito.
Siya naman ay napa-upo sa hagdan patungo sa maids quarter. Inihilig niya ng ulo sa pinto ng kwarto ni Yaya Mildred at napabuntong-hininga.
Taon-taon na lang ba gano’n ang drama niya? Nag-iisa tuwing pasko.
She smiled bitterly.
If only her parents were still alive, siguro masaya ang bawat pasko niya, ang bagong taon at birthday niya.
Napatingala siya. Maramaing bituin. Masarap humiling.
"Papa, Mama, name-miss ko na po kayo. Merry Christmas po," aniya sa garalgal na tinig.
Muli siyang bumuntong-hininga. Hinintay niya ang pagtatapos ng salo-salo sa loob ng mansyon habang nakahilig pa sa pintuan ng maids quarters. Doon na rin siya dinalaw ng antok.