DREAM
Takbo.
Lakad.
Takbo.
"Amore mia, you are strong, you are brave. Don't cry, I will protect you. Ti amo."
Anang babaeng walang mukha, puro boses lang ang naririnig niya.
"Si Mama, ti amo," sagot ng paslit na babae.
*****
Nagising si Raine dahil sa marahang pagyugyog sa balikat niya. Namulatan ang nakakunot-noong si Carlo.
"Ba't diyan ka natulog? Kahit kailan, hindi ka talaga nag-iisip!" inis na sabi nito bago pumalatak.
At dahil hinid pa nakakawarm-up ang isip niya dahil sa hindi inaasahang paghimbing, hindi niya agad nasagot ang patutsada nito sa kanya. Nangaligkig siya dahil sa lamig. Pinagdikit niya ang mga palad at ikiniskis iyon upang doon umamot ng kaunting init.
Pumalatak naman si Carlo at dagling hinubad ang jacket nito.
"O, isuot mo," utos nito. Hindi na siya nagdalawang-isip, tinanggap niya ang jacket at mabilis iyong isinuot.
"Nagsisiuwian na ang mga bisita. Puwede ka nang bumalik sa loob," pahayag nito.
"Sige, susunod na ko," aniya at tumayo na.
Nagpatiuna si Carlo sa paglalakad bago muling pumihit sa kanya.
"You know Italian?" takang tanong nito sa kanya.
"Ha?"
"Kanina kasi mukhang nananaginip ka. sabi mo Si Mama, Ti Amo."
"A ‘yon ba? Oo matagal ko na ngang panaginip ‘yon. Pabalik-balik."
Kumunot ang noo ng lalaki. "Kapag daw recurring ang dream it could be a part of a memory."
It could be. Pero di naman niya maintindihan, kulang kulang kasi. Kaya hindi niya binibigyan ng pansin gaano.
"Psychologist ka ba? Humehenyo ka na a!" tudyo niya rito.
Pumalatak ito. "Sinusumpong ka naman." Napailing ito. "O ito, Merry Christmas." Ngayon lang niya napansin na may hawak pala itong teddy bear, isang malaki at isang maliit.
"Akin to?" nagtatakang tanong niya.
"Oo nga. Sa ‘yo ko inaabot, di ba?" anito, sarkastiko.
"Galit lang? Kung magbibigay ka raw dapat ‘yong bukal sa loob. Hindi ‘yang ganya na napipilitan ka lang. Kasi, hindi babalik sayo ang blessing," pangaral niya sa bugnutin na nilalang.
"Dapat nga ‘yang maliit lang ang bibilhin ko e para kay Mimi. Kaso pinilit ako no’ng sales lady na bilhin din ‘yang malaki. Para daw may nanay ‘yong baby bear." Napakamot ito sa batok, tila naasar.
Natawa siya.
Nanay ng bear? Echosero talaga ‘tong ogre na to! Naisip niya. Hindi pa nito aminin na gusto talaga siya nitong bigyan ng regalo.
"E ‘di thank you po, Kuya," asar pa niya rito.
"Hindi mo nga ‘ko kuya sinabi!" asik nito.
"Hala, ang composure! O, humuhulagpos na ang pagka-ogre mo! Hinay-hinay lang. Ang pogi mo pa naman ngayon, Papa Bear," nakangising tudyo niya rito.
He scoffed.
"Papa Bear?" Tumaltak ito bago nagkamot ng ulo. "Halika na nga,” anito bago nito hinigit ang isang kamay niya at hinila siya pabalik sa backdoor ng mansyon.
*****
Nakaalis na lahat ng mga bisita sa mansyon nang pumasok siya sa kusina. Napansin din ni Raine na wala na sa cake stand ang cake na bi-nake niya!
Hala! San na napunta?
Para ‘yon sa mga Reyes. Exclusive!
Mayamaya pa, sumungaw sa kusina si Ms. Rosie. Naka-red dress ito, nakakulot ang hanggang balikat na buhok at ang natural na pa-stiff neck look nito tuwing nakakaharap siya.
"Francine!" tawag nito sa kanya.
"Y-yes p-po, Ms Rosie?" kandautal niyang sagot.
"Did you bake the lemon cake?" tanong nito, nakataas pa rin ang noo.
"Y-yes, Ms. Rosie."
Bumuntong hininga ito. Naisip ni Raine na kuhanin ang takip ng malaking kaldero sa gaya ng suhestyon ni Kira, bago siya bugahan ng nagngangalit na apoy ng panlalait nito. Pero wala siyang makitang takip sa malapit. Napangiwi siya. Tiyak lapnos na naman ang pagkatao niya kapag nagsalita na ito.
"Masarap," tipid itong sabi, halos walang emosyon. "Gawan mo ko ng sampu para bukas. Nagustuhan ng mga bisita ko," anito bago muling pumihit palabas ng kusina.
Saka lamang siya nakahinga nang maluwag upang agad ding mapakunot-noo nang maalala ang sinabi nito.
Sampu? As in ten.
Napangiwi siya, Hindi nga nagtaray, bawing-bawi naman sa pag-ubos ng lakas niya bukas.
Madam Dragonica nga naman!
Nakangisi naman si Carlo na sumunod sa ina nito bago nang-aasar na itinaas ang dalawang kamay as he mouthed "Ten. Wow!" bago umiling.
Ku-u! Mag-ina nga ang mga ito!
*****
Hindi magkandaugaga si Raine sa pagbe-bake ng mga ipamimigay ni Ms. Rosie na lemon cake.
Jusko! Mas gugustuhin na lang niyang magbuga ng apoy si Madam Dragonica kaysa naman pinapagod siya nito nang bongga.
Nang sitahin ni Mr. Leo ang asawa nito, bumira ang Dragonica ng,"She enjoys doing it, right, Francine?"
Ang sagot niya? Siyempre, umoo siya!
Alangan namang sabihin niyang hindi kahit pakiramdam niya na isa na siyang estatwa na punum-puno ng harina dahil pang limang araw na siyang nagbebake ng lemon cake with cream cheese frosting!
Nagsisisi na siya tuloy kung bakit pa niya kasi naisipang ipakita ang baking skills niya.
Pasulpot-sulpot sa pagtulong ang dalawang katulong ng mansyon. Siyempre may iba pang gawain ang mga ito.
Mabuti na lang last batch na ng lemon cake ang bine-bake niya. Halos alas-dies na rin ng gabi at nauna nang natulog ang mga kasama niya sa bahay maging ang mga katulong.
Inaantok na rin siya pero determinado siyang tapusin ang pagbe-bake nang matapos na ang paghihirap niya. Bukas New Years Eve na tapos birthday na niya. Napangiti siya. Ilang araw na lang kasi makakauwi na siya sa CHF. Babalik na sa normal ang buhay niya.
Umupo siya sa stool na nasa counter at doon hinintay na maluto ang cake na nasa oven. Humikab siya. Pagod na siyang talaga.
Nagpasya siyang maidlip muna at i-set ng alarm sa cellphone niya.
Pinagkurus niya ang mga braso sa counter at doon umidlip.
After 2 hours
Naalimpungatan si Raine mula sa pagtulog sa kitchen counter. Nanlalaki ang matang napatitig siya sa cellphone niya.
Dalawang oras siyang nakatulog!
Halos magkanda-laglag siya sa stool na inuupuan niya upang i-check ang cake na nasa oven! Pagbukas niya ng oven, nakapatay na iyon at wala na ang mga tray sa loob. Agad niyang ipinaikot ang mata sa loob ng kusina at doon niya nakita ang nakahilerang trays ng cake sa kitchen island.
Nakahinga siya nang maluwag.
Ano ba naman kasing nangyari sa kanya at nakatulog siya ng gano’n kahimbing? Buti na lang hindi nasunog ‘yong mga cake. ‘Pag nagkataaon, baka nagkasunog pa!
Jusko!
Lumapit siya sa kitchen island. May nakapatong na note doon.
Dear Ms. Espasol,
Nakialam na ako.
P.S. Naglalaway ka pag tulog
C
Nahindik siya sa nabasa. Mabilis niyang pinunasan ang gilid ng bibig. Tuyo naman a. Na-conscious tuloy siya.
Shit! Totoo bang naglalaway siya pag tulog?
Napahilamos siya ng sariling mukha.
Baka ‘di lang siya naglalaway, baka nga nakanganga pa!
Jusko!
Mabilis niyang tinapos ang pagde-decorate ng mga cakes at nang matapos, dahan-dahan niya iyong pinasok sa ref.
Napabuga siya nang pagod na hiningi. At least, tapos na ang mga giveaway cakes ni Madam Dragonica.
*****
New Years Eve, 10 pm, Library, Rancho Reyes
"Pasok ka, Francine," utos ni Mr. Leo.
Nahihiya siyang pumasok sa Library.
Nakangiting itinuro ni Mr. Leo ang upuan sa harapan ng magarang office table. Umupo siya at nginitian ang matanda.
Bakas sa mukha nito ang pagod. Lately kasi, masyado itong abala sa mga gawain sa rancho. The ranch supplies thoroughbred horses to the elitist class in the country. And he earns millions in just one sale of a horse.
Mr. Leo is now grey haired and fine lines of old age starts to appear on his face. But no matter how Mr. Leo ages, for her, he will always be the caring and soft spoken close to a father she had growing up.
Naalala niya noong bata siya, tuwing nananaginip siya at nagigising ng madaling araw sa CHF, pinupuntahan siya nito para patahanin. Minsan doon na nito hinihintay ang pagsikat ng araw. Doon din niya unang narinig ang anak sa labas na bansag ni Ms. Rosie sa kanya. Doon din niya unang nasaksihan ang matinding pagtatalo ng mag-asawa dahil sa kanya.
In her heart of hearts, she wished Mr. Leo is her real father. But something inside her tell her he isn't.
"Two hours na lang birthday mo na. Anong gusto mong regalo?" nakangiting tanong nito.
Napangiwi siya. Nahiya. Taun-taon, iyon ang parati nitong tanong sa kanya, pero lagi naman siyang tumatanggi.
Sapat na sapat na sa kanya na pinapaaral siya nito at inaalagaan kahit hindi siya nito kaano-ano. Yeah, she can feel she's not related to the Reyeses at all, kahit na iyon pa ang sabi ni Mr. Leo.
Wala siyang maramdamang lukso ng dugo. As in zero, not even a speck. But she's thankful they took her in. She couldn't ask for more.
"Sige na. Kahit na ano Francine," pilit pa rin nito.
"Pwede po ba akong magtanong?" lakas loob niyang sagot.
"Sure! Ano yon?"
"G-Gusto ko pong malaman ang pangalan ng mga magulang ko."
She swallowed. Hard. She's anticipating for his answer. Matagal na niya iyong gustong itanong pero nauunahan siya ng hiya.
Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ng matanda. Bumakas sa mukha nito ang pag-aalala at pangamba.
"Im sorry Francine but you will learn about them when the right time comes," seryosong sabi nito.
Tumango-tango siya bago yumuko. She's disappointed. But she'd decided not to show it to the old man. Wala siyang karapatang magtampo. All her life he did not withhold her of anything that is good for her. Ngayon pa ba siya magtatampo?
Kung hindi pa panahon na malaman niya ang buong katauhan ng mga magulang niya, then she will wait till that time comes.
"Wala ka ba talagang gustong materyal na regalo ngayong birthday mo?"
Ngumiti siya at dahan-dahang umiling.
"Bueno, ako na lang ang magkukusang magbigay sayo."
May inilabas itong box. Pahaba iyon at black velvet ang pabalat.
"Here you go. Open it."
Nahihiya niyang kinuha ang box at marahan iyong binuksan. It was a gold name plate bracelet. Etched on the plate is her name in full.
Francine Marithe.
Napangiti siya. It's the first jewelry she possessed and at that very moment she promised herself that she will take good care of that gift.
"Give me your hand let me help you," ani Mr. Leo. Sinunod niya ang sabi nito at ikinabit nito sa kaliwang kamay niya ang alahas. Kuminang iyon nang natamaan ng ilaw.
“You have to promise that you will always wear this,” sabi pa nito.
Masigla siyang tumango. "Opo. Salamat po," aniya.
Ngumiti lang si Mr. Leo. Pagkatapos ay bumuntong-hininga tila ba may iniinda ito ngunit agad din iyong pinalis.
"Ano nga palang gusto mong course sa college?" biglang tanong nito sa kanya.
"P-po?" takang tanong niya. Dalawang taon pa bago siya mag-college. Sa katunayan, hindi pa niya gaanong iniisp ‘yon. Pero balak niyang pumasok sa HUMSS strand sa senior high.
"I need to secure your future, Francine. Gusto ko, whatever happens, alam ko na patuloy kang makakapag-aral," seryosong pahayag nito.
Bigla siyang kinabahan. Hindi niya alam pero parang nagpapa-alam ang guardian niya sa kanya.
"M-May p-problema po ba?" lakas loob niyang tanong.
Ngumiti ito.
"Wala, Francine. Kaya lang mas maganda na nakahanda tayo. Para kung may hindi inaasahang pangyayari hindi na tayo mabibigla."
Tumango-tango siya. May point naman si Mr. Leo. Akala niya kung ano na.
So balik sa tanong, ano nga ba ang course niya sa college?
"Mass Communication po siguro or anything related to social sciences," alanganing sabi niya.
Napakunot ang matanda pero ngumiti din pagkatapos.
"Kung ‘yan ang gusto mo susuportahan kita. You know I always want what's best for you, Francine," malungkot na ngumiti si Mr Leo.
"S-salamat po, Mr. Leo," she tried to give him a full smile.
"Siya nga pala bukas baka hindi kami makadalo sa birthday mo sa CHF. May gift-giving din kasi kami dito a rancho. Si Carlo na lang uli ang maghahatid sa yo, okay lang ba ‘yon?"
"O-opo," alanganin niyang sagot. "Mr. Leo, puwede po bang ‘wag na lang ako maghanda this year? Nasa ospital po kasi ‘yong isa sa mga inaalagaan ng CHF, gusto ko na lang po na ibigay para sa gastusin niya ‘yong ipanghahanda ko."
Sandaling nangunot noo ang matanda pagkatapos ay ngumiti.
"You remind me so much of your mother," mahinang sabi nito. "Bueno, kung y’an ang gusto mo, payag ako." Tumayo na ang matanda, gano’n din siya.
"Let me be the first one to greet you, happy birthday, Francine," nakangiti ito.
"Salamat po, Mr. Leo" sagot niya bago niyakap ang ama-amahan.
She silently wished he'll live to a hundred so that she'll always feel secured and loved.
Mayamaya pa, nagtawag na si Yaya Mildred. Hinihintay na raw sila nina Ms. Rosie at Carlo sa porch para sa fireworks display.
Marahang tango lang ang isinagot ni Mr. Leo.
"By the way Francine, aalis kami ni Rosie for Switzerland. We will be there for a couple of months. Kaya habang wala kami, si Carlo muna ang bahala sayo. Okay lang ba?"
Napakurap siya at walang hiya-hiyang napanganga. Bigla kasing nag-system shutdown ang lohika niya at hindi niya naiproseso nang maayos ang sinabi ng guardian niya.
Ano daw? Si Carlo muna ang bahala sa kanya?