Chapter 7

1598 Words
  "Ano bang problema mo? Kanina ka pa tingin nang tingin sa cellphone mo? Ito na nga o, pauwi ka na," inis na tanong ni Carlo. Nasa daan na sila patungo ng CHF. Finally makakauwi na siya pero para hindi pa rin siya mapakali. "Matagal na kasing hindi nag-tetext si Ms. Monet gano’n din si Ms. Dianne, pati si Kira. Baka sira na 'tong cellphone ko," pahayag niya, lukot na lukot ang mukha. "Tapon mo na kasi. Mas nauna pa ‘ata yang cellphone mo sa mga dinosaurs, e," kantyaw magaling na lalaki. Napahampas na siya sa braso nito sa sobrang inis. Kinakabahan na nga siya na ewan, nagawa pa siya nitong biru-biruin. Kagigil talaga!  Hindi niya ‘ata kakayanin na ito muna ang titingin sa kanya habang wala si Mr.Leo. Baka dumating ang oras na magdilim na lang nang basta ang paningin niya at magilitan niya ito ng leeg! Jusko,  ayaw niyang makulong! Umayos siya ng upo sa passenger’s seat at itinuon na lamang ang atensyon sa pagkontak kay Ms. Monet. Kaya lang, kahit sa tawag, hindi ito sumasagot. Mayamaya pa,  narating nila ang CHF. Nagmamadalii siyang pumasok sa compound. Tahimik. Walang mga batang naglalaro sa maliit playground. Nagdire-diretso siya sa kusina dahil nakasarado ang front door. Nadatnan niya roon si Manang Letty. May ibinabalot itong mga pagkain. "Tita, Happy New Year po!" masiglang bati niya. Gulat na napatingin si Tita Letty sa kanya. "R-Raine?" "Nasaan po ang lahat? Nag-field trip po ba sila?” natatawang tanong niya. Natigilan ang matabang babae nangilid ang luha. Nang sumagot ito, parang may dumagan sa dibdib niya. Wala na. Wala na siya.                                                                                           *****   "Nagpaalam siya Raine. Nag-sorry na hindi na niya mahihintay ang birthday mo. Inaantok na raw kasi siya," kwento ni Ms. Monet sa pagitan ng paghikbi. Mimi died 2 days before New Years Day. Hindi nila agad pinaalam sa kanya dahil alam nilang malulungkot siya ng husto. Mimi was six. Tinapunan niya nang tingin ang batang nakahimlay sa kabaong. Para lang itong natutulog. Napapikit siya. Hinagilap sa alaala ang maamong mukha ng bata. Ang matamis na ngiti nito tuwing sinasabi nitong "Ate paglaki ko gusto kong maging diyosa din kagaya mo". Ang mahinang pagtawa nito. Nangilid ang luha niya, ngunit pinigil niya ang pagtulo niyon. Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Oh God! She's so young... Pilit niyang nilunok ang bikig sa kanyang lalamunan at dahan-dahang nagbuga ng hangin. Pinamanhid niya ang kanyang sarili habang ipinapaikot ang tingin sa maliit na chapel na inookupahan nila para sa burol ni Mimi. Mimi was abandoned as a baby but God gave her a family through CHF. And they were all here for her, for the very last time. Napaupo siya sa isa sa mga pew. Nagkukwento si Ms. Monet pero walang maiproseso ang isip niya. Tumabi si Carlo sa kanya, naririnig niyang may kausap ito pero hindi rin niya maintindihan. Lutang siya. May isang minuto na hiniling niya na sana panaginip lang ang lahat. Na ang realidad ay naroon siya sa sa kalagitnaan ng birthday party niya, kumpleto ang attendance ng CHF at sasabayan nila siyang hipan ang birthday candle niya. Pumikit siya. Kumurap. Umiling. Kaya lang, ang malungkot na eksena pa rin ang nasa harapan niya. Mayamaya pa, dumating sina Mr. Leo at si Ms. Rosie. Dala ng mga ito ang kaisa-isang flower wreath para sa bata. Hindi  na niya alam kung paano siya kumilos habang naroon ang mga ito. Ang tanging naiproseso ng isip niya ay nang magpaalam na ang mga itong uuwi na kinahapunan kasama si Carlo. Latag na ang gabi at grupo-grupong pinapauwi ni Ms. Monet ang mga bata. Si Kira na ang nagprisintang magbantay at magpatulog sa mga alaga ng CHF. Pero siya,  nagpaiwan siya kasama ni Ms. Monet sa chapel. Lalong napiga ang puso niya nang maramdaman ang laki ng chapel para sa kanilang dalawa ni Ms. Monet. Huling gabi ng lamay iyon. Wala na bang ibang darating? Kamag-anak? Kaibigan? O kaya magulang ni Mimi? Wala na nga siguro. Anim na taon na naghintay si Mimi na balikan siya ng nanay nito. Pero kahit sa huling hininga ng bata, ni hindi nito nasilayan ang ina. Muli siyang napabuntong-hininga . Bumalik siya sa pag-upo sa pew, itinaas ang dalawang binti at niyakap ang mga iyon bago isinubsob ang mukha roon. Pagod siya. Marahil sinisingil na siya ng katawan niya sa ilang araw na pagbe-bake sa mansyon. Pero bakit gano’n, nakapikit ang mata niya pero gising na gising ang isip niya. Siguro kasi alam ng isip niya,  kapag natulog siya,  walang magbabantay kay Mimi. Huling sakripisyo na niya ‘yon para sa magiliw na bata, ipagkakait pa ba niya? Mayamaya pa, may kumalabit sa kanya. Agad siyang napalingon. Nagulat pa siya nang makita niya si Carlo. Umuwi na ito kanina a. Pero bakit… "Halika muna sandali," anito. "Pero─" alanganin niyang sabi bago napatingin kay Ms. Monet. Tumango si Ms. Monet bilang pagpayag. Sakto namang dumating sina Tito Boy at Tita Letty kaya tumayo na siya at sinundam si Carlo palabas ng chapel. "Sakay," utos nito sa kanya nang marating nila ang kotse nito. Tahimiki siyang tumalima. Labinlimang minuto silang nag-drive bago nila narating ang baybayin. Alanganin niyang sinundan ang lalaki at naglakad sa mabuhangin na daan. May resthouse sa ‘di kalayuan pero dumiretso sila sa isang puno na pinakamalapit sa baybayin. Humalukipkip siya at pasimpleng niyakap ang sarili. Madilim, malamig at maingay sa tenga niya ang paghampas ng tubig sa dalampasigan. Gusto niyang magreklamo dahil hindi man lang siya sinabihan ng ogre na magdala ng jacket. Pero pinili niyang manahimik. Wala sa kondisyon sa  sistema niya ngayon ang  magtaray. Pinanoond niya si Carlo habang may kinakalikot si Carlo sa may puno. Mayamaya pa, biglang nagliwanag ang paligid. Puno ng white christmas lights ang puno at iniilawan niyon ang matangkad na cocktail table sa tabi niya. Sa ibabaw niyon, nakapatong ang cake at candle. Mayroon ding bouquet ng mamahaling mga bulaklak. Napangiti siya. Mayamaya pa, sinindihan nito ang kandila, binuhat ang cake bago kumanta. Happy birthday to you Happy birthday to you Happy birthday Happy birthday Happy birthday to you   She must feel elated. Kung kasama niya si Kira at nasaksihan ang surprise ni Carlo sa kanya, tiyak magpupunit iyon ng damit sa labis na kabaliwan. Patay na patay ito kay Carlo e. Baka nga sabunutan pa siya nito sa sobrang selos.  Kaya lang, parang wala siyang maramdaman, o mas tamang sabihin na okupado ang isip niya ng ibang bagay. Ibinaling niya ang mata aa madilim na dagat. Kasindilim niyon ang kaarawan niya. Malungkot. Mapait. Masakit. Bumaling siya ulit kay Carlo. Nakangiti pa rin amg gwapong nilalang. "Let's blow your candle shall we?" udyok nito. Mahinang tango at "okay" lang ang naging sagot niya. Bahagya silang lumapit sa cake at sabay na hinipan ang kandila. "Thank you," mahina niyang sabi, pinilit ngumiti. "P-pwede bang bumalik na tayo baka kasi─" "Sure." Tumango-tango siya. "M-mauna na lang ako sa kotse mo. Mukha kasing marami ka pang liligpitin... medyo ano kasi... ano… malamig," pagdadahilan niya. Alanganin itong tumango. Pipihit na sana siya palayo nang bigla nitong hawakan ang braso niya. Nagtataka niya itong nilingon. "Gusto ko lang malaman mo na pwede kang umiyak sa harapan ko. I won't judge you," seryosong sabi nito, titig na titig sa kanya. Awtomatiko ang naging reaksyon ng katawan niya nang marinig ang salitang iyak. Nangilid ang luha niya kasabay ng impit na paghagulgol. Sunod-sunod ang naging pagtulo ngluha niya. Marahan siyang kinabig payakap ni Carlo. Lahat ng kinikimkim niyang emosyon mula kaninang malaman niya ang pagpanaw ni Mimi, iniluha niyang lahat. Alam niya, ayaw ni Mimi na umiiyak siya pero kailangan niyang pakawalan ang kalungkutang lumulukob ngayon sa kanyang buong pagkatao. Losing someone dear is never easy. Kung ang materyal na mga bagay lalo pa't may sentimental value kapag nawala iniiyakan. Tao pa kaya? Ilang sandal pa,  inaya siya ni Carlo na maupo sa buhanginan. Nakaakap pa rin ito sa kanya. Nakahilig siya sa dibdib nito habang patuloy siya sa paghikbi. Hindi niya alam kung dahil sa pagod sa pagiyak o dahil sa pagod sa pagbe-bake o talagang nakakahapo ang maglabas ng emosyon, pero hinihila siya ng antok. Sandali pa niyang nilabanan iyon ngunit nagwagi din ang espirito ng tulog.                                                                                                   *****   Napatingin si Carlo sa kasama. Mahimbing itong natutulog sa mga bisig niya. Well they were technically cuddling. Gusto niyang matawa. Kung sa ordinaryong araw, baka nag-taray na ito at pinagpapalo na siya sa ayos nila ngayon. He released a gentle sigh of relief. She cried. Mula kasi kanina nang malaman nito na wala na si Mimi,  pinipigilan nito ang paghulagpos ng emosyon nito. And he really can't stand to see her pretending she's fine when deep inside she's actually falling apart. Marahil nasanay talaga itong ikubli ang totoong damdamin nito. She’s alone in the world since ten years ago. The painful realities of life made her tough but it didn't and won't ever make her invincible to pain. He knew he needed to help her have a good cry. So he had to leave later that afternoon to get all the things he needed to do for his surprise. It's her birthday. She kept talking about it for days. And then, the unexpected happened. Alam niya na  hindi magiging madali na paluhain ang mataray na si Raine. But he had to at least try. When she didnt cry with the surprise, muntik na siyang mawalan ng pag-asa. But looking at her disturbingly untroubled face, made her say he said about crying. When she shook her shoulders and began to cry uncontrolablly he immediately enveloped her in his arms. Napagtanto niya kasi sa puntong iyon na ayaw niya pala itong makitang umiiyak. Mahirap din pala. Muntik na siyang mapamura. Siraulo talaga siya. Gusto niya itong umiyak tapos gusto rin niya itong patahanin agad. Gumalaw ito nang kaunti at lalong isiniksik ang sarili nito sa kanya. Pahirapan niyang kinuha ang kumot na inihanda niya para dito sana kanina. Alam niyang malamig at wala itong jacket. Dahan-dahan niya iyong ikinumot sa kanilang dalawa. Sumandal na rin siya sa inilawan niyang puno. Mukhang matatagalan pa ang gising ng magandang si Francine Marithe .  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD