“ISASAMA KITA BUKAS,” sabi ni Hiro. Napatigil sa pagtitipa sa kaniyang laptop si Celeste nang marinig ang sinabi ni Hiro. Nasa sala lang sila at kasama nila sina Doña Ximena at Don Denver. Nakaupo siya sa sahig habang abala sa ginagawang takdang-aralin para sa isang asignatura. Napalingon siya sa kaniyang kasintahan at natawa na lang siya nang makitang minamasahe nito ang likuran ng ama nito. Para sa kaniya, mas gumuwapo ito sa kaniyang paningin. Bilang isang babae, pangarap niya ay magkaroon ng kasintahan na labis ang pagmamahal sa mga magulang nito. Hindi niya maitatanggi na ganoon si Hiro kaya masuwerte siya rito. “Saan?” tanong niya rito. “Birthday ng mga inaanak ko,” sagot nito. “Twins nina Ate Yvonne at Kuya Dior?” panghuhula niya. Napatango ito. “Yup.” “Sige. Ano ang susuoti