PROLOGUE
HUBO AT HUBAD na nakaharap si Celeste sa salamin habang walang tigil sa paghagulgol. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa mga magulang niya ang nangyari sa kaniya. Nanginginig ang kamay niya habang hawak-hawak ang resulta ng pregnancy test na isinigawa niya. May dalawang pula na linya roon na nagpapatunay na kumpirmadong buntis siya. Hindi nga siya nagkamali sa kutob niya.
Magtatapos na sana siya sa kolehiyo sa kursong BS Business Economics sa mga susunod na buwan kaya natatakot siya sa sasabihin ng mga magulang niya. Alam niyang hindi matutuwa ang mga ito lalo pa kung malalaman ng mga ito kung sino ang nakabuntis sa kaniya. Sa totoo lang, hindi niya inaasahan na mabuntis siya sa isang beses lang na ginawa nila iyon.
Napabuntonghininga na siya sabay hawak ng tiyan niya. Sa tingin niya ay wala na siyang ibang pwedeng gawin kung hindi ang tanggapin na lang ang katotohanan at magpakatapang. Kailangan niyang harapin ang naging resulta ng mga desisyon niya sa buhay.
Kinuha na niya ang uniporme na nakahanda na sa kama niya at isinuot iyon. Nang natapos, nag-ayos na siya ng mukha. Sinigurado niya na matatakpan ng kolorete ang pangamba sa mukha niya.
Nang nakapag-ayos na siya, bumalik na siya sa kama niya at kinuha ang bag niya. Napailing naman siya nang muntik na niyang makalimutan itago ang pregnancy test niya. Kinuha niya na iyon at inilagay sa ilalim ng kama.
Paglabas niya ng kuwatro, narinig na niya ang ingay na mula sa sala nila. Abala na ang mga tao sa ibaba para sa kaarawan ng tiyuhin niya na gaganapin sa pagsabit ng dilim.
Nang nasa hagdan na siya, napatingin sa kaniya ang tiyuhin niya. Nang nagtama ang mga mata nila, agad itong umiwas sa malalim na titig niya.
“Hanggang kailan mo ako hindi kikibuin?” tanong niya sa kaniyang sarili.
Nang nasa sala na siya, dumiretso na siya sa dining area para kumain. Pero nang maamoy niya ang ulam, nawala na naman siya ng gana. Nandidiri siya. Nasusuka siya.
Napabuntonghininga siya. Hindi niya maipagkakaila na mahirap palang magbuntis. Kahit ang paborito niyang ulam ay nawawalan siya ng ganang kainin. Ang ginawa niya, uminom na lang ng fresh milk at kumain ng tinapay.
Nang natapos, tumungo na siya sa sala para magpaalam sa mga mahal niya sa buhay. Isa-isa na niyang hinalikan ang mga ito maliban sa tiyuhin niya. Iniiwasan niya ito.
“Celeste, inutusan ko pa si Dave kaya ang Uncle Hiro mo muna ang maghatid sa iyo,” maawtoridad na sabi ng ama.
Napalingon siya kay Hiro. Nang magtama ang mga mata nila, pareho silang napatitig sa isa’t isa. Para mawala ang ilang niya, siya na lang ang unang bumitaw sabay lingon sa ama niya.
“Dad, today is uncle’s birthday. Mas magandang dito lang siya buong araw sa bahay,” aniya.
“A-Ako na maghahatid kay Cele, Kuya,” sagot ni Hiro.
Nilingon niya ang tiyuhin. “U-Uncle.”
“Tara na,” sabi nito.
Nauna na itong lumabas kaya sinundan na niya ito. Pagdating nito sa garahe kung saan nakatambay ang sasakyan nito, pinagbuksan siya nito. Hindi niya inaasahan na sa mismong araw nito siya muli papansinin nito.
Pagpasok niya sa sasakyan, hindi niya mapigilan ang pagbilis ng t***k ng puso niya. Kinakabahan lang siya na nahihiya na ewan. Hindi niya mapaliwanag ang nararamdaman niya.
Pagpasok ni Hiro, hindi niya mapigilan na mapatitig na lang sa labas ng bintana. Sa isipan niya ay kung may isa mang tao na unang makakaalam sa sitwasyon niya ay ang tiyuhin niya dapat iyon. Pero nagdadalawang-isip pa siya. Natatakot lang siya sa magiging reaksiyon nito.
“Sorry kung iniiwasan kita. Nahihiya lang talaga ako sa nagawa ko,” pag-amin ni Hiro.
“I’m pregnant,” mahina na sabi niya. Hindi niya na napigilan ang sarili niya na itago iyon.
“P-Pardon?” Gumuhit sa mukha ni Hiro ang pagkagulat.
“Ama ka na, Uncle. Buntis ako.”
~~~