HINDI MAIPINTA ANG inis sa mukha ni Celeste sa loob ng sasakyan ni Hiro. Naiinis lang siya sa sarili niya kung bakit palagi siyang talo rito. Napapasunod siya lagi sa gusto nito. Imbes iyon na ang kaniyang pagkakataon na magmamatigas, hindi niya nagawa. Hindi rin halata na mahina siya pagdating dito. “Anong nangyari sa iyo? Why are you acting like that? Are you still in pre school?” tanong ni Hiro. Hindi na nito mapigilan na mainis sa kaniya. “Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, Uncle. Wala akong pakialam,” irap na sabi niya rito. Kinuha niya ang bag ni Hiro sa gilid nito para tingnan kung ano ang laman niyon. Gusto lang niya makita kung nandoon pa rin ba iyong cell phone na sinabi sa kaniya ng kaniyang kapatid. Pero nang binuksan niya iyon, wala siyang makita na tatlong karton ng ce