“CELE! MAY SAKIT ka raw?” tanong ni Cayne. Napakamot sa ulo si Celeste nang bumangon sa kaniyang hinihigaan sabay punas ng kaniyang katawan. Naiinis lang siya na palagi na lang sinisira ng kapatid niya ang “exciting part thingy” nilang dalawa ni Hiro. Nangyari na ito nang ilang beses. Masasabi niya na mukhang ito talaga ang tinik sa maling relasyon na meron sila dalawa ni Hiro. “Hey! Bakit ninyo isinara ang pinto!” sigaw ni Cayne sabay hampas ng pinto. “Cayne, maghintay ka. Naka-lock pala. Baka aksidente kong napindot kanina,” kalmadong sagot ni Hiro. “Buksan mo, Kuya! Gusto kong makita ang bunso,” sabi ni Cayne. “Sige.” Bago umalis si Hiro, sinigurado muna nito na nakapagbihis na siya. Hindi pa man ito nakarating sa pintuan, nilingon siya nito at sinenyasan na bawasan ang pagkain.