“THANK YOU SA pagha—”
Napatigil sa pagsasalita si Celeste nang biglang bumungad si Hiro sa harapan nilang dalawa ni Zorro. Napagkasunduan nilang dalawa ni Zorro na ihatid siya nito. Nagmamagandang loob ito sa kaniya kaya pumayag siya. Para sa kaniya, walang masama roon.
“Ginabi ka yata?” tanong ni Hiro.
“Hello! Si Zorro Althea Amanpolo pala,” pagpapakilala ni Zorro sa kaniyang tiyuhin.
Imbes na pansinin nito ang binata. Hinawakan lang nito ang kaniyang kamay at hinila palapit dito. Napalingon siya sa kaniya tiyuhin at nakita niya na hindi maganda ang timpla nito. Nakikita niya sa mga mata nito iyon. Galit ito.
“Pumasok ka na roon,” sabi ni Hiro.
“U-Uncle, magpapaalam lang ako nang maayos,” aniya. Tiningnan niya si Zorro. “Thank you. See you tomorrow.”
Tiningnan ni Hiro ang binata. “Ikaw. Umuwi ka na.”
“U-Uncle,” suway ni Celeste.
Nilingon siya nito. “Pumasok ka na sabi.”
“Hinawakan mo ako, okay?” irap na sabi niya rito sabay piglas dito.
Pagpasok niya ng gate, hindi niya maitago ang inis sa kaniyang mukha. Naiinis lang siya sa ugali na pinakita nito sa kaniyang bagong kaibigan. Imbes na nagmamagandang loob lang ang tao sa kaniya ay parang ito pa ang may mali sa ginawa nito.
Pagpasok niya sa loob ng mansion, nandoon ang kaniyang pamilya sa sala. Mula sa kaniyang lolo, lola, ina, at ama. Kahit hindi maganda ang kaniyang timpla, kinailangan niya pa rin batiin ang mga ito. Alam niya na mas gugulo lang ang lahat kung susundin niya ang sinabi ng kaniyang puso.
Pagdating niya sa tapat ng mga ito, nagmano na siya. Pagkatapos, aalis na sana pero pinigilan siya ng kaniyang ina. Paglingon niya rito, nakangiti itong tiningnan siya. Napakunot ang kaniyang noo sa labis na pagtataka. Para sa kaniya, wala siyang nagawang mabuti sa araw na iyon.
“W-What, Mom?” tanong niya rito.
“Ang sabi ng Tita mo, kinausap mo na raw ang bunso ng kumare ko. You have a nice taste, Celeste. At last, may ginawa ka na rin na tama,” sabi ni Ramona.
“Yes, Mom. Actually, balak ng mga friends ko at ni Zorro na mamasyal dito this coming sunday. Is it okay to you?”
Napataas ang kilay nito. “Kailangan ba talaga na kasama ang mga kaibigan mo?”
“Of course. They are my best friends, okay? Sana matanggap mo na sila. They are good to me all the time. If you think na bad influence sila sa akin? Ako na ang magsasabi, mas malala pa ako sa kanila,” aniya.
“Alis na. Pinainit mo na naman ang ulo ko,” sabi nito.
Hindi na siya sumagot at tumalikod na lang. Nagtama ang mga mata nila ni Hiro kaya agad siyang umiwas. Hindi niya makakalimutan ang ginawa nito.
“Celeste,” sambit ni Hiro.
“Mauna na ako,” sagot niya rito.
Hindi na niya hinintay na sumagot ito at nauna na siyang umalis. Alam niya na susundan siya nito kaya binilisan niya ang kaniyang lakad. Hindi pa siya nakarating sa huling tapak ay naabutan na siya nito. Inakbayan siya nito na parang wala lang nangyari.
“Galit ka ba sa akin?” tanong ni Hiro.
“Hindi ba halata? I can’t believe you, Uncle. Napaka-rude mo sa tao,” sabi niya rito.
Pinisil nito ang kaniyang braso “Iniingatan lang kita. Bakit ka ba kasi sumasama sa kung sinu-sino? Babae ka, Celeste.”
“Uncle, kaibigan ko na siya. At isa pa, anak siya ng kaibigan ni Mom.”
“Hindi ko namukhaan.”
“Then at least be kind. Hindi ganoon. Nagpakilala nga siya, ’di ba? Zorro Althea Amanpolo. Kilala mo iyon, Uncle.”
“Sorry. Hindi na mauulit. Pero huwag ka ng sumama sa kanya. Ako na ang susundo sa iyo kung ayaw mong magpasundo kay Manong.”
Napahinto siya sa paglalakad at nilingon ito. “May trabaho ka, Uncle. ’Wag mong sayangin ang oras mo nang dahil lang sa akin.”
“Walang masasayang na oras sa iyo. You are special to me. As I’ve said, iniingatan kita. Kung sa akin ka, alam kong safe ka. Nagkakaintindihan ba tayo?”
“Pero he likes me.”
“See? Gusto ka niya. May rason ang lahat kung bakit ginawa niya iyon.”
“Mabait siya, Uncle. Please. . . ’wag mo siyang husgahan. Pupunta siya this coming sunday, kilalanin mo muna ang tao bago ka magsalita nang ganyan. Mauna na ako.”
“Sasama ako.”
“Maghuhubad ako. Magpapalamig ako ng ulo.”
“Where is my hug?” tanong nito.
Napabuntonghininga siya sabay yakap dito. “Sorry.”
Hinalikan siya nito sa ulo. “Sige na. Magpalamig ka na.”
Napangiti siya sabay tapik dito. Pag-alis niya, nilingon niya muli ito. Hindi niya maitanggi na hindi niya kayang magtanim ng sama ng loob dito. Kinawayan siya nito at napatango lang siya. Sa pagkakataong iyon, masasabi niya na mahirap mapunta ang kaniyang atensiyon sa iba kung magpapatuloy na mabait ang tiyuhin niya sa kaniya.
Pagdating niya sa kaniyang kuwarto, agad siyang naghubad para magbihis. Nang natapos, humiga na siya sa kama para magbabad sa kaniyang mga accounts sa social media.
Pagbukas niya ng wi-fi, agad bumungad ang mensahe ni Zorro. Binasa niya iyon habang nakadapa sa kama. Sa ganoong posisyon lang siya kumportable. Hindi rin siya nasasaktan sapagkat hindi gaano kalaki ang kaniyang dibdib. Sakto lang na pwedeng masahiin ng lalaking makatutuluyan niya sa huli.
[Zorro Althea Amanpolo: Just got home, Cele. Anyways, galit ba sa akin si Uncle Hiro? Or galit siya dahil matagal ka nakauwi?]
[Silvia Celeste Guidotti: Sakto lang. Sa akin iyon galit. Zorro, hindi ka niya namukhaan. And obviously, nagpadala siya sa kanyang emosiyon kaya pati apelyido mo ay nakalimutan niya.]
[Zorro Althea Amanpolo: Fire! Okay. Anyways, ito na iyong pagsisimula ng love story natin. Finally, we have a conversation! So fireeeeeee!]
[Silvia Celeste Guidotti: Fire again? Fave word?]
[Zorro Althea Amanpolo: HAHAHAHA oo. Fire! Thank you sa panunood ng practice! Ang galing ko, ’no?]
[Silvia Celeste Guidotti: Slight. Kinikilig ang mga kaibigan ko sa iyo.]
[Zorro Althea Amanpolo: Sila lang? Sana pati ikaw para mas gagalingan ko pa sa susunod.]
[Silvia Celeste Guidotti: Aw! Bye na. Kakain na muna ako. Salamat sa paghatid.]
[Zorro Althea Amanpolo: Okay. Enjoy your dinner, beautiful.]
Napangiti na lang siya sabay patay ng kaniyang cell phone. Sa kunting oras na nakilala niya si Zorro, masasabi niya na nagkamali siyang husgahan ito noon. Hindi pala ito masamang tao.
Pagdating niya sa sala, dumating na ang pinakabunso sa kapatid niyang mga lalaki—si Cayne. Para siyang bata na napatakbo palapit dito. Niyakap niya ito nang mahigpit. Kahit madalas itong mang-asar sa kaniya, mahal niya ito.
“Kuya Cayne,” malambing na sabi niya rito.
Tinulak siya nito. “Kadiri ka. Alis! Doon ka kay Kuya Hiro maglambing.”
“Magpasalamat ka at may naglalambing pa sa iyo. Anyways, pansinin mo naman si Cynthia,” sabi niya rito.
“Cynthia who? Iyong kaibigan mo na kasing-arte mo? Salamat na lang sa lahat,” sagot ni Cayne.
Napabuntonghininga siya. “Grabe na kayo sa mga kaibigan ko. Mga mababait sila, okay?”
“Syempre kuwento mo iyan.”
Napa-ismid na lang siya nang dinaanan lang siya nito. Para sa kaniya, sayang si Cynthia. Hindi lang ito maganda. May mabuti rin itong puso. Aminado siya na maingay ito pero hindi kabawasan iyon sa pagkatao nito.
“Kung ayaw mo, edi kay Kuya Sync na lang,” aniya. Hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa.
“May pinopormahan na iyon. Kina Kuya Eros at Gabriel na lang para sabunutan ka ng mga kasintahan nila,” sabi nito.
Napataas ang kaniyang kilay sa sinabi nito. “Subukan lang nila at baka ako pa ang kakalbo sa kanila.”
“Aba! Ang tapang, ah? Akala mo talaga hindi iyakin,” panunukso nito sa kaniya.
“S-Sa sunday, nandito sila Cynthia. Try mo lang. Wala naman mawawala,” pamimilit niya.
“Wala. Akong. Pakialam,” sagot nito sabay alis.
Napailing na lang siya sa kaartehan ng kaniyang kapatid. Para sa kaniya, palay na nga ang lumapit sa manok, tinanggihan pa nang walang pagdadalawang-isip. Napabuntonghininga na lang siya nang mapagtanto na kailangan na niyang tanggapin na wala siyang kapatid na magkakagusto sa kaniyang kaibigan. Bilang isang kaibigan nito, ipinagdasal na lang niya na may makakita ng kalagahan nito.
•••
LINGGO NA AT hinihintay na lang ni Celeste na dumating ang kaniyang mga kaibigan. Sa ilang araw na nagdaan, mas madalas na nilang nakasasama si Zorro. Kahit paano, mas nakilala pa niya kung sino talaga ito. Maangas itong tao ngunit may mabuting puso. Para bang gusto nito na iyon ang tingin ng mga tao rito. Pero sila na mga kaibigan nito, iba na ang tingin nila rito. Isa itong kaibigan na masarap kasama. Hindi lang ito basta gwapo, napapatawa rin sila sa humor nito.
Kahit gustuhin man ni Zorro na araw-araw siyang ihatid nito, hindi nito iyon magagawa. Hindi niya sukat akalain na seryoso ang kaniyang tiyuhin na ito na ang susundo sa kaniya tuwing gabi sa unibersidad nila. Naabutan sila ng gabi roon dahil nanunood pa sila ng ensayo ni Zorro sa basketbol. Ginagawa niya rin iyon para mapunta sa iba ang kaniyang atensiyon. Ang tanging hiling na lang niya ay sana nga gumana sa kaniya.
Lumabas na muna ng mansion si Celeste at pumunta sa pool area nila. Pagdating niya roon, nadatnan niya ang kaniyang apat na kapatid kasama ang kaniyang tiyuhin na naliligo ng pool.
Napaismid siya nang makitang nagkalat ang shorts ng mga ito sa sahig. Malakas ang kutob niya na nakasalawal lang ang mga ito na naliligo. Hindi niya maipagkakaila na mukhang doon talaga kumportable ang mga lalaki.
“Hey!” bati niya sa mga ito.
“Cele, halika rito!” sigaw ni Eros, ang panganay sa kanilang magkakapatid. Lamang lang ito ng segundo sa kambal nitong si Gabriel.
“Malamig,” aniya.
“Malamig pala, ah!” sigaw ni Cayne sabay tapon sa kaniya ng tubig.
“Sh*t! Kuya Cayne, stop it!” sigaw niya.
Hindi niya mapigilan na mainis sa mga ito nang pinagtatawanan lang siya. Natutuwa talaga ang mga ito kapag napipikon na siya.
“Halika na, Cele,” sabi ni Hiro.
Napalingon siya rito. “Oo na. Magpasalamat kayo at mabait pa ako.”
Hinubad na niya ang kaniyang suot na damit. Pagkatapos, agad din na sinunod ang suot na shorts. Sa totoo lang, hindi siya naiilang na makita ng kaniyang mga kapatid ang kaniyang katawan.
“Cele, humarap ka! ’Wag kang tumalikod. Ipagmalaki mo ang dapat na ipagmalaki!” sigaw ni Cayne.
Nagtawanan ang lahat sa sinabi nito. Kahit nakaharap na siya sa mga ito, sinasabi nito na nakatalikod siya dahil sa kaniyang dibdib na hindi gaano kalakihan. Imbes na sumagot siya rito ay inirapan niya lang ito. Napagtanto lang niya na wala rin siyang makukuha kung sasagot pa siya rito. Kahit mahal siya ng kaniyang mga kapatid, hindi niya maitanggi na ito ang mga numero unong nang-aasar sa kaniya.
Paglingon niya kay Hiro, nakatitig lang ito sa kaniya. Kinawayan niya ito kaya napangiti ito. Pagkatapos, sinenyasan siya nito na lumapit dito.
Papalapit pa lang sana siya rito, umahon na ito mula sa pool. Agad niyang iniwas ang kaniyang tingin nang makita ang malaking bakat nito. Kulay puti ang salawal na suot nito kaya malinaw pa sa batis kung gaano iyon kalaki.
Nagsitayuan ang kaniyang mga balahibo nang mapalunok siya ng laway. Para bang natatakam siya rito. Gusto niya na kainin ito.
“Cele,” sambit nito.
Napabuntonghininga siya sabay lingon dito. Imbes na mukha niya ang tingnan nito, mapababa talaga ang kaniyang tingin. Wala naman sanang subtitle.
Nang tinakpan ni Hiro ang p*********i nito gamit ang mga kamay nito, nanlaki ang kaniyang mga mata. Sa tingin niya ay napansin siya nito na nakatingin sa p*********i nito. Nakahihiya at iyon ang salitang unang pumasok sa kaniyang isipan.
“Anong meron?” mahinang tanong ni Hiro.
“Too big,” mabilisan na sagot niya rito.
“W-What?” anito.
“I mean basa ka ng tubig.” Napatawa siya.
“Babasain kita,” sabi ni Hiro.
“Ng ano?”
Napatawa ito. “Ng tubig. Let’s go!”
Hinawakan ni Hiro ang kaniyang kamay at hinila siya nito papunta sa pool. Pagkatapos, tumalon ito na hawak ang kaniyang kamay. Napasigaw na lang siya sa sobrang gulat.
“Uncle!” singhal niya habang hindi mapigilan ang sarili na mapatawa.
“Ang bagal mo kasi,” sagot nito.
“Hindi pa ako ready, e!”
“Ma’am Celeste,” sambit ng kanilang kasambahay.
Nilingon niya ito. “Yes, Manang?”
“Nandiyan na ang mga kaibigan mo sa labas,” sabi nito.
“Really? Papasukin mo, Manang, tapos ihatid mo na lang din dito. Salamat po!” sigaw niya.
“Okay, Ma’am,” sagot nito sabay alis.
Nilingon niya ito. “Nandito na raw sila Zorro.”
“Gusto mo na siya?” tanong nito sa kaniya.
“Hindi pa.”
“Panget siya,” sabi nito sabay langoy.
Napanganga na lang siya sa sinabi nito. Hindi niya inaasahan na manglalait ito. Pero para sa kaniya, nagbubulag-bulagan ito. Hindi magiging campus heartthrob si Zorro kung panget ito. Kung sa ugali naman nito ang pagbabasehan, hindi rin panget ang ugali nito.
“Hind siya panget, okay!?” sigaw niya.
“Celeste, we’re here! Hi, Kuyas!” sigaw ni Cynthia.
Pag-ahon ni Celeste sa pool, napatalon-talon si Cynthia habang nakatingin sa kaniya. Sa pagkakataong iyon, hindi niya masisisi ang kaniyang kapatid na si Cayne kung bakit naiinis ito rito. Maingay talaga ito kahit saan man dalhin.
Pagdating niya sa tapat ng mga ito, hinampas agad siya ng dalawa. Sa tingin niya, kinikilig ang mga ito sa kaniyang mga kapatid. Hindi napipigilan ng mga ito na magnakaw ng tingin sa kaniyang mga kapatid.
“Cele, ang gwapo talaga ng mga kapatid mo. Grabe! Sasabog na ang puso ko!” gigil na sabi ni Cynthia.
Nilingon niya si Zorro sa likuran ni Cynthia. “Hi!”
“Wow, ha? Siya talaga ang unang pinansin mo!?” irap na sabi ni Cynthia.
“Ang arte mo, Cyn. Pero pwede bang kumalma ka muna? Hindi ba sabi ni Celeste, ayaw ng kuya niya sa maingay?” sabi ni Thamara.
Napabuntonghininga si Cynthia. “I forgot to act demure. Disappointed na naman ang future boyfriend ko.”
Nilingon ni Celeste si Cayne sa pool. “Kuya, Cynthia raw.”
“Hi!” sigaw ni Cayne.
Napahawak si Cynthia sa tiyan nito. “Wala na. Buntis na ako.”
Napatawa siya. “Bwesit ka talaga, Cyn.”
“Ako na may boyfriend. Sana all na lang,” irap na sabi ni Thamara.
Nilingon ito ni Celeste. “Dahil may boyfriend ka na, Tami. I-kalma mo.”
“Sinabi ko nga,” sabi nito.
Sa gitna ng pag-uusap nilang magkaibigan, bigla na lang siyang sinenyasan nina Cynthia at Thamara na tumingin sa kaniyang likuran. Paglingon niya, patungo sa kaniyang kinatatayuan ang kaniyang tiyuhin at may bitbit itong tuwalya.
“Cele, ang laki ng t*ti,” mahinang sabi ni Cynthia.
Siniko ito ni Thamara. “Bibig mo.”
“Sorry. Fan lang,” sabi nito.
“Uncle,” sambit ni Celeste.
Ihinagis ni Hiro ang tuwalya sa kaniya. “Takpan mo iyang katawan mo.”
“I will. Thanks! Sige na, maliligo na muna ako sa kwarto.” Nilingon niya ang kaniyang mga kapatid. “Dadalhin ko muna sa loob ang mga kaibigan ko.”
Habang naglalakad sila palababas ng pool area, napatawa na lang siya nang makitang pinaggitnaan nina Thamara at Cynthia si Zorro. Niyakap pa ng mga ito ang braso ng kanilang bagong kaibigan.
“Paano ka magugustuhan ng Kuya ko kung kapit-tuko ka kay Zorro,” sabi ni Celeste.
“Boy best friend natin ito, okay? At the end of the day, sa iyo naman ito,” sagot ni Cynthia.
“Ikaw naman, Tami. Paano kung malaman ng boyfriend na ganyan ka kay Zorro?” tanong niya rito.
“Maghihiwalay kami at malaya na ako. So pwede na kami ng isa sa mga Kuya mo,” sagot nito.
“Mga baliw talaga kayo,” aniya.
“Hapon na ba tayo magtanim? Bumili pa naman ako ng mahogany tree,” sabi ni Cynthia.
“S-Seryoso? Nagdala ka?” natatawang tanong niya sa mga kaibigan.
Napabitaw si Cynthia sa pagyakap sa braso ni Zorro at nilingon. “Ganyan ako kaseryoso sa Kuya mo.”
“Pero pwedeng bitawan ninyo si Zorro? Baka ano pa ang masabi ni Mom sa inyo. You know her, queen of judgment,” sabi niya sa mga kaibigan.
Napabitaw na rin sa paghawak si Thamara. “Tama pala. Ayaw niya pala sa amin. Baka mas lalo lang siyang mainis kung makita kaming clingy sa kaibigan natin.”
Napangiti ito. “What matters to me ay gusto ko kayo. Ako ang mas nakakilala sa inyo at hindi siya.”
“How about me, Cele? Baka ayaw rin sa akin ni Tita,” nag-aalalang sabi ni Zorro.
“A-Ayaw? Baka nga gusto pa niyang ipakasal tayo,” irap na sagot niya rito.
“Fire. Mas mabuti,” nakangiting sagot nito.
“Feeling mo rin!” irap na sabi niya rito.
Pagdating nila sa gate ng mansion, napatawa na lang siya nang makita ang apat na mahogany tree. Mukhang seryoso talaga itong magpapansin sa kaniyang kapatid. Magtatanim talaga ito sa likuran ng mansion nila.
Pagdating nila sa loob ng mansion, agad inasikaso ng kaniyang ina si Zorro. Ipinapakita talaga nito na gusto nito ang kaniyang kaibigan. Gusto niya sanang iwan muna sina Cynthia at Thamara sa sala pero alam niya na hindi ito magiging kumportable sa presensiya ng kaniyang ina kaya dinala na lang niya ito sa kaniyang kuwarto.
Pagdating nila roon, iniwan niya muna ang mga ito sa kaniyang kama at dumiretso na siya sa banyo para maligo. Habang nagsasabon sa kaniyang katawan, nakikinig lang siya usapan ng kaniyang mga kaibigan. Pinag-uusapan ng mga ito ang kaniyang tiyuhin at mga kapatid.
“Hey! Baka malunod sila roon!” sigaw niya mula sa banyo.
“Mas mabuti nga para magamit ko sa kanila ang natutunan kong CPR with a lust,” sagot ni Cynthia.
“What the f, Cyn!” sabi ni Thamara sabay halakhak.
“Ewan ko sa inyo,” sabi niya.
Minuto ang lumipas, natapos na rin siya sa pagligo. Paglabas niya ng banyo, agad niyang hinubad ang suot na tuwalya. Napatawa ang mga kaibigan niya kaya napatingin lang siya sa mga ito.
“What?” tanong niya sa mga ito.
“Para kang sira riyan. Magbihis ka nga!” suway ni Cynthia.
“Relax, okay? Magbibihis na.”
“Cele, what if tumama iyong ano ng uncle mo sa iyo? Wasak kinabukasan mo,” sabi ni Cynthia.
“Hey! Nakalimutan ninyo yata ang rule? Hindi ba bawal bang—”
“Sorry. Namamangha lang talaga ako sa nakita ko kanina.”
Napangiti siya sabay talikod. Ayaw niya lang na makita siya ng kaniyang mga kaibigan. Kahit siya, hindi rin mawawala sa kaniyang isipan ang malaking bakat na iyon. Sa pagkakataong iyon, marami siyang “what if” sa kaniyang sarili.
“What if iyon ang wawasak sa akin?” tanong niya sa kaniyang isipan.
~~~