“CLASS DISMISSED,” SABI ng professor.
“Bye, Sir. Enjoy your lunch,” nakangiting sabi ni Celeste.
“Bye, Sir!” paalam ni Cynthia sabay kindat.
“Ingat, Sir. Call me when you need a friend,” nakangiti na sabi ni Thamara.
Nang wala na sa kanilang paningin ang professor ay agad nilang inilabas ang kanilang pangpaganda. Sila iyong magbabarkada na hindi lumalabas ng silid-aralan kapag hindi nila nasisigurado na maganda sila.
Napangiti na si Celeste habang tinitingnan ang mukha sa salamin. Nagagandahan lang siya sa kaniyang sarili. Kung totoo man ang mga Diyosa, maniniwala siyang isa na siya roon.
“Girls, alam ninyo bang sinabi ni Uncle kahapon na puro lang daw tayo kaartehan,” aniya. Napangiti siya nang maalala iyon.
“Si Uncle Hiro again,” sabi ni Cynthia sabay lagay ng maskara sa pilik-mata nito.
“Titikman,” natatawa na sabi ni Thamara.
“Shhh,” suway ni Cynthia.
“I did not confirm anything so stop concluding,” sabi ni Celeste sabay tayo. Nilingon niya ang mga kaibigan sa kaniyang kaliwa at kanan. “Let’s go.”
Napatayo na rin ang mga ito at tinawanan lang siya. Tinaasan niya ang mga ito ng kilay pero mas lumakas lang ang mga tawa nito. Nagsimula na siyang maglakad at sumunod na rin ang mga ito habang walang tigil pa rin sa pagtawa. Mukhang inaasar talaga siya ng mga ito.
Napabuntonghininga siya at nilingon ang mga ito. Tumahimik ang mga ito at kunwaring isinara nila ang kanilang mga bibig na parang may zipper. Mga siraulo talaga ang mga ito.
“Napipikon na ako,” aniya. May pagbabanta na sa kaniyang boses.
“Kalma, Cele. You are so—”
“W-What!?” nakairap na tanong niya rito.
“Nevermind,” sagot nito sabay pigil sa sarili na mapangiti.
“Stop teasing me, okay? Masisiraan na ako ng ulo. Uncle ko iyon at hindi pwede. Ilang beses ng napapangiti niya ako at ayaw ko na mag-isip ng kung anu-ano. Girls, hindi kayo nakakatulong.”
“Sorry, Cele,” magkasabay na sabi ng mga ito.
Napabuntonghininga siya. “Alam ko na may kakaiba. Ang sa akin lang, ’wag ninyong hayaan na masangkot ako sa incestous relationship kasi masama iyon.”
“Sige na. From now on, we should not tease you again. Kahit banggitin mo pa iyan nang paulit-ulit, wala kaming sasabihin at makikinig lang kami,” sabi ni Cynthia.
“I can’t imagine na muntikan na kaming naging enabler,” sabi ni Thamara.
“Thank you, girls. I know, I can’t avoid to mention my uncle because I really admire him, but as what you promised to me, wala kayong sasabihin o gagawin na mag-start ng pagkasira ng mental health ko. Pero susubukan ko rin naman na hindi na pansinin kung ano talaga ito,” paliwanag niya rito.
“Alam ko na. Kailangan may gagawin ka para mawala siya,” sabi ni Thamara.
“W-What?” naguguluhan na tanong niya rito.
“Bigyan mo na ng pansin ang mga lalaking nagkakagusto sa iyo.”
Napangiti si Cynthia. “Tama si Tami, Cele. Ang dami riyan sa paligid. Iyong captain ball na may gusto sa iyo? Si Zorro? Grab mo na.”
Napabuntonghininga siya. “I will try.”
“’Wag mong subukan. Gawin mo, okay? It’s all for you,” sabi ni Thamara.
Napangiti siya. “Thanks, girls. I appreciate you all.”
“We are b*tches with a heart, okay?” paalala ni Cynthia.
“Tara na nga. Nagugutom na ako,” aniya.
Pagdating nila sa cafeteria, agad silang naghanap ng upuan. Napataas ang kilay niya nang mapansin na puno na lahat ng mesa. Maliban na lamang sa isa ngunit may nakaupo na roon na isang estudyante.
“There,” aniya. Tinuro niya iyong mesa na may isang estudyante na nakaupo.
“Are you out of your mind, Cele? Us? Sisiksik sa isang stranger? How cheap are we?” maarteng sabi ni Cynthia.
Hinawakan ni Thamara si Cynthia at hinila. “Ang arte mo, Cyn. Hindi bagay.”
Napatawa na lang na sumunod si Celeste patungo sa kung saan ang mesa na mayroong estudyante. Pagdating nila roon, tumungo siya sa tapat ng sa tingin niya ay estudyante. Napanguso na lang siya nang mapansin na parang kilala niya ang mukha nito.
“Nagkita na ba tayo before?” tanong niya rito.
Napatango lang ito at saka nagpatuloy na sa pagkain. Napanganga siya sa ginawa nito. Alam niya na may itsura ito pero ang hindi niya inaakala ay parang wala lang dito ang presensiya nilang magbabarkada. Magaganda sila kaya umaasa sila na mababalisa ito o mamangha man lang sa kanila.
Napaupo siya. “Pwedeng makiupo.”
“Nakaupo ka na, Miss. Please be reminded that when you ask a permission to anyone, just wait his or her answer before you take an action,” seryosong sagot nito.
“Ang sungit mo naman! Hindi ka ba nagagandahan sa amin? Ano ang ipinagmamaya—”
Napatigil siya sa pagsasalita habang hindi mapigilan na manlaki ang mga mata nang makita ang ID nito. Nagsitayuan ang kaniyang mga balahibo. Hindi niya maitanggi na parang humiwalay ang kaluluwa niya sa labis na kahihiyan.
Kinilabit siya ni Cynthia. “W-What?”
Nilingon niya ito at sinenyasan na tingnan ang ID nito. Tiningnan din ni Thamara ang ID ng lalaki na nasa tabi nito. Hindi nagtagal, nahihiyang napaupo sila.
“Sorry po, Sir,” magkasabay na sagot nilang tatlo.
“Apology accepted. Anyway, I am one of the professors in the education department.” Tiningnan siya nito. “I’m Ylo Nathaniel Gimalas. Sa tanong mo kanina, yes, nagkita na tayo sa kasal nina Ate Yvonny at Kuya Dior. Mauna na ako. Have a blast, ladies.”
Pag-alis ng professor ay napanganga na lang siya habang ang kaniyang mga kaibigan ay napasigaw sa kilig. Hindi niya rin masisisi ang mga ito kung bakit. Nasa buong katauhan ng professor ang ebidensiya.
Napabuntonghininga na siya. Nahihiya lang siya sa ginawa niya rito. Sa totoo lang, wala siyang ideya na professor pala ito kung pagbabasehan ang mukha at pananamit nito. Para lang itong katulad nila na estudyante.
“Cele, ang gwapo ni Sir!” nanggigigil na sabi ni Cynthia.
“Ang perfect!” kinikilig na sabi ni Thamara.
“Relax mo ang v****a mo, Tami. May boyfriend ka na,” paalala ni Cynthia.
Napatawa si Celeste. “Bwes*t talaga kayong dalawa. Tara na nga, mag-order na tayo ng makakain na tayo.”
Minuto ang lumipas, nagsimula na silang kumain habang walang tigil pa rin sa pagkukuwentuhan. Nakikinig lang siya sa dalawa na hindi nauubusan ng kwento. Hindi niya maitatanggi na masarap talagang kasama ang kaniyang mga kaibigan.
Nilingon siya ni Thamara. “Cele, magsalita ka na naman. Ano ka? Good listener from heaven?”
“Paano ba ako makakasingit sa inyo? Ang sarap ng kuwentuhan ninyo. Hello? Nakikinig naman ako and I’m having fun here,” aniya.
“Ang dami mong napapansin, Tami,” sabi ni Cynthia.
“Sarili mo ba ang pinagsabihan mo? Hoy! Hindi ako salamin,” irap na sabi ni Thamara.
Napailing na lang si Celeste. Kahit nagbabangayan ang mga ito, normal na araw lang iyon sa kanila. Sa sobrang lapit nila sa isa’t isa, silang tatlo na rin ang nagbabangayan.
“Hindi pa rin nawawala sa mind ko si Sir Ylo Nathaniel. He is so hot,” sabi ni Cynthia.
“Ang hilig ninyo sa bawal,” sabi ni Celeste.
Magkasabay siya na nilingon ng dalawa. “Wow. Talaga?”
Napangiti siya. “Sorry. Pero hindi ba bawal din iyon? Lalo pa at nandito nagtuturo si Sir?”
“Yes. Pero pwede naman patago hanggang sa makapagtapos.” Napangiti si Cynthia. “Char! Mukhang may balak tayo, ah?”
“Our weakness, makakakita ng gwapo,” natatawa na sabi ni Thamara.
“Basta ako, hindi. Sanay na ako makakita ng mga gwapo sa bahay,” sabi ni Celeste.
Nilingon siya ni Cynthia. “Cele, sa tagal na ng pagkakaibigan natin. Hindi mo man lang kami tinulak sa mga Kuyas mo.”
Napairap si Thamara. “True. Nakapag-boyfriend na lang ako sa kahihintay.”
Napatawa siya. “Grabe kayo. Sinubukan ko, okay? Pero hindi kayo type ni Kuya. Masyado raw kayo mga maaarte.”
Napabuntonghininga si Cynthia. “Ano ba ang type ng Kuya mo? Iyong mahilig mag-tree planting? Gagawin ko sa likuran ng mansion ninyo. I am good with that.”
Napatawa si Thamara. “I cannot, Cyn. Tama na! Ang sakit na ng tiyan ko.”
“Pasyal na lang kayo sa linggo sa bahay. Nandoon ang mga Kuyas ko,” sabi niya sa mga ito. Nilingon niya si Cynthia. “Magdala ka ng puno.”
“I will do everything to plant properly,” sabi ni Cynthia.
Napahalakhak na si Thamara sa sinabi ng kaibigan. Kahit siya na pinapanood lang ito, nahahawa na rin sa tawa nito. Sila iyong magbabarkada na totoo lang sa sarili. Hindi porque na magaganda at may kaya sila sa buhay ay kailangan na nilang magpakadisente sa harap ng mga tao. Hindi sila ganoon bagkus kung ano talaga sila ay wala silang takot na pinapakita iyon.
“Cyn, ang lala mo. Ang sakit na ng tiyan ko! Please stop,” hiling ni Thamara.
“Stop what? To plant a tree?” sagot ni Cynthia.
“Ewan ko sa inyong dalawa,” sabi ni Celeste.
“The varsity team,” sambit ni Cynthia.
Napalingon si Thamara sa kaniya. “Don’t ignore them.”
“Hi, Miss Guidotti and friends,” bati ng isa sa mga manlalaro ng basketbol sa unibersidad nila.
Palihim siya na sinipa ni Cynthia sa paa. “Hi raw.”
“Hello, guys! Napatagal kayo,” sabi ni Celeste.
“Ang plastic,” mahinang sabi ni Cynthia.
Palihim na sinipa niya ang kaibigan. “I did my best. ’Wag ka ng umangal diyan.”
“Dito na lang kayo. Papatapos na rin kami,” sabi ni Thamara.
“Kakarating lang namin. Aalis na agad? Nakatatampo,” sabi ni Zorro, ang team captain ng basketbol sa unibersidad nila.
Umupo si Zorro sa kinauupuan ng professor kanina kaya nasa tapat na ito ni Celeste. Tinitigan nito si Celeste kaya napangiti na lang siya rito. Para sa kaniya, wala rin naman sigurong mawawala kung bibigyan ng pansin na niya ito.
“Nakakatunaw ka naman tumitig, Zorro. Ganyan ka ba sa mga cheer dancers ninyo?” aniya.
“Nope. Sa iyo lang,” seryosong sagot nito.
“Magaling ka nga,” aniya.
“Himala na may oras kang pansinin ako. Good for me. Kinikilig ako.” Napangiti ito.
Napangiti siya sa lapad ng ngiti nito. “Magtatapos na tayo. Pwede ng mag-entertain ng destraction.”
“W-What? Am I a destraction to you?”
“Not really but almost there. Alam mo kasi, natatakot lang ako. Gwapo ka at matalino kaya may posibilidad na magkagusto ako sa iyo. Kung mangyari man iyon ay baka mabuntis ako.”
“Fire! Buntis agad, Celeste? I’m into premarital s*x. . . in my next life.”
Napatawa ang lahat sa sinabi nito. Hindi niya maipagkakaila na may ugali itong gustong-gusto ng mga babae. Pagtingin niya kina Thamara at Cynthia ay napatitig lang ito sa bintana. Kung totoo lang na humugis puso ang mga mata nito, posibleng ganoon ang mangyari sa mga ito.
“I like your attitude,” aniya.
“Fire,” sabi nito. Nilingo nito ang mga kaibigan. “Guys, the Silvia Celeste Guidotti-Amanpolo.”
“W-What the f*ck, Zorro. Idinikit mo pa talaga ang apelyido mo?”
“Nakikita ko lang ang mangyayari in the next two years,” sabi nito.
“May anak na ba ako?”
“Wala pa kasi katatapos lang natin ng kasal.”
Napatawa siya. “Iba ka rin.”
“Yeah. Fire.” Inabot nito ang kamay nito sa kaniya. “Zorro Althea Amanpolo pala, Binibining Celeste.”
Tinanggap niya ang kamay nito. “Nice to meet you.”
“You have a soft hand, ah? Papakapalin ko iyan kung ikaw ay maging akin.”
“Crazy. Maybe you need to eat. Mahiya ka naman sa mga kaibigan mo. Pinaghintay mo sila.”
Napalingon ito sa mga kaibigan nito. “Sinusuportahan nila ako para sa iyo kaya wala silang problema roon.”
“Should I say sana all?”
“Pwede. Anyways, pwede ba kayong manood ng practice namin mamaya?”
“Sure,” magkasabay na sagot nina Cynthia at Thamara.
“Cyn, wala ka na bang balak magtanim ng puno?” tanong niya rito.
Napatawa si Thamara. “Pinaalala mo pa, Cele. Nakalimutan ko na sana.”
Tinaasan siya nito ng kilay. “’Wag mo akong paasahin sh*t ka!”
“Kunwari hindi umaasa,” panunukso ni Thamara.
“Ano ang meron?” nagtatakang tanong ni Zorro.
Nilingon niya ito. “She likes my brother and she is willing to plant a tree para mapansin ng brother ko. Para hindi na siya tawaging maarte.”
“Oh, nice idea. Pwede akong sumali para mapansin mo,” sabi nito.
“Siraulo ka.”
“Seryoso. Ang tanong, iyon ay kung pahihintulutan mo ako,” sabi ni Zorro.
Napangiti siya. “Ewan ko sa iyo.”
“Cele, go na,” sabi ni Thamara.
“Okay. Sunday. Pwede ka pumunta ng bahay.”
Napakamot ito sa ilalim ng baba. “Gusto ko iyan.”
Habang tinitingnan si Zorro, napangiti na lang siya rito. May ugali ito na madaling pakisamahan. Hindi na siya nagtataka kung bakit maraming babae ang madaling nakuha nito. Kakaiba rin ito kumilos. Kung sa ahas, makamandag ito. Sa pagkakataong iyon, ihinanda na niya ang kaniyang anti-venom. Sisiguraduhin niya na hindi siya bibigay rito.
~~~