“SIR, BAGAY NA bagay ito sa girlfriend mo,” nakangiting sabi ng sales lady sa botique.
Napalingon si Celeste sa likuran niya kung saan nandoon ang tiyuhin niya. Kausap nito ang isang sales lady na napagkamalan silang magkasintahan. Nilingon siya ng tiyuhin at nginitian. Pagkatapos, ibinaling na nito muli ang atensiyon sa sales lady.
“Pamangkin ko lang iyon,” sabi ni Hiro.
Napayuko ang sales lady at humingi ng patawad sa tiyuhin niya. Wala naman siyang inis na naramdaman dito. Sa tingin niya, napagkamalan sila nitong magkasintahan dahil noong pumasok sila ay nakaakbay sa kaniya ang tiyuhin niya. Hindi na lingid sa kaalaman niya na madalas silang napagkakamalan na magkasintahan.
Lumapit siya sa sales lady at kinuha ang dress na hawak nito. Pagkatapos, ihinarap niya ito sa tiyuhin niya nang may ngiti sa labi.
“What do you think, Uncle?” tanong niya.
Napatango ito. “It looks great. Bagay sa iyo.”
“Thanks. So I will get this one.” Nilingon niya ang sales lady. “You have a nice taste, ha? I like it.”
Napangiti ito. “Ang ganda ninyo lang po kasi, Ma’am. Malakas ang kutob ko na ang ganito kamahal at kagandang damit ay bagay po sa inyo.”
Napangiti siya sabay tingin sa presyo. “Mahal nga. Pero lang ito para kay Uncle. He’s a lowkey billionaire.”
Inakbayan siya ni Hiro sabay pisil ng braso niya. “Ang kulit mo talaga. Huwag kayong maniwala sa pamangkin ko. Maganda lang ito pero ubod ng kasinungalingan ito.”
Hindi na siya sumagot at napatawa na lang. Pagkatapos, nagpatuloy na siya sa paghahanap ng ibang damit na sa tingin niya ay bagay rin sa kaniya. Nang makakita siya ng kulay ginto na backless silk dress, napangiti siya. Ang sigurado siya, bagay iyon sa kaniya lalo pa at maliit ang bewang niya at malaki ang balakang. May angkin din siyang laki ng puw*t kaya malakas ang loob niyang mag-two piece sa tuwing naliligo siya sa pool nila sa mansion nila o hindi kaya sa dagat kapag may out of town sila buong pamilya.
“You look so regal in that kind of dress. Bagay iyan sa iyo,” sabi ni Hiro. Hindi man lang niya napansin na nasa gilid na niya pala ito.
Nilingon niya ito. “You sure, Uncle? Baka papagalitan na naman ako nina Kuya nito. Kilala mo ang mga iyon.”
“Walang mali na magsuot ng ganyan. Kasuotan pa rin iyan. Maliban na lang siguro kung sa simbahan ang pupuntahan mo,” sabi nito.
“Okay. Pero Uncle, hindi ba luluwa ang dibdib ko rito?” nag-aalalang tanong niya.
“Wala kang dibdib kaya huwag kang mag-aalala,” sabi nito sabay hakbang palayo sa kaniya.
Napahawak siya sa dibdib niya habang hindi maipinta ang inis sa mukha. Para sa kaniya ay sapat lang ang laki ng dibdib niya. Malakas tuloy ang kutob niya na sanay ang tiyuhin niya sa malalaki ang dibdib.
“Nakakalunod kaya iyon. Swimmer ba siya?” sabi niya sa isipan.
Tumungo na siya sa counter at inabot ang dress na gusto niya sa cashier. Napaupo lang sa gilid ang tiyuhin niya. Sa totoo lang, hindi mahahalata sa mukha nito na treinta y uno na ito. Para sa kaniya, mukhang magkasing-edad lang sila. Mas mukha pa ngang matanda ang iilan sa mga lalaking kaklase niya rito.
“Uncle, ang bayad,” pabulong na sabi ko.
Ipinakita nito ang card sa kamay nito kaya nagmadali siyang tumungo sa kinauupuan nito at kinuha iyon. Pagkatapos, agad na siyang bumalik sa counter.
Napangiti naman siya nang may nakitang choker na kulay itim na may kasamang pendant na bituwin sa gilid niya. Hindi siya nagdalawang-isip na bilhin din iyon. Kilala niya ang tiyuhin niya at hindi ito naiinis sa kaniya kung marami siyang pinapabili rito. Kaya sa tuwing nag-aaya ito sa kaniya, sinusulit na niya.
Nang nakapagbayad na siya, tumabi muna siya sa kinauupuan ng tiyuhin niya. Pagkatapos, ibinigay niya na ang card at choker dito.
“Ano ang gagawin ko rito?” nagtatakang tanong ni Hiro.
“Ilagay mo sa leeg ko,” mabilisan na sagot niya. Tumalikod na siya mula rito.
“Okay,” sagot nito.
Inangat na niya ang kaniyang buhok at hinintay na lang na ilagay ng tiyuhin niya ang choker sa leeg niya. Nang dumikit na ang kamay ng tiyuhin niya sa gilid ng leeg niya ay nagsimula ng magsitayuan ang mga balahibo niya. Hindi niya maitanggi ang kiliti na dulot niyon.
“U-Uncle, bilisan mo,” natatawa na sabi niya. Nagpipigil lang siya sa kiliti.
“Shhh. Ang ingay mo,” suway nito sa kaniya.
“Oo na. Tatahimik na. Uncle, naipasok mo na b—ouch!”
Napanganga na lang siya nang bigla siyang binatukan ng tiyuhin niya. Paglingon niya sa sales lady at cashier, napatawa na ang mga ito. Nang ibinaling niya ang atensiyon sa tiyuhin niya ay namumula ang mukha nito. Napakunot ang noo niya habang iniisip kung ano ang nangyari.
“What happened, Uncle?” inosente na tanong niya.
Pinandilatan siya ng tiyuhin niya. “Watch your mouth.”
“Gosh! Wala naman akong sinabing masama, e! Ang sabi ko lang kung naipasok mo na—yucks! My bad.”
“Now you know,” sagot nito. Napailing-iling ito.
“Gosh! I can’t believe it. Ang dirty ng mind natin lahat.”
Napabuntonghininga na lang siya sabay hablot ng choker sa kamay ng tiyuhin niya. Pagkatapos, tumayo na siya at lumapit sa sales lady. Inabot niya ito para ito na lang ang maglagay sa leeg niya nang walang ilang na nararamdaman.
“Ang kadiri ko ba, Miss?” tanong niya.
“You are innocent and cute, Ma’am,” sagot nito.
“Pero gosh! It sounds incest, right? I guess na napanood ninyo na iyon,” aniya.
Nagsitawanan lang ang mga ito. Paglingon niya sa tiyuhin niya, nawala na ito sa kinauupuan nito. Muli niyang ibinaling ang atensiyon sa sales lady at cashier sa gilid niya.
“Where is my uncle?” tanong niya.
“He is at the comfort room,” sagot ng cashier.
“Okay. Thanks.”
Nang nailagay na ng sales lady ang choker sa leeg niya ay nagpasalamat na siya rito. Pagkatapos, tumungo na siya sa malaking salamin kung saan makikita ang buong katawan niya. Napangiti naman siya nang makitang bagay sa kaniya ang choker. Pakiramdam niya, ang astig niyang tingnan.
Paglabas ng tiyuhin niya sa banyo, napangiti siya nang makita itong mukhang pagod. Sa tingin niya, nagbawas ito ng sama ng loob sa banyo. Sinalubong niya ito sabay yakap sa braso nito.
“Ang tagal mo, Uncle. Hindi ba maganda ang sikmura mo?” tanong niya.
Napangiti ito. “Nope. Umiihi lang.”
“Okay.”
Nilingon ni Hiro ang sales lady at cashier. “Mauna na kami.”
Nilingon din ni Celeste ang mga ito at kinawayan. Pagkatapos, tuluyan na silang lumabas ng tiyuhin niya sa botique.
Habang naglalakad, napalingon siya rito nang marinig ang paghingal ito. Napataas naman ang kilay niyang nang makitang nagsipatakan ang mga pawis nito. Ang ginawa niya, tumigil sa paglalakad at pinaharap ito sa kaniya.
“Pinagpawisan ka. Pagod ka nga,” sabi niya.
Kinuha niya ang panyo niya sa loob ng kaniyang shoulder bag at pinunasan ang mukha ng tiyuhin. Nang ibinaba na niya ang panyo patungo sa leeg nito, nagtitigan sila.
Napatigil siya sa ginagawa. “Bakit?”
~~~