KABANATA 2

1355 Words
“ALIS KA NGA! Kung anu-ano na lang iyang pumapasok sa isipan mo,” sabi ni Hiro. Hindi rin halata na kunting inis ito sa pamangkin. Mas hinigpitan ni Celeste ang pagyakap dito. “Ang arte mo, Uncle. Nagtatanong lang naman ako.” “Lumayo ka muna. Magpapabango pa ako.” “Fine. Ang laki ng pw*t mo, Uncle,” aniya. Hinampas nang mahina nito ang noo niya. “Ang laswa talaga ng bibig mo. Saan ka ba nagmana?” “I don’t know,” sagot niya sabay alis. Bumalik na siya sa kama nito at hinintay na lang niya na matapos ito sa ginagawa. Habang tinitingnan niya ang tiyuhin mula sa kama, hindi niya mapigilan na mapangiti. Masaya lang siya sa katotohanan na matalik niya itong kaibigan. Simula noong bata pa lang siya, isa sa mga hinding-hindi niya makakalimutan na ito na ang palaging sandalan niya. Sa tuwing napapagalitan siya ng mga magulang niya, ito ang palaging tinatakbuhan niya. Masaya naman siya na palagi talaga itong may oras sa kaniya. Ginagawa lagi nito ang lahat para gumaan ang pakiramdam niya. Sa pagkakataong ganoon, nakuha nito ang loob niya. Hindi niya kayang itanggi na isa ito sa pinakamamahal niya sa buhay. Nilingon siya ni Hiro. “Tara na.” Napatango siyang tumayo sa kinauupuan niya at sinundan na niya ito. Paglabas nila ng pinto, napatingin siya sa isang kapatid niya na mukhang iritable na may kausap sa cell phone nito. Sa tingin niya, nakipagtalo ito sa kasintahan nito. Nang nagtama ang mga mata nila, pinakitaan siya nito ng heart sign. Napangiti naman siya sa katotohanang para itong baliw. Bago sila umalis ng tiyuhin niya ay kinawayan niya muna ang kapatid niya bilang sagot sa heart sign nito. Nag-iisang babae si Celeste sa limang magkakapatid. Kambal ang panganay nila na may walong agwat sa kaniya. Ang pangatlo at pang-apat ay apat at tatlong taon ang agwat sa kaniya. Kaya masasabi niya na isa sa dahilan kung bakit mahal siya ng mga kapatid niya ay nasa tamang pag-iisip na ang mga ito noong isinilang siya. Nang nasa sala na sila, nagpaalam na siya sa ina at ama. Tinitigan lang siya ng ina niya habang ang ama niya ay tinanguan lang siya. Alam niya na hindi ito magtatanong kung saan sila lalo pa at ang kasama niya ay tiyuhin niya. Alam niya na alam ng mga ito kung gaano siya kalapit sa tiyuhin niya at ligtas siya kapag ito ang kasama. Nang nasa sasakyan na sila, napalingon sa kaniya si Hiro. Tinitigan niya ito at napangiti na lang siya nang makitang parang may iniisip ito. “What, Uncle?” tanong niya. Inunahan na niya ito. “Is it okay to you na magsimba muna tayo?” tanong nito sa kaniya. Napatango siya. “Of course. I’m a good follower.” Napaismid lang si Hiro sabay andar ng sasakyan nito. Ang sigurado siya ay hindi ito sang-ayon sa sinabi niya. Kung hindi niya lang ito kakampi, hinampas niya na ito. Nang nasa gitna na sila ng biyahe, panay kuha na siya ng litrato sa kaniyang sarili habang nasa gilid niya ang tiyuhin na abala sa pagmamaneho. Nang natapos, tiningnan niya na ang mga larawan nilang dalawa. Hindi niya naman mapigilan na mapangiti nang makita ang ganda ng mga mukha nila. Kahit paano, masaya siya na maganda ang lahi nila. Sa isipan niya, kung hindi siya maganda ay hindi siya magiging masaya sa buhay. “Are you okay?” tanong ni Hiro habang abala pa rin sa pagmamaneho. “Yeah. And thanks to you, Uncle,” sagot niya. “Good. You are always welcome. As long as I know that you did not anything wrong, I am here. Pero kung may mali ka man na magawa, I am still here para suwayin ka.” “I know. I love you for that, Uncle.” “I love you more, Cele.” Napangiti siya. “Uncle, I have a question.” “W-What?” “When you were in your teenage life. Ilan na ang naging babae mo?” “You mean. . . girlfriends?” “Yes. Pwede rin mga naka—” Hindi siya nito pinatapos. “I have six girlfriends.” Napatawa siya. “Serious lahat?” “Of course.” Napataas ang kilay niya. “Pero why hindi nagtagal?” “As simple as we were not destined to each other.” “Pero umabot talaga sa anim? Ang dumi ninyo na pala.” “What the f*ck, Cele.” “’Wag ka na po pumalag, Uncle. Imposibleng hindi mo sila. . . basta.” Nang nakita niyang napangiti ito ay hindi na siya nangulit pa. Para sa kaniya, nakuha na niya ang sagot na gusto niyang malaman dito. Nang pakiramdam niyang magsisimula ng mangamoy ang bibig niya ay kumuha siya ng mint candy sa bag niya. Dalawa na ang kinuha niya para ang isa sa tiyuhin niya. Nang nabuksan niya na ang sa kaniya ay binuksan na rin niya ang natitirang isa at inabot iyon sa bibig ng tiyuhin niya. Napangiti naman siya nang dumikit ang dila nito sa kamay niya. Pero agad din niyang itinikom iyon nang napagtanto na mali ang naging reaksiyon niya. “Thanks,” nakangiting sabi nito. Gumuhit pa ang biloy nito sa pisngi. “Ang gwapo mo, Uncle,” pagpuri niya. Hindi na ito sumagot at napangiti na lang sa sinabi niya. Sa totoo lang, isa sa hindi niya kayang pigilan sa sarili niya ay ang puriin ang tiyuhin niya. Namamangha lang talaga siya sa angking ganda ng itsura nito. Para sa kaniya, isa ito sa masasabi niya na may karapatan magyabang kung itsura lang ang pagbabasehan. Kaya minsan, naguguluhan siya kung bakit mag-isa pa rin ito sa buhay. Hindi man lang naghanap ng makakasama sa buhay. “Thank you,” sabi nito. Inabot nito ang kamay niya at hinawakan. Napatingin siya sa kamay niya na hawak ng tiyuhin niya. Sa pagkakataong iyon, hindi niya mapigilan na mapangiti. Hindi niya maipaliwanag sa kaniyang sarili kung bakit ang saya niya. Hinigpitan niya ang hawak at napatingin na lang dito. “Sa mall na lang pala tayo diretso. I’ve realized na bawal pala ang suot mo sa simbahan,” sabi ni Hiro. Napayuko siya sabay tingin sa tiyan niya. Hindi nagtagal ay napatawa na lang siya nang makalimutan kung ano ang istilo ng suot niya. Nahiya tuloy siya bigla nang maalala na pumayag siyang magsimba sila na ganoon pala ang suot niya. “Gosh! It’s so gross,” natatawa na sabi niya. “It’s okay. Bagay naman sa iyo ang suot mo. Ang ganda mo, Cele.” Napatikhim siya at hindi maitago ang pagmamalaki sa mukha. Masaya lang siya na pinuri rin siya ng tiyuhin niya. Madalang niya lang iyon marinig dito kaya abot langit ang saya niya. “I know, right?” sagot niya. Napailing si Hiro. “That is the main reason why I rarely say that you are so beautiful.” “Grabe ka, Uncle.” Napanguso na lang siya. Hindi na ito sumagot at napatawa na lang. Ang ginawa niya, napaisip na lang kung may angking yabang ba talaga siya sa katawan. Pero para wala ng siyang iisipin pa ay mas minabuti niyang sumang-ayon na lang dito. Mayabang siya nang kunti. Minuto ang lumipas, dumating na sila sa mall. Pagbaba nila mula sa parking lot, tiningnan muna ni Celeste ang mukha sa salamin ng sasakyan. Sinigurado lang niya na maganda siya. Habang inaayos ang kaniyang buhok, napatigil siya sa ginagawa nang hinawakan ng tiyuhin niya ang mga balikat niya. Niyugyog siya nito at pinaayos ng tayo. “Oo na! Grabe siya!” reklamo niya. Ayaw niyang minamadali siya. Nang nauna siyang maglakad, mabilis siyang nahabol ng tiyuhin sa malaking hakbang nito. Magsasalita na sana siya pero hindi niya nagawa nang inakbayan siya nito. Napatingin siya sa kamay nito at huli na lang niya namalayan na ang lapad ng ngiti niya. Napabuntonghininga na siya. Hindi niya alam kung bakit ganoon siya kasaya. Para sa kaniya, tiyuhin niya iyon kaya wala dapat siyang mararamdaman sa ginagawa nito. Nagsimula ng magsitayuan ang mga balahibo niya. “Gosh! Am I crazy?” ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD