ALA UNA NA ng madaling araw at hindi pa rin natutulog si Celeste. Hinihintay lang niya na dumating ang kaniyang tiyuhin. Alam niya na pupuntahan siya nito para siguraduhin na na nakatulog na talaga siya. Ninanais lang niya na malaman mula rito kung bakit ito nagsinungaling sa kaniya. Minuto ang lumipas, narinig na niya ang yabag ng mga paa nito. Pero nang bahagyang bubuksan na nito ang pinto, agad siyang nagpapanggap na tulog. Ang buong akala niya ay kaya niyang harapin ito pero hindi pala. Pinaghihinaan siya ng loob. Natatakot siya sa posibleng maging sagot nito sa kaniya. Pagbukas ng pinto, mas ginalingan niya ang pag-arte. Nakatagilid lang siya habang nakayakap sa kaniyang unan. Hindi pa man ito nakarating sa kaniya, gumalaw siya at tumagilid mula sa kabila. Pagkaupo ni Hiro sa kan