TAHIMIK LANG SI CELESTE na nakatayo sa harapan ng kanilang salamin sa sala. Sinisigurado lang niya na nakaayos na ang mukha niya bago sila aalis kasama ang kaniyang mga kaibigan. Nakatanggap na siya ng mensahe mula kay Zorro na malapit na ang mga ito sa kanila kaya ihinanda na niya ang kaniyang sarili. Habang naglalagay ng blush on, biglang bumungad ang ina niya sa kaniyang likuran kaya muntikan na siyang mapasigaw sa gulat. Natatakot lang siya sa presensiya nito na daig pa ang isang multo. Pero alam niya na ang takot na iyon ay walang magandang mangyayari kapag nag-uusap na silang dalawa. “M-Mom,” sambit niya rito. “I saw a diamond earrings in a jewelry shop yesterday and I decided to bought if for you,” sabi ni Ramona. Napakunot ang noo niya habang nilingon ito. “P-Po?” “I bought