“BYE, GUYS! THANK you again,” nakangiting sabi ni Celeste. Alas sinco y media na ng hapon at napagdesisyunan na ng kaniyang mga kaibigan na umuwi. Sa totoo lang, kanina pa sila natapos doon sa clinic. Mga isang oras lang siguro ang tagal nila roon. Nakipag-usap lang doon sa loob si Cynthia at hindi na sila nagtanong kung ano iyon. Basta ang sabi ng psycgologist sa kaniyang kaibigan, mayroon daw 12 to 16 sessions at babalik ito roon nang isang beses sa isang linggo. Ang napili nitong araw ay sabado para masamahan nila ito. Wala namang problema iyon sa kanila dahil bakante silang tatlo sa umaga. “Diyan ka lang maghintay, Cele. ’Wag ka ng lumabas ng mall at baka may mangyari pa sa iyo. Malalagot pa kay Tita Ramona,” maawtoridad na sabi ni Thamara. Napatango siya sa tugon nito. “Salamat sa