“UNCLE, SI ATE Freya ba iyon na hinahanap ni Kuya Gael?” tanong ni Celeste sa nagmamaneho na kasintahan. “Nope. Ang buong akala ko nga ay siya,” seryosong sagot nito “Akala ko siya. Ang tagal mo kasing nakabalik. Halos naubos na iyong in-order namin,” aniya. “Ang bilis niya kasing nawala. Dahil hindi ako mapakali kung hindi iyon makita, hinahanap ko talaga. Alam mo na, matagal na siyang hinahanap ni Gael.” Napabuntonghininga siya. “Grabe naman kung ganoon. Sana makita na si Ate Freya.” “Sana nga. Anyway, buong araw kang nasa labas. Hindi ka ba napagod? Magpahinga ka muna riyan. Gigisingin lang kita kapag dumating na tayo sa bahay.” Isinandal niya ang kaniyang katawan sa upuan. “Hindi naman. Natuwa pa nga ako dahil kinilig ako kina Ate Demitirca at Sir Ylo. Ang sarap lang tingnan ni K