“UNCLE, WALA PA rin pinagbabago si Kuya Dior. Ang talas pa rin ng dila. Kawawa siguro kayo niyon dati,” sabi ni Celeste.
Papauwi na sila Celeste at hindi pa rin siya makalimot kung paano magsalita si Dior. Kung anong klaseng tao ito noong nakilala niya, hindi pa rin nagbabago. Hindi niya makakalimutan noon na harap-harapan nito na sinasabi na baka ampon lang si Hiro. Tumatawa lang ang tiyuhin sa sinasabi nito sa tuwing inaasar ito. Hindi lang iyon, bully rin ito sa lahat ng mga barkada nito. Kaya hindi niya mapigilan na mamangha kay Yvony kung paano nito natiis ang ugali ng asawa.
“Cele, kaibigan ko si Dior simula pa lang noong una. Yes, it’s true na matalas ang dila ni Dior pero ako na ang magsasabi sa iyo, napakabuti ng taong iyon. Kung tutuusin, kaming mga kaibigan niya ang may malaking kasalanan sa kaniya pero hindi man lang siya nagtanim ng sama ng loob sa amin noong panahong iyon.” Napangiti ito nang malapad. “Kaya nagpapasalamat ako na naging mabuti na ang lahat. He deserves it.”
“Pero hindi ka ba nasasaktan kapag tinatawag ka niya na ampon?” nagtatakang tanong niya rito.
Napangiti ito. “Bakit ako masasaktan kung hindi naman totoo? Cele, you are too sensitive. Ganoon naman talaga ang magkakaibigan.”
“Bakit hindi kami ganoon?” Tinanggal niya ang tali sa kaniyang buhok.
“Dahil kaartehan lang ang alam ninyo sa buhay. Kung hindi lang kasalanan ang gawin kayong panggatong, ginawa ko na iyon sa inyo,” sagot nito.
“Uncle, you are so being mean to me. I hate you.” Hinawakan niya ang hita nito. “Kukurutin kita.”
“Hey! May kiliti ako riyan!” reklamo nito.
“’Wag diyan?” natatawa na tanong niya rito.
“Cele, itigil mo na iyan,” sabi ni Hiro.
Pagbitaw niya sa hita nito ay napahawak na lang siya sa kaniyang singit. “Gosh! Uncle, pakibilis.”
“Why?”
“I guess may langgam sa singit ko. U-Uncle,” aniya sabay kamot dito.
Napatawa si Hiro kaya napataas lang ang kilay niya rito. Wala man lang itong pakialam sa kaniyang nararamdaman.
“U-Uncle, stop the car. Tatanggalin ko na lang muna. I can’t imagine na papasok siya sa ano ko.”
“You sure? Maghahanap na lang muna tayo ng banyo.”
“Sa likuran ko na lang gawin. Basta ipikit mo lang ang mga mata mo.”
“Okay.”
Itinabi ni Hiro ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Ang ginawa ni Celeste, pumunta sa likuran ng sasakyan nito at doon naghubad. Hindi niya tuloy mapigilan na mainis sa kaniyang sarili kung bakit pantalon ang kaniyang isinuot.
Nang natanggal na niya ang kalahati ng kaniyang pantalon, sinubukan na niyang ibuka ang pagitan ng kaniyang dalawang hita. Natawa naman siya nang hindi niya iyon magawa.
“Are you done, Cele?” tanong ni Hiro.
Sinilip ito ni Celeste sa rearview mirror at napatawa na lang siya nang pumikit talaga ito. Para sa kaniya, tunay nga na maginoo ang kaniyang tiyuhin. Napataas ang kilay niya nang maalala na pinagsabay nito ang dalawang babae sa isang kama kaya babawiin niya ang kaniyang sinabi. Hindi ito maginoo. Matinik ito.
Nang nahubad na niya ang kaniyang pantalon, nagawa na niya ang kaniyang gustong mangyari. Sinilip niya ang kaniyang singit at may nakita siyang itim na langgam doon.
“Uncle, itim na langgam. What does it mean?”
“I don’t know, Cele. Pwede bang magbihis ka na para makaalis na tayo?”
“Wait lang. Kunin ko muna ang alcohol.”
Tumayo siya at inabot ang bag sa sahig ng passengers seat. Dahil hindi siya makagalaw nang maayos, nasubsob ang kaniyang mukha sa sahig. Napasigaw siya habang humihingi ng tulong sa kaniyang tiyuhin.
“U-Uncle, help! H-Hindi ako makatayo,” aniya.
Pagmulat ng mga mata ni Hiro ay agad nitong isinara muli ang mga mata. “I saw your butt.”
“It’s okay. Isipin mo na lang na nasa pool tayo at naliligo,” giit niya rito.
“Napaka-clumsy mo talaga, Cele. Sinusubukan mo ang pasensiya ko,” sabi ni Hiro.
“Uncle, stop talking and make a move. Nadaganan ko na ang dibdib ko,” reklamo niya rito.
“Hindi malaki ang dibdib mo,” seryosong sagot nito.
Napanganga na lang siya nang marinig ang sinabi ni Hiro. Hindi niya inaasahan na pati ito ay ipamumukha iyon sa kaniya. Ang buong akala niya ay ang mga kapatid niya lang ang magsasabi niyon sa kaniya. Napabuntonghininga na lang siya nang mapagtanto na nagsasabi lang talaga ito ng totoo kaya hindi na dapat siya magtampo.
Nang nakaupo na siya nang maayos habang bitbit ang kaniyang bag, kinuha na niya ang alcohol at naglagay na siya sa kaniyang singit. Sinilip niya ang kaniyang tiyuhin sa rearview mirror at napapikit na muli ito. Sa pagkakataong iyon, nilagyan niya ang kaniyang p********e ng alcohol at napasigaw na lang siya sa hapdi at init na kaniyang nararamdaman.
“Ano na naman iyan?”
“I’m fine, Uncle.”
Nang nakapagbihis na siya, bumalik na siya sa passengers seat. Nilingon niya ang kaniyang tiyuhin. Ibinuka na nito ang ang mga mata nito at tiningnan siya. Magsasalita na sana siya pero hindi niya nagawa nang hinalikan siya nito sa ulo.
Napakuyom ang kaniyang kamay sa ginawa nito sa kaniya. Naiinis lang siya sa kaniyang sarili kung bakit muling tumibok nang mabilis ang kaniyang puso. Para sa kaniya, dapat wala siyang mararamdaman.
“Iihi na muna ako sa pinakamalapit na convenience store,” sabi nito sa kaniya.
Nang tumango siya, inakbayan siya nito at muling pinisil-pisil ang kaniyang braso. Pinaandar na nito ang sasakyan at sa tingin niya ay magmamaneho ito ng isang kamay lang ang gamit. Tumakbo na ang sasakyan at tinanggal niya ang kamay nito sa kaniyang balikat at hinawakan lang ito habang minamasahe.
“I like it,” sabi nito.
Napangiti siya. “Really? Baka gusto mong masahiin kita, Uncle?”
“Huwag na.”
“Saan ka pala nagpapamasahe, Uncle? Doon ka siguro sa may extra service, ’no?”
Napaubo ito kaya napatawa siya. Natutuwa lang siya na unti-unti na niyang nakikilala ang kaniyang tiyuhin. Malakas ang kaniyang kutob na kaya niya nasasabi na misteryoso ito dahil sa ugali nito na iniiwasan nito na kaniyang malaman.
“Tito, ang dirty mo na talaga,” sabi niya rito.
“Matagal na iyon, Cele. Noong nasa college pa lang kami.”
“Kayong magbabarkada? Grabe!”
“Except Gael who is loyal to her girlfriend.”
“Sila pa rin ba ni Ate Brittany until now? As far as I remember, mas mahal niya ang kaniyang ex wife na si Ate Freya?”
Napatango si Hiro. “Yeah. Even though he doesn’t love Brittany anymore.”
Napabuntonghininga siya. “It does mean he’s not happy with his life until now?”
“Oo. Kaya nakaaawa iyong kaibigan naming iyon. Hindi niya rin kasi maiwan si Britanny dahil may anak sila.”
“Gusto kong yakapin si Kuya Gael. Siya na nga lang ang mukhang mabait sa inyong magkakaibigan, siya pa ang ganoon ang buhay. Anyways, where is Ate Freya?”
“Iyon ang hindi namin alam.”
“Sana she’s okay.”
“I hope so.”
“Iihi ka pa ba?” tanong niya rito.
“Nawala na. Salamat sa kadaldalan mo at na-divert ang atensiyon ko,” sagot nito.
Napangiti siya. “Therefore, I am an impactful woman.”
“Hindi rin.”
“Uncle, ’wag ka ng pumalag, okay?” reklamo niya rito.
“Oo na lang.”
Napabuntonghininga na lang siya at hindi na lang ito pinansin. Seryoso na rin ito sa pagmamaneho kaya mas pinili na lang din niya na tumahimik. Papauwi na sila sa kanila at masasabi niya na tuluyan ng gumaan ang kaniyang pakiramdam. Sana na lang talaga at hindi siya sisimulan ng kaniyang ina sa oras na makarating na sila sa kanila.
Oras ang lumipas, dumating na sila sa mansion nila. Pagbaba niya sa sasakyan, unang bumungad sa kaniya ang mga kapatid na naglalaro ng basketbol sa kanilang mini court sa gilid ng kanilang mansion.
Para matuwa ang kaniyang mga followers, kinuha niya ang cell phone sa kaniyang bulsa. Pagkatapos, binuksan niyang ang kaniyang Facegrammer account para mag-live. Itinapat na niya iyon sa kaniyang mga kapatid na walang saplot habang naglalaro ng basketbol.
“Baka mga Kuya ko iyan,” pagmamayabang niya sa kaniyang mga tagasunod.
Napataas ang kaniyang kilay nang mabasa ang iilan sa mga komento. Halos lahat ng iyon ay ang salitang “titikman”. Hindi niya rin masisisi ang iilan sa mga tagasunod niya lalo pa at ang gwapo ng kaniyang apat na kapatid.
“Mga Kuya, a simple hi will do!” sigaw niya.
Napatigil ang kaniyang mga kapatid at kumaway sa kaniya. Napangiti siya na sinunod ng mga ito ang kaniyang hiling. Hindi niya maitanggi na mahal talaga siya ng mga ito.
“Ano? Happy?” aniya.
Nang ihinarap niya ang kaniyang camera, nakuha roon ang kaniyang tiyuhin na nakasandal sa kotse nito. Umatras siya para makatabi niya ito. Nang tumingin ang tiyuhin niya sa camera ng kaniyang cell phone, kumindat ito.
“Sh*t! Titikman!” sigaw niya sa labis na saya
Nanlaki ang kaniyang mga mata nang mapagtanto kung ano ang kaniyang sinabi. Nilingon niya ang kaniyang tiyuhin at napangiti na lang siya rito. Pagkatapos, nag-isip siya ng dapat na gawin para hindi ito mag-isip ng kakaiba tungkol sa kaniya.
“It’s a prank, Uncle! Hey, guys! Ang gwapo ng Uncle Hiro ko, ’no? Single pa iyan,” aniya.
Napangiti ang kaniyang tiyuhin kaya nagwawala na ang mga kababaihan sa comment section. Ibinigay niya ang kaniyang cell phone rito para ito na lang ang magbasa. Ninanais niya rin na kausapin nito ang iilan sa mga tagasunod niya sa Facegrammer.
Habang tinitingnan ang kaniyang tiyuhin, nawala ang kaniyang ngiti nang bumungad ang kaniyang ina. Hindi pa ito nagsasalita pero may kutob na siya na may hindi magandang mangyayari. Para hindi siya mapahiya sa kaniyang mga tagasunod, kinuha niya ang cell phone sa tiyuhin at agad na pinatay iyon.
“Papatayin mo iyan o babasagin ko iyang phone mo? Kung anu-ano na lang ang pinagsasabi mo. Huwag mong ipahiya ang buong pamilya natin, Celeste,” irap na sabi ng kaniyang ina.
Nilingon ni Hiro ang hipag. “Nagsasaya lang si Celeste, Ate.”
“Pwede bang kahit isang beses ay huwag kang mangingialam, Hiro?” maawtoridad na sabi ni Ramona.
“Nagsasabi lang ako ng totoo. Ako ang kasama niya, narinig ko ang pinaggagawa niya. Walang masama sa mga sinabi niya,” paliwanag ni Hiro.
“Talaga lang, Hiro? Salitang titikman sa harap ng maraming tao? Walang mali? Pero ano ba ang aasahan namin sa iyo?” mataray na sabi ni Ramona. Nilingon siya nito. “Ikaw. Pumasok ka na sa kwarto mo at mag-aral doon. Ayusin mo iyang pag-aaral mo.”
“Uncle, mauna na ako,” paalam niya rito.
Pagpasok ni Celeste sa loob ng kanilang mansion, dumiretso muna siya sa kung saan nakaupo ang kaniyang mga lola at lola. Nag-uusap ang mga ito habang umiinom ng tsaa. Napangiti siya nang mapagtanto na ang sarap lang ng mga ito tingnan.
“Mommy La, Daddy Lo,” sambit niya. Umupo siya sa gitna ng mga ito.
“Apo, saan na naman kayo nanggaling ng bunso ko?” tanong ni Doña Ximena.
“Ang itanong mo, Mahal, saan na naman siya dinala ni Hiro,” sabi ni Don Denver.
“Nag-shopping lang po at kumain sa isang buffet at alam ninyo ba kung sino ang nakita namin doon?” aniya.
“Sino?”
“Ang best friend ni Uncle Hiro na si Kuya Dior with his family. Baka dahil doon, magkaroon na siya ng will na bumuo na rin ng pamilya,” natatawa na sabi niya sa mga matanda.
Napatawa si Doña Ximena. “Ewan ko ba sa batang iyan. Baka kinarma sa sobrang playboy noong kabataan.”
Napalingon siya kay Ximena. “Playboy ba talaga si Uncle? Or judgment lang?”
“Alam mo bang pinatawag kami ng Daddy Lo mo noon dahil nahuling nakipagtalik sa library kasama ang bagong professor,” sagot nito.
“Mahal, hindi na dapat iyan malaman ni Celeste. She’s too young for that,” sabi ni Denver.
Nilingon ni Celeste si Denver at hinawakan ang kamay nito. “Daddy Lo, matanda na ako. Magtatapos na nga, ’di ba? It means pwede na rin ako bumuo ng pamilya kung gusto ko. At isa pa, open-minded ako kaya wala sa akin ang mga usapin na ganito.”
“Tama ang apo natin, Mahal. Ang mahalaga ay nagbago na si Hiro. Hindi na rin naman tayo magulat sa ugali ng batang iyon. Saan pa ba magmamana? Walang iba kundi sa ama.”
Napatawa si Celeste. “Gosh! Daddy Lo? Really? Are you a playboy back then?”
“Hindi ako ganoon. Loyal ako sa Mommy La mo,” giit nito.
“Pero ang sabi ni Mommy La, nagmana ito sa ama. Ikaw lang naman ang ama ni Uncle,” natatawa na kaniyang sabi rito. Inakbayan niya ito. “’Wag ka ng mahiya. Aminin?”
Napalingon si Denver sa asawa. “Oo na. Sa akin nga nagmana. Pero ang mahalaga ay nagbago na rin ang Daddy Lo.”
“Umamin din siya, Apo,” natatawa na sabi ni Ximena.
Napatigil sa pag-uusap ang tatlo nang dumating si Hiro. Bitbit nito ang mga pinamili nila ni Celeste kanina. Napatayo si Celeste nang makita ang kaniyang mga gamit. Nakalimutan niya pala na dalhin iyon.
Kinuha niya ang mga gamit sa kamay ni Hiro. “Thanks, Uncle. Si Mommy?”
“Nandoon pa sa labas.” Napalingon si Hiro sa ina at ama nito. “Mom, Dad, hi!”
“Hello, Bunso. Celeste told us na nakasama ninyo sina Dior. Ikaw? Kailangan mo balak bumuo ng pamilya? Tumatanda na kami. Hahayaan mo ba kaming mamatay na hindi makita ang apo namin na mula sa iyo?” sabi ni Ximena.
Nilingon ni Celeste ang matanda. “Mommy La, walang mamamatay, okay? Makikita ninyo rin po ako na ikasal at magkaroon ng pamilya.”
“Ako muna,” sabi ni Hiro.
“Pero wala pa siya?” tanong niya rito.
Hinawakan ni Hiro ang kaniyang dibdib. “Nandito na siya pero hindi pwede.”
Niyakap niya ito. “Who’s the lucky girl?”
Hindi na ito sumagot at napangiti na lang. Bumuwag na siya sa pagyakap at pinilit itong malaman kung sino ang babaeng iyon pero wala siyang sagot na nakuha rito. Hanggang sa umalis na lang ito at iniwan siyang may tandang pananong sa mukha.
Nilingon niya ang mga matanda. “Mauna na ako sa itaas. Bye!”
Pagdating ni Celeste sa kaniyang kuwarto, agad siyang nagbihis ng damit. Pagkatapos, humiga na siya sa kaniyang kama para magpahinga. Hindi niya maipagkakaila na napagod din siya sa lakad nila ni Hiro.
Para mapagod siya at makatulog, nanood na lang siya ng palabas na kaniya ng napanood. Sigurado siya na mababagot siya kapag ginawa niya iyon.
Habang nakadapa sa kama at abala na sa panunood, biglang nag-appear ang pangalan ng kaniyang kaibigan. Napataas ang kaniyang kilay sabay sagot dito. Lumabas na ang mukha nito at agad napasigaw. Nakadapa rin ito sa kama nito.
“I’m about to sleep. Disturbo ka,” bungad niya rito.
“Ang taray. Kasama mo lang ang Uncle Hiro mo at nagtataray ka na. Sana lahat,” panunukso nito.
“Uncle ko iyon, okay?” aniya.
“Pero iba iyong nakita ko sa live kanina. Mas nauna ka pang tumili sa akin noong kumindat ang Uncle Hiro mo, e. Tama nga kami ni Thamara! Gusto mo ang Uncle Hiro mo!” sabi ni Cynthia.
“Pinagsasabi mo riyan?” irap na sabi niya rito.
“Spank me, Uncle,” pang-aasar ni Cynthia.
Sumali na si Thamara sa pag-uusap nila. Sa group chat kasi nilang tatlo tumawag si Cynthia. Natawa naman siya nang makitang nakasuot lang ito ng bra at panty.
“Magbihis ka nga!” suway niya sa kaibigan.
“Pinatuyo ko pa ang kili-kili ko. Ano ang latest, Cynthia? Ikaw naman best in palaging may napapansin,” sabi ni Thamara.
Natawa si Celeste sa sinabi ni Thamara. “Agreed. At tama ka roon.”
“Ito.”
Pinakita ni Cynthia ang clip ni Celeste noong napasigaw siya nang kumindat ang kaniyang tiyuhin. Nagsitayuan ang kaniyang mga balahibo sa naging reaksiyon niya roon.
“OMG! So tama tayo, Cyn?” natatawang tanong ni Thamara. “Spank me, Uncle. Urghhh!”
“Guys, this is such a disgrace. Please stop this. Nandidiri na ako sa sarili ko,” pag-amin niya.
“Cele, we are b*tches at alam mo iyan. But one thing you can’t deny, we are your trustworthy best friends. Matagal na namin itong napansin kasi ni Thamara, obvious naman kasi,” sabi ni Cynthia.
Napailing siya. “W-Wala nga. W-Wala akong aaminin dahil wala talaga. Hindi ko gusto si Uncle, okay? Hindi at bawal iyon. Mali iyon sa mata ng Diyos.”
“Then change your religion.” sabi ni Thamara.
Napahalakhak sila ni Cynthia sa sinabi ni Thamara. Hindi lang nila inaashan ang sasabihin nito. Iba rin kung magbigay ito ng payo. Halatang hindi nag-iisip nang maayos.
“F*ck, Tami!” sabi niya rito.
“Iyon lang ang napansin namin, Cele. Sana nga mali kami at tama ka,” sabi ni Cynthia.
“Kaya nga. Iba lang kasi ang ngiti mo tuwing nababanggit si Uncle Hiro. Ganito na lang. . . kung hindi mo tiyuhin si Uncle Hiro. Jojowain o jojowain?”
Napangiti siya sabay takip ng kaniyang bibig. Natatawa lang siya sa tanong nito sa kaniya. Pinilit na siya ng mga ito na magsalita pero walang lalabas sa kaniyang bibig. Hindi niya kayang banggitin ang balak na isasagot niya sa mga ito.
“Again. . . Cele, kung hindi mo tiyuhin si Uncle Hiro. Jojowain o jojowain?”
“Titik—”
Nagsigawan at nagpagulong-gulong sa kama na parang mga bata sina Cynthia at Thamara. Pagkatapos, agad din bumalik sa harap ng camera at muling hinintay na marinig ang kaniyang magiging sagot.
“Cele, sagot na!” sigaw ni Cynthia. Abot langit na ang ngiti nito.
Napabuntonghininga siya. “Titikman. Shhh!”
Napasigaw na silang tatlo. Hindi nila maipagkakaila na nababaliw na nga sila. Hindi nagtagal, napahawak na siya sa kaniyang dibdib nang tumibok na naman iyon nang mabilis.
“Ano na ba talaga ang nangyari sa akin?” tanong niya sa kaniyang isipan.
~~~