KABANATA 5

1558 Words
“WHO’S THIS!?” SIGAW ng babae na kausap ni Celeste mula sa linya. Napataas ang kilay ni Celeste sabay layo ng cell phone sa kaniyang tenga. Hindi lang niya inaasahan ang sigaw na mula sa babae lalo pa at ang lambing nito noong una. Muli na niyang inilapit ang cell phone sa kaniyang tenga at handa na siya kausapin ito. “Hey! Who’s this!? Bakit hawak mo ang cell phone ng Hiro namin!?” mataray na sabi nito. Kahit hindi niya nakita ang mukha nito, nakikita niya sa kaniyang isipan na hindi na iyon maipinta. “I am Hiro’s new girlfriend,” sagot niya rito sa labis na inis. “W-What!?” “You heard it, right? Kaya ikaw kung sino ka man. . . layuan mo na ang boyfriend ko. Stop fantasizing him. But thank you for the info.” Napangiti siya sabay pigil ng kaniyang tawa. “Gaano nga iyon kalaki?” “Hindi ka siguro maganda dahil hindi ka niya tinikman,” sagot nito. “Hindi niya talaga ako matitikman dahil pamangkin niya ako. Ikaw! Kung sino ka mang babae ka ay layuan mo ang Uncle ko! Mabuntis ka sana pero hindi si Uncle ang ama!” irap na sabi niya rito sabay pindot ng end call. Ibabalik na niya sana ang cell phone ng tiyuhin sa kung saan ito nakapatong pero hindi niya nagawa nang magtama ang mga mata nila. Hindi niya inaasahan na papabalik na pala ito sa kinauupuan nila. Habang tinitingnan ang tiyuhin, nakita niya ang katanungan sa mukha nito kaya napakaway na lang siya. Pero wala itong ganti sa kaniyang ginawa bagkus nagpatuloy lang ito sa paghakbang pabalik sa kinauupuan nila. Nagsimula ng bumilis ang t***k ng kaniyang puso. Kinakabahan lang siya. Ang sigurado siya ay pagsasabihan siya nito. Kilala niya ito, isa sa ayaw nito ay ang pakialaman ang mga gamit nito. Pagkaupo ni Hiro sa kaniyang tapat ay sinenyasan siya nito na ibalik ang cell phone nito. Wala siyang nagawa kung hindi ibalik iyon habang nagpakawala ng malalim na hininga. “And who told you, Cele, na pakialaman mo ang phone ko? You are invading my privacy and it should not be tolerated,” mahinahon na sabi nito sa kaniya pero ramdam niya ang inis nito. “Sorry kung pakialamera ako, okay? I’m just curious sino iyong Karen the b*tch na iyon,” aniya. Napabuntonghininga ito. “Then what did she say?” “Sasabihin ko ba? Magagalit ka naman sa akin? Tapos parang kasalanan ko naman na sinagot ko lang ang tanong mo,” litanya niya rito. Napakunot ang noo ni Hiro habang tinitigan siya. “And you are gaslighting the situation now.” “Am I? I’m just stating a fact, okay?” “So ano nga?” “She misses your ano raw. Actually, dalawa raw sila. L-Lira ba iyon? Basta iyon sila,” sagot niya rito. Napailing si Hiro. “Iyan ang dahilan kaya naiinis ako na nangingialam ka. Ayaw ko na malaman mo ang mga dirty sides ko at baka magbago ang tingin mo sa akin.” “Hindi naman, ah? Mahal kita, okay? You are single. You can do whatever you want. Pero kailangan ba talaga dalawa? Ang gross mo sa part na iyon.” Napabuntonghininga ito. “Napasubo lang ako.” “Pero what if mabuntis mo sila? Tapos hindi mo love? Kawawa iyong magiging anak mo kung sakali. Kaya kung ako sa iyo ititig—” “Magaling ako.” Napangiti siya at hindi na lang sumagot. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa sinabi nito. Para sa kaniya, walang problema kung maging bukas ito sa kaniya lalo pa at matalik na magkaibigan silang dalawa. Pero may pagkakataon lang talaga na hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na mailang sa ganoong bagay. Hindi lang siya sanay na manggaling salitang iyon sa kaniyang tiyuhin. Inabot ni Hiro ang kaniyang kamay at hinawakan. “Pasensiya ka na kung narinig mo pa ang mga bagay na iyon. I am your uncle, iniiwas kita dapat sa mga bagay na ganoon.” Pinisil niya ang kamay nito. “Uncle, hindi na ako bata, okay? Magtatapos na ako. Papapunta na rin ako roon.” “Kahit na. I am sorry.” Tumayo siya at pumunta sa likuran nito. Niyakap niya ito nang mahigpit habang idinikit ang kaniyang mukha sa mukha nito. “Ikain na lang natin iyan,” aniya. “Sure.” Umayos na siya ng tayo at nauna ng humakbang patungo sa kung saan ang mga pagkain. Pagdating niya roon ay agad siyang kumuha ng gusto niyang kainin. Habang inuuna niya ang kaniyang mga paborito, napalingon siya sa kaniyang gilid para tingnan kung ano ang kakainin ng kaniyang tiyuhin. “R-Really? That f*cking salad lang sa iyo, Uncle?” nagtatakang tanong niya rito. “You can ask, Cele, without the word f*cking,” seryosong sagot nito sa kaniya. “I’m just being me,” giit niya. “Then there is something wrong with you.” “You are too much,” sabi niya habang hindi mapigilan na mapataas ang kaniyang kaliwang kilay. “I’m just being me,” seryosong sagot nito sa kaniya. “Then there is something wrong with you, too,” irap na sabi niya rito. Napailing na lang si Hiro sa kaniyang kakulitan at ito na lang ang kusa na sumuko. Ayaw na nitong makipagtalo sa kaniya. Nagpasalamat na lang din siya roon at baka masaktan lang siya sa huli. Madalas siyang napapaiyak nang dahil sa kaniyang pamilya pero iba ang sakit kung galing ang masasakit na salita sa kaniyang tiyuhin. Masasabi niya na tagos talaga hanggang buto. Kapag napapasobra na talaga siya, sisigawan talaga siya nito at pagsasabihan nang malala. “Ninong!” sigaw ng dalawang bata. Paglingon niya, mga inaanak pala ng kaniyang tiyuhin sa kaibigan nitong si Dior Consunji. Napatingin siya sa asawa ni Dior at hindi niya mapigilan na mamangha sa postura nito. Habang tinitingnan niya ang mga ito, hindi niya mapigilan na mapangiti lalo pa at alam niya ang kuwento ng dalawa. Doon niya napatunayan na totoo talaga na matamis ang pangalawang pagkakataon. Nang nginitian siya ng asawa ni Dior na si Yvony, bigla siyang nakaramdam ng hiya. Naging mabait ito sa kaniya noong bata pa siya. Sariwa pa sa kaniyang isipan na nililigawan ito ng kaniyang tiyuhin noon. Kapag may lakad ang mga ito, sinasama siya ng kaniyang tiyuhin. Para bang tumatayo siyang anak ng mga ito. Ang hindi niya alam kung bakit hindi nagkatuluyan ang mga ito. Pero mabuti na rin iyon para sa kaniya dahil masaya na rin naman ito kay Dior Consunji at mahal na mahal ito nito. “Silvia Celeste, ang ganda mo na talagang bata,” sabi ni Yvonny. Napangiti siya. “Salamat, Ate. Kayo rin po.” “Spoiled pa rin ba sa Uncle Hiro mo?” Napatakip siya sa kaniyang bibig. Nahihiya lang siya sa sinabi nito. Sa daming pwede nitong maalala tungkol sa kaniya, ang pagiging spoiled pa niya sa kaniyang tiyuhin. Hindi niya rin ito masisisi sa bagay na iyon. Marahil iyon talaga ang naiwan niyang alaala rito. “A-Ate,” nahihiya na kaniyang sambit dito. “Yvonne, she grows up without character development. Uncle pa rin nang uncle,” sabi ni Hiro. Nilingon niya ito. “Uncle!” Napangiti ito. “See? Uncle pa rin.” Napatawa si Dior. “Kasalanan mo rin iyan, Hiro. You are spoiling her too much. Bata pa lang iyan si Celeste dati ay mataas na talaga ang ihi.” Napakamot na lang siya sa likuran ng kaniyang batok. Kung may iiwasan man siyang marinig sa buhay, iyon ay kung ano ang sasabihin ni Dior. Bata pa lang siya ay nasaksihan na niya kung paano ito magsalita. “Grabe ka sa pamangkin ko,” natatawa na sabi ni Hiro. “Hi, Ate! Ang ganda ninyo po. Parang nakita na po kita sa Netmix,” sabi ng isa sa mga kambal na anak nina Dior at Yvony. Napahawak siya sa kaniyang mukha. “Thank you.” “Mas mabuti sigurong sa isang mesa na lang tayo. Mauna na kami ni Cele at sumunod na lang kayo. Maghahanap lang kami ng malaking table,” sabi ni Hiro. “Good,” sagot ni Dior. Nang makahanap na ng malaking mesa sina Celeste at Hiro, agad silang umupo roon. Pagkatapos, hindi pa sila kumain at hinintay muna ang Consunji family. Habang naghihintay, napatingin si Celeste sa kaniyang tiyuhin. May gusto lang siyang itanong dito. “Titig na titig ka na naman,” sabi ni Hiro. Napabuntonghininga siya. “Hindi mo pa ba talaga naisipan na bumuo ng pamilya? Iyong mga kaibigan mo ay may mga anak at masayang pamilya na. Don’t take it as an offensive question, Uncle, ha? Nasasayangan lang ako kasi I admire you. For me, you are my standard.” Napangiti ito. “I am not in a race, Cele. Maybe this is just my fate. Anyway, I am patiently waiting sa babaeng para sa akin.” “Kung hindi lang kita tiyuhin? N-Nevermind.” Napatalikod siya matapos sabihin iyon. Pagkatapos, hindi niya mapigilan na mapangiti nang sobrang lapad. Sa pagkakataong iyon, nagsimula na siyang mapatanong sa kaniyang sarili kung bakit napangiti na naman siya ng kaniyang tiyuhin. “Am I into family stroke?” tanong niya sa kaniyang sarili habang hindi mapigilan na magsitayuan ang kaniyang mga balahibo. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD