KAHIT GUGUSTUHIN MAN na lumabas ni Celeste mula sa kuwarto niya ay hindi niya magagawa. Wala siyang lakas para makatayo at makalakad. Kung pipilitin din niya ang sarili niya ay alam niyang magtataka ang pamilya niya kung ano ang nangyayari sa kaniya. Ang sinabi lang niya sa mga ito kanina ay mataas ang lagnat niya at masakit ang kaniyang buong katawan. Kaya kung makita siya ng mga ito na hindi makalalakad ay malamang na dadalhin siya ng mga ito sa hospital. Hindi niya hahayaan na mangyari iyon at baka ano pa ang sabihin ng doctor sa mga ito tungkol sa kalagayan niya. Nag-isip na siya sa kung ano ang magandang gawin. Unang pumasok sa isipan niya ay tawagan ang pinakamalapit sa kaniya na kapatid. Kaya tinawagan niya si Cayne. Ipinagdasal naman niya na sana sagutin siya nito. Napabuntonghi