PAGDATING NILA CELESTE sa kanilang mansion ay mas nararamdaman na niya ang pananakit ng kaniyang p********e. Aminado na siya na mahirap ng ilakad kunti. Para hindi magtataka ang pamilya niya kung ano ang nangyayari sa kaniya ay sinubukan niyang itago iyong sakit na dinaramdam niya. Sa tingin niya, iyon ang mas ikabubuti sa sitwasyon niya. Pagdating niya sa sala, mukhang walang balak na matulog ang buong pamilya niya. Dinamayan ng mga ito ang lola niya na labis din na naapektuhan sa nangyari. Wala pa rin itong tigil sa kaiiyak. Alam niya na labis itong nag-aalala sa kasintahan niya kung nasaan na ito. “Cele, how’s Hiro?” tanong ni Carlos. Makikita sa mukha nito ang pagkabalisa. “Ang bunso ko,” sabi ni Doña Ximena sabay hagulgol. Napahawak na ito sa dibdib nito. “He wants to be alone. I