Clio 1:
"Zoey, make sure na makukuha mo talaga ang lahat-lahat ha," nakangiting utos ng teenager na Clio Xanthe sa harap ng camera.
"No probs CX!" Nagpakita ng thumbs up ang may hawak ng camera.
"Don't forget to put this in VHS ha," pahabol ni Clio habang itinirintas ang napakahabang buhok.
"Ha ha ha! You're soooo 1900s CX," tawa ng kaibigan, "CD's na ang uso ngayon oy."
Napaismid si Clio. "Mas durable kasi para sa akin ang VHS kahit bulky siya. Konting gasgas lang ng CD's at wala na."
Humagikhik si Zoey. "Baliw ka talaga CX, pati pa naman 'tong pananakot mo sa mga girlfriends ni Martin Tygo ay gusto mo pang i-record."
"Alangan namang manatili akong tahimik, aber?" mataray na pahayag niya. "Ayaw daw niyang manligaw sa mas bata sa kaniya tapos malalaman ko lang na ka edad natin ang bagong nobya niya."
"Ikaw na talaga CX," reply ng kaibigan.
"Tsaka, ebidensya lang naman ang kukunin natin ngayon..."
"Dito sa loob ng women's CR?"
Taas kilay na balita ni Clio, "naka-uniform pa tayo oy, wala akong ibang maisip na lugar."
"Hayan na siya," bulong ni Zoey, "bilis bilis bilis..."
"Pinatawag mo raw ako?" Medyo mataray na boses ang umalingawgaw sa loob ng CR.
"s**t, hindi ko nakuha ‘yon ah...teka i-lock ko muna ang pinto," bulong ni Zoey na hawak hawak pa rin ag camera. Pagkatapos maisara ang pinto ay ibinaling niya ang camera sa dalawang babae.
"Yes," mataray rin na sagot ni Clio Xanthe.
"Anong kailangan mo sa akin?" Nakapamewang ang babae.
"Diba girlfriend ka ni Martin Tygo Nils?"
"Oo, eh ano naman ngayon?"
"Hiwalayan mo siya," seryosong sagot ni Clio.
Tumawa ang babae ng mapakla. "Ahhh right, Tygo warned me about someone na parang pesteng dumidikit-dikit sa kaniya. I'm sure ikaw ‘yon, right?"
Imbes na magalit ay napangisi si Clio. "You can f**k him all you want but he is mine. He's been mine since we were kids and I'm the one he's going to marry someday."
"In. Your. Dreams!" tumaas ang boses ng kausap.
Tiningnan ni Clio ang sariling well-manicured hands habang nagsasalita, "Siguro kailangan nating mag-usap ng maayos. You don't have to shout."
"You're crazy as s**t," the girl spat.
Malumanay pa rin si Clio na kumuha ng isang envelope mula sa bulsa nito.
"Babayaran mo ako? Ha! Hindi mo ako mababayaran..." Ismid ng babae.
Inabot ni Clio ang sobre at nang buksan ng babae at nakita ang laman ay namutla ito bigla. Biglang naging nawala ang confidence nito kani-kanina lang.
"How – ho-how did y-you..."
"I have my sources you know. I'm Clio Xanthe Vivocente after all," she scoffed. "At alam mo ang ibig sabihin ng mga pictures, right?"
Napaluhod ang babae sa harapan ni Clio. Hindi kailangang lumpuhin ang babae upang lumuhod sa harapan ng isang Vivocente.
"What do you want?" Her voice trembled in desperation and fear.
Clio smirked. "You know what I want."
Naluluhang tumango ang babae. "Sige basta promise mo lang na huwag mong ipagkakalat at walang makakaalam ng mga ito."
"Marunong akong tumupad sa usapan," sagot ni Clio na nakangitin parin sa babae na tila isang kutong kay daling tirisin. "Oh para evidence ay humarap ka sa camera at sabihin mo na hihiwalayan mo na si Tyko at nakokonsensya ka sa pagtwo-two time mo sa kaniya."
Nanginginig ang babaeng humarap sa camera. "Sorry Martin... I want to back out from our relationship. May mahal akong iba. Sorry at nag two time ako sa ‘yo. Sorry. Sorry."
"Okay na 'yan," parang excited na balita ni Clio. "Basta miss Nina ha, ang deal natin."
"Si-sige..." Tumayo ang babae at tumakbong lumabas.
"Ano ‘yong laman ng envelope CX?" tanong ni Zoey nung silang dalawa na lang sa CR.
Umiling ang babae "Pruweba ng kaniyang pag two time kay Tyko sa loob ng motel."
Napasinghap si Zoey. "Akala ko bluff ‘yon. Saan mo nakuha?"
Clio winked at the person who was holding the camera., "Secrettt... basta Zoey ha, i-cut mo ‘yang mga hindi kasali."
"Sure CX no probs!"
End.
**___**___***___***___***___***
Siya ba 'tong nasa VHS? Kamukha niya, kaboses niya pero ang layo mula sa kaniyang hitsura ngayon. Very confident ang babae sa mga kaniyang ginagawa at animo'y walang kinatatakutan.
Sino si Zoey? Saan na kaya ang babae ngayon?
Maraming mga katanungan pa si Clio tungkol sa unang videotape. Siguro may mga sagot ang mga sumusunod na tapes.
Kinuha niya ang Clio 2 at isinalang sa player.
**___**___***___***___***___***
Clio 2:
"Tama na please..." Iyak ng isang babae.
There were laughter in the background pero nakatuon ang camera sa dalawang babae. Isang nakaluhod at umiiyak at isang nakatayo at tila aliw na aliw sa pangyayari.
"Tama na?" Natatawa si Clio. "Hindi pa nga tayo nagsisimula eh."
'Catfight! Catfight!' hiyawan ng mga tao sa paligid.
"Oh request nila." Nakangisi pa rin si Clio. "Sige ako na ang mauuna." At nagpakawala si Clio ng isang sampal sa mukha ng babae. Naghiyawan na naman ang mga tao lalo na’t halos natumba ang babae sa lakas ng sampal na dumapo sa kaniyang pisngi.
Bumulahaw ng iyak ang babae.
Isang sampal na naman ang pinakawalan ni Clio at halos matumba na ang nakaluhod na babae sa lakas ng tama.
"Sige, magsumbong ka kay Tyko..." kantiyaw niya.
Umiiling ang babae at humahagulgol na talaga. Ang mahabang buhok nito ay tila kurtina na nakaprotekta sa nanginginig na anyo.
"Hindi ka nag expect na malalaman ko ang kabulastugan mo, ano?" nakangiting tanong ni Clio.
"CX may paparating na mga tao rito." Isang hinihingal na lalaki ang nagbalita, "Parang mga pulis."
Halos nagsitakbuhan ang mga andon.
"Bobby, Jake, i-uwi niyo si Miss sa kanila," utos ni Clio, "pero huwag niyo siyang gagalawin."
Tumango ang mga lalaki at binuhat ang umiiyak-iyak na babae.
Humarap si Clio sa camera. "Zoey, nakuha mo ba ng mabuti?"
"CX, alis na tayo please," nanginginig na sumamo ng kaibigan.
"At kahit anong mangyari ay huwag kang lalabas ha," kalmanteng utos ni Clio sa kaniya.
Biglang dumilim ang paligid.
"s**t, di ko makita kung ano ang nangyayari..." bulong niya. "Sorry CX if walang coverage. Audio nalang talaga lahat 'to."
"Clio Xanthe!" Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa tahimik na lugar.
"Oh kayo pala Kuya Bastien," kalmanteng sagot ng babae. "Bakit napadalaw kayo sa hideout ko?"
"Nasan si Ruby?" tanong ng isang lalaki.
"Tyko, bakit ako ang hahanapan mo sa kabit mo?" natatawang tanong ni Clio. “At apat pa kayong naghahanap."
"Stop this madness!" sigaw ni Bastien.
"Sinong baliw?" nangungutya pa ang babae. "I'm Tyko's wife-"
"You're being a delusional b***h!" pasigaw rin na sagot ni Tygo. "I will never ever-"
"Oh s**t, low bat na pala Clio... Sorry tala - "
End.
**___**___***___***___***___***
Clio 3:
"Basta ha, takutin niyo lang ng konti at huwag kayong lalagpas..." utos ni Clio. "Oh heto ang kalahati ng bayad."
Tatlong lalaki ang ngumisi bago umalis sa hide-out nila.
"CX, baka over na masyado 'tong ginagawa mo," nag-aalalang sabi ni Zoey.
"Sundan natin sila dali..." Hila sa kaniya ni Clio at sinundan ang mga lalaki."Siguraduhin mong nakuha mo talaga ang pananakot ng mga lalaki."
"Bakit dito tayo sa park?" Nagtago sila sa isang madilim na parte ng parke.
"Nagja-jogging ‘yang babae dito," she replied.
"Baka over na msyado." May halong takot sa boses ni Zoey.
"Pinakilala ‘yan siya sa pamilya nung dalhin ni Tyko minsan sa mga gatherings. Ang arte arte," mataray na balita ni Clio, "One time nag jogging ako rito ng ganitong oras din. Nakita ko siya at..."
"At?"
"May kahalikang iba," nagtitimpi sa galit si Clio. "I confronted her there and then. At alam mo ba ang sinabi niya? Magsumbong daw ako kay Tyko. She even had the guts to kiss him in front of me."
"My God! Ano ba naman ‘yang mga naging girlfriends ng mister mo, CX, puro mga makakati sa ibang lalaki..."
"’Yan ‘yong ikinagagalit ko talaga." She pouted. "He was serious but they were playing with him. At ako ang seryoso pero hindi pinapansin."
"s**t – andito na sila..."
Pilit na izoom ni Zoey ang lense at i-focus sa direksyon ng isang babae at isang lalaki. Akala siguro ng dalawa na walang makakita sa kanilang make out session.
Lumapit ang tatlong lalaki at sumipol-sipol pa. Kinakantyawan nilang tatlo ang 'couple'. Pero sa hindi inaasahan, tumakbo ang kasama ng babae at iniwan siyang mag-isa. She was surrounded by the three men.
Umupo ito sa damuhan at halatang takot na takot. She placed her hands on her ears and cried, "Please please don't don't..."
"Pare, akala niya papatulan natin siya!" Tumawa ang isang lalaki habang umalis sila sa park.
"Nakuha mo ba?" nakangiting tanong ni Clio.
"Oo," Medyo natatakot pa siya sa nakita. "CX..."
"Huwag kang maawa." Clio spat on the ground, "The b***h deserved it."
End.
**___**___***___***___***___***
Clio 4:
"I'll give you a haircut and you can tell Tyko about it..." Naaaliw na bigkas ni Clio habang ginupit-gupit ang buhok ng umiiyak na babae.
"Sige iyak ka pa diyan," kantiyaw ni Clio. Nang matapos ay hinila niya ang buhok ng babae at napa aray ito sa sakit. "Stop following Tyko or else hindi lang haircut ang makukuha mo."
"You're crazy!" iyak ng babae.
"Yes, I'm fuckingly crazy about Tyko. What's new about that?" She smirked, "Oh sige na, ihahatid ka na nila. Don't worry, they won't hurt you."
Nang makaalis na ang babae ay humarap si Clio sa camera. "Zoey, nakuha mo ba?"
"Oo," sagot ng kaibigan. "Anong ginawa niya?"
"Well, girlfriend yon ni Tyko." She shrugged her shoulders. "Maganda kasi ang buhok kaya tinanggalan ko ng ganda."
"My God CX, baka over na 'to," nababahalang sagot ng kaibigan. "You're not playing Robinhood anymore..."
But Clio Xanthe only smiled mischievously.
End.
**___**___***___***___***___***
Clio 5:
"Naka record na ba Zoey?"
"Play na..."
"Ahem – ahem... I am Clio Xanthe Vivocente and I promise on this day na ako lang ang magiging asawa ni Martin Tygo Nils. I just received the news na engaged na pala kayo Daphne Valera at Martin Tygo Nils. Pero don't worry, I will save the day. Ha ha ha!"
Kumaway si Clio Xanthe sa harap ng camera. "He is mine since I was six years old. This is destiny at walang makakapagpabago non,. Daphne, I met you a couple of times before and you're nice even though I'm a b***h. Pero still, I can't let you marry him... Hanap ka na lang ng ibang lalaki - - pwede si Kuya Bastien hahaha - - pero hindi si Tyko."
She threw a flying kiss. "Bye bye!"
End.
**___**___***___***___***___***
Lupaypay si Clio nang matapos panoorin ang mga tapes. She wanted to know about her previous self pero parang nabuhusan siya ng pinakuluang tubig nang makita ang dating sarili.
Her current self could not accept that she hurt others because she was obsessed with Martin Tygo.
She experienced abuse from her parents kaya may puwang para sa awa ang kaniyang puso nang makita ang mga babaeng nasaktan niya – regardless if they did wrong.
Tumulo paunti unti ang mga luha niya hanggang sa hindi niya mapigilang humagulgol. Parang dinurog hindi lang ang puso niya kundi pati kaluluwa niya sa realizations.
Clio could not believe that she was capable of feeling hatred – towards herself.