1 - When they were young
When they were Kids
"Magiging business man ka katulad ng papa mo, Tyko?" tanong ng anim na taong gulang na si Clio. Hindi niya mabanggit ng tama ang pangalan ng kalaro niya pero gusto rin naman ng batang lalaki ang tawag sa kaniya ni Clio.
"Yep, I am going to be better than him so he would be proud of me," bigkas ni Tygo.
"Alam mo ba kung ano ang gusto ko when I grow up?" Seryosong sinusuklayan ni Clio ang buhok ng manikang hawak nito.
Nakayuko siya at naghahanap ng gumagapang na insekto. "I remember you wanted to be a doctor.”
Umupo ito sa tabi niya habang nakatuon sa ginagawa niyang paghahanap ng insekto. Nagkasakit si Bastien, ang nakakatandang kapatid nito kaya si Clio lang talaga ang kalaro niya ngayon. Buong araw itong nakasunod sa kaniya hanggang umabot sila sa kanilang hardin. Sa totoo lang, ayaw niyang makalaro ang mga babae kasi ang daming arte pero wala siyang naririnig na reklamo mula sa kasama niya.
"Nagbago na ang isip ko." She pouted for a while and smiled. "I decided to marry you instead."
Napaluhod siya sa damuhan at napatingin sa babae. “Talaga?” Tiningnan niya ang anyo ng babae at napatawa siya sa hitsura nito. Ang dumi na ng damit nito sa kasusunod sa kaniya, tapos ang mukha nito may putik na rin, at nakalugay na ngayon ang kanina lang nakapusod na buhok nito.
Pero hindi pa kasal ang nasa isip niya ngayon.
"Sa tingin ko iba na naman yang ambisyon mo bukas," sabi niya.
"Hindi! I want to marry you," sigaw ng babae."At final na yan."
And little did they know that her statement would create a deep impact on their lives.
***********
When they were in their teens
"I love you Tyko!" Clio Xanthe Vivocente screamed at the almost twenty year old Martin Tygo. "At ‘diba nangako ka sa akin noon na ako ang magiging asawa mo?"
"Clio naman," buntong hininga niya. "Huwag kang mag eskandalo sa dorm ko. Nasaan na ba ang sundo mo?"
"Sino ang babaeng kasama mo kanina?" galit na tanong ni Clio. "Bakit hinalikan ka niya sa labi?"
Napakamot ng ulo si Tygo habang inaalala na kasama niya ang girlfriend niya kanina. Konti na lang talaga ang pasensya niya sa kapatid ng bestfriend niyang si Bastien. Kung hindi lang magkaibigan ang mga Vivocente at Nils, baka matagal na niyang naisumbong ito sa police. Ewan ba niya kung bakit hindi mawala-wala sa isipan nito ang nabitawang salita noong mga bata pa sila.
Hindi naman niya sineryoso ang pinagsasabi ni Clio kasi alam niya na harmless crush lang iyon at mawawala rin kinalaunan. Pero nagkamali siya. He underestimated Clio's obsession with the thought of marrying him.
"Clio, umalis ka na, dormortiryo ng mga lalaki ito," mahinahong sabi niya.
"Ah hindi!" Nakapamaywang ang babae at pinandilatan siya. "Sabihin mo sakin kung sino ang kasama mo."
"Excuse me, Tygo, pwede bang sa labas niyo na ipagpatuloy ‘yan?" Lumapit ang kaibigang si Anthony sa kanila. "Medyo marami nang tumitingin sa inyo."
"Anong pakialam mo?" Hinarap nito si Anthony at parang platito ang mga mata sa laki na pinandilatan din ang lalaki. “At saka, hindi ka naman kasali sa usapan ah. Pwede bang huwag kang mag eavesdrop?"
Nakita niyang namula ang mukha ni Anthony – hindi sa hiya kundi sa galit. Hinawakan niya ang siko ng babae at hinila palabas ng dorm. Dumiretso sila sa may garden kung saan walang tao.
"Clio, please stop this." Mahinahon pa rin ang boses niya. “You are not my girlfriend.”
Natigilan si Clio at tiningnan siya ng matalim. "Hindi mo nga ako girlfriend pero future wife mo ako."
Napahilamos siya sa mukha. Gusto niya talagang sakalin ang babaeng ito. "Clio? I have a girlfriend now. We love each other. Who knows a couple of years from now baka maging kami talaga."
Nagkulay kamatis na talaga ang mukha ni Clio. "Hindi eh, promise mo sa akin na ako lang ang magiging asawa mo."
"I never said that!"
"Implied na yes ang sagot mo noon." Clio pouted.
"Clio, you're still young. Sixteen ka pa ‘diba?" Nang tumango ang kausap, nagpatuloy pa rin siya sa litanya, "Maganda ka, matalino, mayaman at mabait. Although I'm thankful sa feelings mo para sa akin pero as of now hindi ko masusuklian ‘yan eh."
"At malamang hindi talaga masusuklian ‘yan. Milagro nalang siguro kung darating ang panahon na yan." Gustong-gusto niyang idagdag pero pinigilan niya at baka magawala pa ang babae ng sobra.
Tinitigan siya nito na tila sinusukat ang bigat ng kaniyang mga salita. "Hmmmm..."
Napabuntong-hininga siya nang makitang unti-unting bumabalik ang kulay sa anyo ni Clio. Sana naman tuloy-tuloy na 'tong good mood ng babae kasi ayaw niyang masayang ang oras niya sa pag-aamo kapag nagta-tantrums na naman ito.
"Nasaan ang sundo mo?" mahinang tanong niya. Para siyang taong sinusubukang lumapit sa isang masahol na hayop, nagdarasal na sana hindi siya kakagatin o kakalmutin nito.
Biglang lumitaw ang ngiti sa mga labi ni Clio. "Ah si Kuya Bastien andon na sa bahay. Sinabi kong may group study ako with friends.” Yumuko ito at may kinuha sa bag.
"Ano 'to?" Nagtatakang tanong niya nang abutin niya ang ibinigay ng kausap.
"Halika, ibubulong ko sayo.” Marahang tumungo ang babae.
Kumunot ang noo niya habang yumuko at inilapit ang tainga sa bibig ng babae. At muntik siyang mapasuntok sa hangin nang maramdaman niya ang malamig na bagay ang lumapat gilid ng kaniyang bibig. Lumingon siya at nakitang nakapikit si Clio habang nakanguso ito.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Tygo at napaatras siya. “Clio!”
Humalakhak ang babae. “Sayang hindi nahagip ang kissable lips mo, Tyko. Pero sweet and salty ang balat mo. Yummy!”
“Stop it!” Galit na pinahid niya ang gilid ng kaniyang bibig at parang nahihindik siya nang mapagtantong dinilaan din ng babae ang balat niya. “Gusto mong isusumbong kita sa mga magulang mo, ha?”
Her smile widened and her eyes twinkled. “No need to threaten me, lover boy. Basahin mo ‘yang surprise ko sa ‘yo ha.” Nagpakawala pa ito ng isang malagkit na flying kiss bago kumendeng-kendeng na umalis.
One of these days, kakausapin niya na talaga ang mga magulang ng babae. Nakakuyom at nagtagis ang kaniyang bagang nang pumasok siya sa dorm. Napuno ng palakpakan, kantiyawan at hiyawan ang dorm nang pumasok siya.
"Mahal kita Martin Tygo Nils. At maghihintay ako sa panahon na sasagutin mo ang pag-ibig ko," sigaw ng isa sa mga kaibigan niya. .
Baka nakisali pa siya sa mga kantiyaw nito kung nasa mood siya. Pero sinira talaga ni Clio ang araw niya lalo na’t nanakawan na naman siya nito ng halik. Kaya walang salitang dumiretso siya sa sariling kuwarto at napamura sa galit.
Muntik na niyang itapon ang ibinigay ni Clio pero curious talaga siya kaya binuksan niya ang simpleng letter envelope kahit na ayaw niya. He clenched his teeth as his eyes wandered through the contents.
Dear Tyko,
I love you! At hindi ako susuko sa nararamdaman ko sa ‘yo. Wala akong kikilanganing balakid. Alam kong ayaw mo pa sa’kin. Pero ngayon lang ‘yan. Ito ang tandaan mong mabuti, sa akin ka uuwi kahit ilang babae pa ang makakarelasyon mo.
Mahal na mahal kita.
Love,
Mrs. Clio Xanthe Nils.
Tygo smirked as he threw the letter on the nearest trash bin. “‘Yan ang inaakala mo, Clio.”
***********
When they were in their twenties
"What the hell is this?" Daphne screamed as she saw the two figures on the bed.
Nagkukumahog ang lalaking umalis mula sa kama. Halata ang pagkalito sa mukha nito nang mapansin na may babaeng katabi sa kama. Tygo shouted at the woman, “What the f**k are you doing here, Clio?"
But the woman in question was silent.
Sa galit ni Daphne, hindi niya mapigilang hilahin ang buhok ni Clio. "You b***h! I tolerated you because the Nils are friends of the Vivocentes. Pero ang gawin 'to days before my wedding is too much!"
She slapped Clio so hard that the latter felt her neck creaked. Nilingon niya si Tygo. "We are through."
Nataranta ang lalaki at pilit siyang yakapin. "Babe, please don't! Alam mong hindi ako naging unfaithful sayo. Alam mo ya – "
Isang napakalakas na sampal ang pinakawalan ni Daphne. "How dare you Tygo?" galit na sabi niya, "Nagtiwala ako sa ‘yo nang sinabi mong harmless crush lang ‘yang kay Clio. Nagtiwala ako sa ‘yo nung sinabi mong hindi mo siya ginalaw at gagalawin."
"Babe." Nanginginig si Tygo at pilit na lumapit kay Daphne. “I love you.”
"You were humping her seconds ago!" Daphne screamed so hard that her throat ached.
"B-babe, I thought she was you!" Tygo’s tears were violently trailing down his cheeks.e
"It's off!" seryosong bigkas ni Daphne.
Hinawakan ni Tygo ang kaniyang mga kamay pero itinulak niya ang lalaki. “I don’t want to marry you anymore. Magsama kayo ng kabit mo!” Tumalikod siya at dali-daling umalis.
“Babe!” Paika-ika siyang hinabol siya ni Tygo.
Nakalimutan nilang dalawa ang babaeng nangangatog sa gilid ng kama. Pinilit niyang niyang kunin ang natitirang lakas ng katawan. Medyo mahina pa ang kaniyang pakiramdam pero kailangan niyang umalis sa pad ni Tygo. She did not want him to see her in this state. Baka mapatay siya sa galit ng lalaki.
Tiningnan niya ang kama at napakagat-labi. “I’m r-really sorry, Tyko.”